Kasawian ni Onos

5 0 0
                                    

Ninais kong maglakbay upang makalimot, ngunit paano ako makalilimot kung purong pangamba ang nakikita ko sa kanila?

Hindi nila ako tanggap, na naging rason sa pagngalit ng damdamin. Hindi ko mapigilan ang demonyong sa loob ko'y nanahan. Gusto kong iwasan ang anumang maaaring maidulot ko, delubyo.

Ngunit,

Huli na. Gusto ko lang namang makalimot, humanap ng bagong pag-ibig na siyang tatanggap sa akin.

Pero . . .

Bakit tila hindi nila ako nais kilalanin? Kung ano-anong pangalan ang ibinibigay, at sa pinakamalala ko nga'y naging si Haiyan ako. Hindi ba talaga nila ako kikilalanin?

Ako si Onos, isang Diyos na naghahanap ng masusumpungan. . .

***
#EEESieteDiasMaratón

a villein's memoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon