Pagkikita

1 0 0
                                    

Hindi siya mapakali. Hindi niya alam ang gagawin. "Paano ba kasi iyan? Hindi naman ako marunong, dapat bang manghula na lang?" tanong sa sarili. Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo.

"Nakakainis, nakakainis, nakakainis, nakakainis, nakakainis lang kasi talaga!" sigaw niya sa labis na inis.

"Bakit kasi bawal magreklamo? Nakakainis!" muling sigaw niya.

Di nagtagal dumating ang kaibigan.

"Oy, oy, oy! Ano yan? Kailan pa ba naging bawal iyan? Kalaya-laya n'yo nga magreklamo, e," sambit nito sa kaniya na ikinagulat niya.

"Nariyan ka pala?" 'ika niya.

"Kanina pa. Di ka pa rin ba—" bitin nito sa sasabihin, tila inaabangan ang reaksyon niya.

"Handa?" pagtatapos nito. Gusto niyang sabihing handa na siya, ngunit di niya alam kung totoo nga ba.

"Hindi ko alam, baka makasakit ako, o baka masaktan na naman ako." Napayuko siya.

"Bakit ipagpapaliban kung puwede namang agaran? Huwag mong hayaang makasakit ka dahil lang sa ipinagpaliban mo," saad ng kaibigan.

"Bakit kasi ako?" tanong niyang muli.

"Bakit hindi ikaw?" balik ng kaibigan.

"Noon di n'yo ako pinapansin. Ngayong may kailangan kayo, nagpapakagahaman kayo para lang sa akin," inis na aniya.

"Pagpapakagahaman ba kung gusto lang naming bumalik siya? at ikaw? Pagpapakagahaman ba iyon? Matagal ka na naming sinusubaybayan at nakikita namin ang nangyayari sa iyo," paliwanag ng kaibigan bago siya iwanan.

"Sinusubaybayan, ngunit bakit ayaw nilang pagbigyan? Kalokohan!" mahinang aniya. Naiinis pa rin.

"Gustong-gusto, ayaw tigilan, di naman nakabubuti. Ano na?" gigil pa rin siya.

Sa huli, wala siyang nagawa kundi harapin ang dating kaibigan.

"Bakit kasi nandito ka? Hindi ba puwedeng lumayo ka? O di kaya'y mawala na lang," nanghihinang aniya nang makaharap ang dating kaibigan. Gusto niyang umiyak, hindi niya kinaya ang sakit.

"Kung di lang kailangan, di kita gagamitin, e. Ayoko na kasi, ayoko na," sambit nito na nagpaiyak sa kaniya. Doon niya natantong pagpapanggap lang ang lahat, na kung di dahil kailangan, di siya nito pupuntahan.

"Kay tagal kitang hinintay, e. Tapos hindi ka naman pala darating, bakit ka ganiyan?" tanong niya.

Natahimik ang dating kaibigan.

"Huli na ba talaga?" tanong nito na hindi niya masagot.

a villein's memoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon