"Ano ba 'yan! Umuulan na naman?" sambit ni Laila habang nakatingin sa bintana ng kanilang tahanan. "Wala na namang pasok, kainis." Napayuko na lang siya sa kaniyang study table.
Kinahapunan, nagsulat siya nang nagsulat. Isinulat ang mga nasa at di kalauna'y sinubukang gumuhit. Nakatulog siyang hawak ang lapis at nakasubsob sa papel na sinulatan.
Nagising si Laila sa kalagitnaan ng ulan. Malakas ang buhos nito, may kasama pang kulog at kidlat. Nagulat si Laila sa nakita—isang bata na naglalaro sa ulanan, hindi alintana ang malakas na buhos nito, tila nagagalak. Hindi nagtagal ay napahinto ito sa paglalaro. Napatakip ang mga kamay sa dalawang tainga, malakas na umiyak. Walang nakaririnig, natatabunan ng malakas na ulan ang bawat palahaw nito.
"Wala talagang dulot na mabuti ang ulan, tsk." Nilapitan niya ang bata.
"Bata!" sambit niya nang makalapit. Napaangat ng tingin ang bata, nagpunas ng luha at sumagot.
"P-po?" inosenteng tanong nito habang nakatingin sa kaniya.
"Titila rin ang ulan, huwag ka nang umiyak," nakangiting aniya.
"Hindi talaga maganda ang ulan," dagdag niya pa sabay haplos sa ulo ng bata. Hinawakan ng bata ang kaniyang kamay.
"Maganda po ang dulot ng ulan, tumingin lang po kayo." Nginitian siya nito at binitiwan ang kamay niya. Tinignan niya kung ano ang inilagay nito, isang maliit na bola. Kung mamasdang maigi. . . makikita sa loob niyon ang mga halamang namumukadkad dahil sa tubig.Kinaumagahan, bumangon si Laila. Rinig na rinig ang malakas na buhos ng ulan. Mula sa pagkakayuko sa mesa ay nag-unat siya at napatingin sa bintana. Napakunot ang noo, kapagkuwa'y nagtaka. Napako ang tingin sa isang pasong nasa labas ng bintana, may halaman at namangha siya sa nakita. Ang halamang paborito niya, muling namukadkad.
***
#EEEBuhosNgUlan
BINABASA MO ANG
a villein's memoir
Short Storya collection of flash fictions written in the group El Escritor's Esfera from 2018-2020