Chapter 25

1.1K 32 11
                                    

Chapter 25




"Nagpaalam ka ba sa Ate mo?" tanong ni Tita na nasa tabi ko lang nakaupo. Sa kasalukuyan ay nandito kami sa loob ng eroplano papunta na sa America.




"Hindi Tita, mamaya na Tita," sabi ko. Habang nakatulala lang sa mga ulap na nadadaanan namin.
Grabe, ang bilis talaga magbago ang sitwasyon. Isang araw magiging masaya ka 'yong tipong pakiramdam mo nasa cloud nine ka pagkatapos naman ay parang binagsakan ka ng langit at lupa dahil sa sakit at lungkot. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, binabangungut pa ako.




Kahit panaginip lang 'yon ay pakiramdam ko parin ay parang totoo. Ang nararamdaman kong sakit sa dibdib ay grabeng sobrang sakit 'yong parang ang hirap huminga tapos ang bigat at iyak na iyak pa ako doon sa panaginip ko. Nakasuot ako noon ng wedding gown tapos kulay white, naglalakad ako sa red carpet- obviously, it my wedding day, our wedding day. Kaya lang 'yong groom na naghihintay saakin ay dapat sana nakangiti na naghihintay saakin pero ang naghintay saakin ay isang kabaong at siya na walang buhay!




Nakakatakot! Yon ang unang beses ko naramdaman ang ganon ka klaseng intensidad ng takot.





"Hija, paano na ang college graduation mo? Di ka makakapaso niyan" tanong nanaman ulit ni Tita pero matagal akong nakasagot.




"Okay lang saakin 'iyon, Tita. Wala din naman si Vince." mapait na sabi ko.
I'm an honor student since first year highschool same din kay Vince, kaya sa lahat ng mga awards namin ay may mga pictures talaga kaming dalawa, pero ngayon na magtatapos na kami ng college ay ito naman ang nangyari.





Sila Elliona, Dacey at Sanjohn. Chinat ko sakanila ang nangyari pero hindi masyadong detalyado, yong mga important details lang, sila na ang magpaalam sa mga Teachers.





Mabilis lumipas ang oras, nakarating na din kami sa America kung sa ibang situation lang 'to ay baka ma - appreciate ko pa 'tong lugar na ito at mag selfie - selfie na pero sa oras na ito ay hindi ko iyon ginawa. Pagkababa lang namin sa airport ay may itim na sasakyan na ang naghihintay saamin.





Nang may nadaanan kaming drive thru ay bumili kami ng pagkain, gusto pa nga sana ni Tita na mag stop mo na kami sa isang dining restaurant para makakain kami ng maayos pero nag - insist ako na wag na, wala naman siyang nagawa.





Ilang minuto na kami dito sa sasakyan pero hindi parin kami nakarating sa hospital, sabik na sabik na akong makita siya. Di ko napigilan ang sarili ko at nagtanong na ako.




"Tita, malayo pa ba?"




"Malapit na, Hija"





Di ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa layo ng byahe. Nagising ako dahil sa tawag ni Tita. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko 2 hours din pala ang byahe namin.




Nang makalabas na kami ay nalula ako dahil sa taas at laki ng hospital. Pinarking mo na ng driver ang sasakyan sa may parking lot.
Kami naman ay pumasok na sa hospital.




Habang naglalakad kami ay kinakabahan din ako ng labis. Ilang beses yata kami nag pasikot-sikot hanggang sa huminto kami sa room 777. Binuksan naman ni Tita ang pintuan, siya ang unang pumasok ako naman ay sumunod lang sa likuran niya.
Nakaharang si Tita kaya di ko makita si Vince.





"N-Nak," malambing na tawag ni Tita sa anak niya.





"M-Mom, s-saan ka galing?"





The Fallen Of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon