Chapter 30
Nakalipas ang isang taon ay pareho namin napagpasyahan na bumalik sa pilipinas. Wala namang tutol ang sila Tita at Tito, gusto na nga nila na sumunod saamin kaya lang hindi nila pwede maiwan ang kanilang kanyang – kanyang trabaho at sayang din if maaga sila mag retire e may ilang taon pa daw sila.
“Mag-ingat kayo ha?” sabi saamin ni Tita. “Pwede pakarga ng apo ko?” aniya na malamlam ang mata na nakatingin sa nag-iisang apo niya. Dahan-dahan naman binigay ni Vince si Baby Dale. Inakbayan ako ni Vince habang pareho naman pinagmasdan ang mag lola at lolo na nagpapaalam sa apo nila.
“Son, don’t forget to take your medicine.”
“Yes, Dad”
Pagkatapos namin magpa-alam sa isa’t-isa ay pumasok na kami sa loob . Karga ko si Baby Dale habang dala naman ni Vince ang dalawang maleta namin.
Pagkarating namin sa airport ay sumalubong saamin ang Ate ko. Kasama ang asawa niya at ang anak nila. Masaya ako dahil kompleto na rin sa wakas ang pamilya ni Ate kase hindi rin madali na mag-alaga ng bata.
I miss her so much. Madalang lang siya bumisita saamin kase may trabaho siya na hindi niya pwede iwanan.
“Ate, lumaki yata ang bahay natin ‘ah” manghang sabi ko habang nakatingin sa bahay, may fountain na then sa bakuran tapos may playground sa labas. Eh ang advance naman yata, e hindi pa naman nakakalakad ang mga bata. Ang bahay ay wala namang binago sa disenyo, na ikinapasalamat ko rin, ayaw kong mawala ang mga ala-ala na iniwan ng magulang namin.
“Si Honey ang nagparenovate niyan, I tried to refuse him pero masyadong mapilit kaya wala akong nagawa. Gusto niya na maging comfortable daw kaming mag-ina. Ayaw ko kasing umalis. Alam mo naman ito lang ang tanging ala-ala na iniwan ng magulang natin.” Litanya niya.
Pinatulog namin kanina ang mga bata, tapos ang dalawang lalake naman ay naghanda ng makakain namin. May kinuhang kasambahay si Ate pero timing din na day-off niya ngayon.
“Ate, mabuti naman at nagkaayos kayong dalawa eh no? At least may daddy na si pamangkin” masayang ani ko sakanya.
Hilaw naman ngumiti si Ate na ipinagtataka ko. Kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Well...hindi siya ang ama ng anak ko. He is my boyfriend at kahit na may anak na ako, tanggap parin niya” mahinang aniya.
“Gag* naman pala ‘yong nakabuntis sayo. Walang bayag!”
“Hayaan mo na ‘yon. Sana nga hindi na mag cross ‘yong landas namin. Masaya na ako sa buhay ko, Shantel”
“Pero mahal mo naman siya, diba?”
“Of course, I'm not that kind of woman! I love him, Shantel. I'm very thankful kase dumating siya sa buhay namin.” Aniya pero hindi nakatakas sa akin ang lungkot ng mata niya.
Natigil ang usapan namin ng dumating ang nobyo ng Ate ko. Inaya niya na kaming kumain. Napakamaligalig ng jowa ni Ate, napakaopposite sa ugali ng Ate ko pero kita ko naman na mahal na mahal nila ang isa't – isa.
BINABASA MO ANG
The Fallen Of Past
Romance#1 rank in Gay category as 03/30/23 #1 rank in Vince category as of 12/23/23 #1 rank in Bessy category as of 12/28/23 #1 rank in Obedient category as of 12/28/23 - A young girl with her wicked and naughty mind, using her seductiveness and beauty...