“Huy, galit ka ba? Sorry na...” Panunuyo ko rito.
Umupo siya sa may harap ng counter saka idinukdok ang mukha roon. Hindi niya ako pinapansin, kanina pa ako nangungulit pero wala siyang imik.
“Bakit ka ba naglasing? Dahil ba sa kumalat na picture? Hindi naman masisira noon ang imahe mo sa mata ng mga taong sumusuporta sa ‘yo.” Pagdadaldal ko.
Pilit kong sinisilip ang mukha nito pero itinatago niya.
“Shut up. You know nothing.”
I frowned. There I realized that it wasn't me. Hindi siya nag-inom dahil sa ginawa ko. Siguro ay mababaw lang iyon kumpara sa dinadala niya ngayon.
“May iba kang problema?” I asked carefully.
Hindi siya sumagot.
“Hindi pala ako ang kailangan mo. Pero bati na ba tayo? Ako na ang bahala sa gulong ginawa ko, pasensya na ulit.” I bit my lower lip.
My lips parted when I heard his sobs. I gulped, hindi alam ang gagawin.
“Una na ako, ah?” Mahinang paalam ko.
I looked at Atlas and Martin, they just nodded while waiting for us to finish talking. Kahit hindi naman ako nito kinakausap. Aalis na sana ako nang magsalita ang lalaki.
“Don’t...” He whispered. “Samahan mo muna ako ngayong gabi...”
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. His phone on his side rang, umilaw iyon at nabuhay. Nag-appear sa screen ang pangalan at picture ng babae.
One missed call from love.
From: love
You found someone new in an instant? Akala ko ba ay priority mo muna ang banda at pag-aaral mo? Tamang desisyon nga ang pinili ko. You deserved to be alone, Vague. Iiwanan ka rin ng babae mong iyan.
YOU ARE READING
Sansinukob Series #4: Voice Over Noise
Novela JuvenilSANSINUKOB SERIES #4: VOICE OVER NOISE BY ASULARYTHEA Sansinukob girl band was invited to be a guest in a variety show together with the boy band, Fever. They were reportedly dating after that one picture leaked. Despite of being shock, they still u...
