050

46 3 2
                                    

Dumapa ako sa kama at isa-isang binasa ang mga tweets ng fans ng Fever at gano'n na rin ng fans namin. I know, this might hurt me even more but I don't care.

"Mang-aagaw, third party, haliparot..."

I smiled bitterly.

Dalawang linggo lang naman. We've been together just for two weeks tapos ito na ang nangyari. Kung alam ko lang na gano'n ang nangyayari sa buhay niya, sana hindi na ako nagpumilit pumasok.

His girlfriend or ex-girlfriend will soon marry a man she doesn't even know. That hurts. Both of them love each other but everything is set and they are not meant to be together. O kaya ay mabago pa nila.

Sa parte ko, siyempre ay hindi naman ako manhid para hindi makaramdam. I was kind of hurt because people are accusing me for something I did not really do. I am not involve, I am clueless.

"Tengga na ang banda niyo dahil sa kagagawan mo. When kalandian strikes nga naman." Pagbabasa ko pa.

"Hindi deserve ng maninira ng relasyon ang pagmamahal at atensiyon."

My heart ached again. I sighed and bit my lower lip. I decided to off my ipad and just lay down on the bed.

I don't deserve to be love? Bakit, ano ba ang ginawa ko? Hindi naman nila alam ang buong kuwento. Wala naman akong ginawa kung hindi ang libangin ang lalaking wasak ang puso na iyon.

He insisted, though. But I gave him an idea.

Hindi ko na alam. Mas mabuti nga siguro ang pananahimik ko ngayon. When I fight back, ako pa ang magmumukhang masama. Kahit magpaliwanag o magsabi ako ng totoo, mali pa rin ako sa paningin ng mga tao.

Hahayaan ko na lang munang lumipas ang panahon hanggang sa makalimutan na ng lahat. Pero hindi puwedeng madamay ang mga kaibigan ko sa gulong ginawa ko.

Sansinukob Series #4: Voice Over NoiseWhere stories live. Discover now