087

43 1 0
                                    

“Sigurado ka na ba sa lalaking ‘yon, Stacey?” Charity asked.

Tumiad ako para abutin ang mataas na bahagi ng dingding at kapitan iyon ng lobo.

“Ilang taon na rin naman niya akong ipino-pursue, isn’t it enough for him to get the chance already?” I asked her back.

Dumating si Nicolette dala ang marami pang mga lobo at sumali na rin sa usapan.

“Nasa iyo naman ang desisyon. Naniniguro lang kami dahil nag-aalala kami para sa ‘yo.” She said.

Phiannae came with the balloon pump in her hand, naupo siya sa gilid ko.

“We all know Vince is good guy, hindi lang naman niya sa ‘yo pinatunayan ‘yon kung hindi pati na rin sa amin at sa mga magulang mo.” She smiled.

“May sabit nga lang noon but I hope everything goes well now since she’s gone.” Charity chuckled.

Yes, she’s gone but not dead.

The wedding were force to continue again, they are now in States to distance the girl from her ex-boyfriend, Vincent. Ang alam ko ay nakatakda na silang ikasal pagkatapos ng nalalapit na college graduation.

Kahit pakiramdam ko ay ako ang nanggulo, natutuwa ako at payapa na kami ngayon. Lalong lalo na si Vince, I witnessed how miserable he is at those times. Now, he survived.

“Goodluck later, love.” Heavenly whispered and hugged me.

“Salamat po sa pagtulong. Love you, girls!”

Ang plano ko ay sagutin na siya pagkatapos ng graduation mamaya. Sa magkaibang school kami manggagaling at dito lang sa ACS gaganapin ang plano ko.

Malapit sa university nila kaya dapat ay mauna ako ng ilang minuto. Kakuntiyaba ko naman sina Martin, Atlas, at Shakie kaya hindi ito malalaman ni Vince sa ngayon.

I realized that I really love him when I almost lose my Voice. He almost give up. He almost leave me. But at the end of the day, he will always say that I deserve to be love and he will always there to fulfill those places.

Sansinukob Series #4: Voice Over NoiseWhere stories live. Discover now