I looked around. It was kind of dark outside, iilan lang ang mga bukas at may ilaw na poste. Itakas ko lang ang kotse ni Kuya Sach, handa na ako sa sermon bukas kapag nalaman niya.
“Nasaan ba ‘yon?” I asked myself.
I pouted. Nagalit ba talaga siya? Puwede ko namang bawiin, o kaya sabihin prank o dare lang iyon.
Kahapon, we played truth or dare as a part of the show. The host dared Vince to set a relationship status with one of us. He chose consequences but the host specifically told him to set the status with me, he declined.
Kapag umere na ang episode na iyon, malalaman ng lahat na dare lang ang status namin. Kaso ay maghihintay pa kami ng dalawang linggo bago iyon ipalabas.
“Uh, good evening po. Do you know where Atlantis Coffee Shop located?” I asked the guy.
Kahit may kadiliman pansin ko ang pamumungay ng mga mata nito. Siguro ay nasa early 40s na siya... and probably, he is drunk.
“The what, miss?” Pasuray-suray na tugon nito.
I bit my lower lip. Hilaw ko siyang nginitian at nagpasalamat na lang dahil mukhang hindi niya ako matutulungan.
Bumaba ako ng kotse. Malapit daw sa Aureate University kaya dapat ay narito lang iyon. Nagpatuloy ako sa paglilibot nang may narinig akong boses ng lalaki.
“Punyeta, kadiri! Parang ewan naman, Vince!” It was Martin’s.
Hinanap ko iyon at ilang hakbang pa ay nakarating na ako sa paroroonan. The shop that Atlas’ owned is just right here. The shop was instruments inspired, mahilig nga siya sa banda.
“Tao po,”
“Ah, sa wakas! Ang tagal mo, Say, pagod na ako.” Reklamo ni Atlas nang makita ako.
I frowned. “Ano bang nangyari?”
“Naglasing.” Sabat ni Martin, mukhang galing sa banyo.
“Umiinom na siya habang magka-usap kayo sa IG, ewan ko ba rito, ayaw magsabi!”
Inilibot ko ang mga mata para hanapin ito. Hindi ko talaga alam kung bakit ako narito. I saw him walking out of the comfort room.
His hair was messy, tender and sleepy eyes, a few button of his polo was open, and he can’t walk properly. Sinfully handsome.
YOU ARE READING
Sansinukob Series #4: Voice Over Noise
Teen FictionSANSINUKOB SERIES #4: VOICE OVER NOISE BY ASULARYTHEA Sansinukob girl band was invited to be a guest in a variety show together with the boy band, Fever. They were reportedly dating after that one picture leaked. Despite of being shock, they still u...
