'HADES- God of underworld ' That's what written on the board.
Noon ay wala naman talaga akong pakielam tungkol sa mga Greek mythology na yan, wala rin naman kasi akong hilig sa pagbabasa ng mga libro...but not until I met him.
"Ano ang pagkakakilala niyo kay Hades? For you, is he evil or not evil?" Our teacher asked.
My classmates raise their hands..halos lahat sila ay interesado sa topic kahit ako ay naging interesado din.
"He's a real evil."
"Kinidnap niya si Persephone para lang maging asawa niya! He's a evil."
"His a selfish god in the greek mythology."
Iba't iba pa na sagot ang narinig ko mula sa mga kaklase ko, pero hindi ako sang-ayon sa mga sinasabi nila.
"That's really a good answer student-"
I slapped my table before I stand up. Natahimik naman ang buong classroom dahil sa biglang pagtayo ko.
"Hindi masama si Hades, Dahil ba siya ang namamahala sa underworld masama na siya agad? Hiningi ni Hades ang pahintulot ni Zeus-which is Persephone father para pakasalan ang anak nito. He didn't kidnapped Persephone..sa katunayan hinayaan niya si Persephone na mamalagi sa itaas ng kalahating taon. So, nasaan ang pagiging selfish dun? Hades loves Persephone so much that's why he ask Zeus to marry his daughter and to be his wife. Aren't you familiar on a quote of Dont' judge a book by its cover." I see Shock reactions on their faces.
Muli akong bumalik sa pagkakaupo ng wala akong natanggap na kahit anong sagot mula sa kanila. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin sa pagtuturo ng lecture ang teacher namin, nanahimik lang ako sa upuan ko hanggang sa tumunog ang bell senyales na tapos na ang klase.
"Grabe ka naman karina! Masyado mo yatang dinibdib yung pagsagot mo kanina." Ani ni Claire.
"Oo nga, ma'y paghampas ka pa ng table. Cool ka na ba nun?" Natatawang sabi naman ni Alice.
"Bakit big deal sa inyo ang pagsagot ko? Kinontra ko lang naman ang mga sinasabi ng mga kaklase natin tungkol kay Hades-"
"Kung makapagsalita ka kasi akala mo naman kilala mo talaga si Hades." Ani ni Alice
"Tsaka, kailan ka pa nagkaroon ng interes sa klase natin tuwing history? Partida! Greek mythology ang pinag-uusapan kanina.. girl! Wala kang hilig sa Greek mythology na yan." Mahabang paliwanag ni Claire.
"Ewan, basta bigla nalang ako naging interesado.." sagot ko sa kanila.
Habang nag uusap kaming tatlo nahagip ng mata ko ang isang lalaki. Matangkad ito, bagsak ang itim na buhok niya, matangos na ilong, maputi, at brown na kulay ng mata. Katamtaman lang din ang hubog ng katawan nito at kung titingnan ng mabuti para lang siyang kasing edad namin.
"Ehem! Titig pa more.." nabalik ang tingin ko sa mga kaibigan ko na tiningnan din pala ako.
"Karina, until now pa rin ba ma'y gusto ka sa kanya?" Tanong ni Alice.
"Ilang beses ko bang sasabihin na wala nga akong gusto sa kanya-"
"Eh ano yang ginagawa mo? Kung titigan mo siya wagas! Tapos sinusundan mo din siya lagi, girl baka iba na yan ah!" Ani naman ni Claire. Hinampas pa niya ko sa braso dahilan para umangal ako dahil sa lakas niyang mang-hampas.
"K-karina..tingnan mo dali!" Nagmamadaling sabi ni Alice.
Nilingon ko naman ang tinuturo niya. Nanigas ako sa kinauupuan ko ng sumalubong sa akin ang tingin niya. Wala itong ekspresyon sa mukha, nakakatakot din kung tumingin ito.
"Tara na girls, balik na tayo sa room." Yaya sa amin ni Claire. Hindi naman ako sumagot at tumayo nalang sa kinauupuan ko.
Naunang naglakad sa akin ang dalawa palabas ng canteen. Hindi ko alam kung bakit ba kinakabahan ako, pero nung tumapat ako sa mesa niya kung saan malapit ang pinto palabas ng canteen halos nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan ng dahil sa pagbulong niya.
"Karina.."