#DN14

14 3 0
                                    

"Manong dito na lang ho ako." Binayaran ko agad ang driver ng taxi at mabilis na bumaba.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa loob at kailangan pa ng ganitong karaming pulis. Dahil sa nakaharang na mga pulis ay hindi ako agad makadaan sa harap ng mismong hotel. Kaya umikot ako para sa likod ng mismong building ako dumaan.

Pinasok ko ang isang exit door saka mabilis na tinungo ang elevator at pinindot ang floor number ng venue.

Napahawak ako sa singsing na suot ko ng bigla itong kumislap sa steel door ng elevator. Hindi ko alam kung paano ito napunta sa daliri ko pero alam ko na sa kanya ito nanggaling. Makalipas ang ilang minuto narating ko din ang palapag kung saan nagaganap ang engagement party.

"Wala nang atrasan." Bulalas ko.

Nilagpasan ko ang mga taong nasa gilid ng pinto wala akong pakielam sa mga taong nakatingin at pinag uusapan ako. Inilibot ko ang paningin ko sa buong venue, nahagip ng mga mata ko si Claire kasama ang ina nito.

Mabilis na lakad ang ginawa ko para marating agad ang kinaroroonan nilang mag ina. Tikom ang mga palad ko ng marating ko ang pwesto nila umiiyak ito. Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya.

"K-karina.." Mahinang bulalas niya.

Hindi ito makapaniwala sa ginawa ko, magsasalita pa sana ito ng muli ko itong sampalin sa kabilang pisngi naman.

"How dare you to slap my daughter-"

"How dare you to get everything to me! You thief! A gold digger.. you bitches!" Malakas na sigaw ko.

"Wala kaming kinukuha sayo!" Galit na sigaw ni Claire. Nagsimula naman mag bulungan ang ibang guest at kumuha ng mga picture at video.

"Really Claire? All I know is you are my friend..a sister to me. Pero lahat pala ng iyon ay palabas mo lang! You took everything from me..my life, my dad, my freedom to be happy."

"Karina.." Napalingon ako dahil sa boses na ilang araw ko rin hindi narinig.

"Damien.." Agad akong tumakbo papalapit dito at niyakap.

"What are you doing here?" Malumanay na tanong nito.

"I know everything. Ipinaliwanag na sakin lahat ni manang.."

"Get off to my fiance!" Hinila ako ako ni Claire pero hindi ako nagpatinag at hinawi ang kamay niya kaya napaupo ito sa lapag.

"Claire, hija ayos ka lang ba?" Nag aalala na tanong ng ina nito.

"Why did you push her! Hindi mo ba alam na buntis siya?" What? Napatingin naman ako kay Damien na nakatayo lang sa likod ko. Wala itong ekspresyon na ipinapakita bagkus humigpit lang ang hawak nito sa bewang ko.

"Damien, bakit hindi mo sabihin sa kanya na magkakaanak na tayo para tigilan ka na niya." Inis na bulalas ni Claire. Inalalayan naman ito ng kanyang ina na tumayo.

Natahimik ako bigla..hindi alam ang sasabin sa mga narinig ko. Kaya ba magpapakasal sila agad?

'Do you trust me?' Bigla kung narinig sa isip ko ang boses ni Damien. Ito yung panahon na nag paalam siya sa akin at sinabing pagkatiwalaan ko siya.

Naramdaman ko ang paghalik ni Damien sa tuktok ng ulo ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakapulupot ang isang braso niya sa bewang ko habang ang isang kamay niya ay sakop ang isang palad ko.

"Damien bakit hindi mo sabihin-"

"Stop it Claire.. You cost too much trouble to everyone." Seryosong sabi ni Damien.

"Damien ano bang ginagawa mo? Anak ko ang pakakasalan mo at hindi ang bastardang babae na yan-"

"DON'T YOU FVCKN' DARE CALL MY WIFE LIKE THAT! YOU DON'T HAVE ANY RIGHTS TO INSULT HER.." Nagulat ako ng bigla nalang sumigaw si Damien ramdam ko ang dibdib nito na nagtataas baba dahil sa galit.

"How dare you! Buntis ako Damien at ikaw ang ama-"

"Im not. Claire."

"What? Ngayon itatanggi mo pa na may nangyari sa atin?" Galit na tanong ni Claire. Panay naman ang pag pa pakalma ng ina nito sa kanya.

"Don't you remember I have a twin brother, David Nile Hades."

Dark night (byshean)Where stories live. Discover now