Mabilis na lumipas ang oras sa school at uwian na. Kinakabahan ako na excited umuwi na hindi ko maintindihan. Matapos ng usapan namin ni Claire kanina hindi na ako nito kinausap pa hindi rin ito sumabay sa akin sa pag uwi..kaya ito ako ngayon naglalakad mag isa.
Punong puno ng mga itsudyante ang bawat kalye kahit ang mga nagtitinda ng kung ano-ano ay nakakalat din kung saan. Hindi pa naman ganun ka dilim kaya kitang kita ko pa ang mga batang naglalaro at nagtatakbuhan sa kalye.
Napatigil ako sa paglalakad ng isang batang babae ang biglang lumapit sa akin at inabot ang isang piraso ng rosas..isang itim na rosas.
"Ate, para sa inyo po." Nakangiting ani ng batang babae habang iniaabot sa akin ang bulaklak.
"Kanino galing?" Tanong ko sa bata.
"Doon po sa lalaking-ay wala na po siya doon. Pero kanina po nandoon siya." Itinuro pa nito ang isang bungad ng eskinita na may nakatayong poste ng kuryente.
"Sigurado ka ba na sa akin 'to ipinagbigay?"
"Opo, sabi niya doon daw po sa babaeng mukhang manika." Nakangiting sabi ng bata.
"Kaya mo bang ilarawan yung mukha niya?"
"Hindi po eh..hindi ko po makita yung mukha niya madilim po kasi. Sige po ate bye po!" Muling tumakbo ang batang babae pabalik sa mga kalaro niya.
Hindi pa naman ganoon ka dilim kaya bakit hindi niya nakita ang mukha nung sinasabi niyang lalaki? Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko isang normal na bulaklak lang ito pero alam ko wala naman itim na rosas pwera nalang kung kinulayan ito.
"Ineng paghingi ng barya pang tinapay lang." Nabaling ang tingin ko sa isang matanda.
"Ay teka nay tingnan ko po kung May barya ako." Binuksan ko ang bag ko saka kinuha ang pitaka.
"Ito po nay singkwenta pesos wala po kung barya eh." Inabot ko kay nanay ang pera pero hindi niya ito kinukuha.
"Nay..ito po-"
"Itim na rosas..saan galing iyan ineng?" Tanong ng matanda. Hindi ko alam na tinitingnan niya pala ang bulaklak na hawak ko.
"Hindi ko po kilala ang nagpabigay. Inabot lang po sa akin ng isang batang babae bakit po?"
"Masamang pangitain ang itim na rosas. Kadalasan ang mga nabibigyan niyan ay namamatay." Ani ng matanda.
"Naku nay! Pamahiin lang po yun hindi naman po lahat-"
"Mas mabuting mag iingat ka ineng..hindi mo alam kung kailan ka niya pwedeng kunin." Inabot ko kay nanay ang pera at umalis na inilagay ko rin sa bag ang bulaklak na hawak ko.
Mabilis akong nakarating ng bahay. Pagbukas ko ng pinto ay makapal na usok ang bumungad sa akin.
"Manang Fe.." Tawag ko kay manang habang pilit na itinataboy ang usok.
"Hija nakauwi ka na pala." Inilibot ko ang tingin sa buong bahay. Samu't saring gamit na ngayon ko lang nakita ang nakasabit at nakapaskil sa buong bahay.
"Ano ang mga yan manang?"
"Mga pang kontra sa masamang espiritu."
"Manang wala naman po masamang espiritu dito sa bahay."
"Anong wala? Meron hija! Sa may kwarto mo..may nakita akong anino." Pahina ng pahina na sabi ni manang Fe.
"Anong anino? Baka naman namalik-mata lang ho kayo." Lumingon lingon pa si manang Fe sa paligid at lumapit sa akin para bumulong. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya na hindi ko inaasahan.
"Yung anino..naging pusa."