#DN12

13 0 0
                                        

Ilang minuto bago ako nahimasmasan sa nakita ko. Tila isang flashflood sa utak ko ang lahat..pero bakit? Ang dami kung tanong na gusto kung masagot pero kanino ko hihingin ang sagot na gusto kung makuha.

"Karina, okay ka na ba talaga?" Nandito kami ngayon sa rooftop ng isang school building.

"Hindi ko alam.. Alice pwede ba akong magtanong?"

"Oo naman ikaw pa! Wag lang tungkol sa math o science mahina ako pagdating sa mga numero haha! Ano ba yun?" Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Gaano mo na ako kakilala?" Na ngalumbaba pa ito at nag isip ng ilang segundo bago ako sagutin.

"Siguro bago pa tayo maging magkaibigan nun kilala na kita noong third year highschool tayo. Nasa kabilang section ka lang kasi saka famous ka rin nun dahil nga muse ka ng section niyo." Mahabang sagot niya.

"Eh si Claire?"

"Si Claire? Nito lang senior high ko lang nakilala si Claire. Actually wala akong masyadong alam tungkol sa kanya pero ang alam ko matagal na kayong magkaibigan."

"Ganun ba.."

"Bakit mo nga pala naitanong?"

"Wala lang.. pakiramdam ko kasi parang may itinatago sa akin si Claire."

"Naku malihim talaga ang babaeng yun ni hindi ko nga alam na ma'y jowa pala yun oh tapos ngayon ikakasal na."

"Ang bilis ng pangyayari.." bulalas ko.

"Sinabi mo pa, tara na balik na tayo gutom na rin ako." Tumango ako bilang pag sangayon.

Pagpunta namin ng canteen ay usap usapan ang pagpapakasal ni Claire. Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat maraming kulang kaya hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Isa pa naguguluhan din ako kung bakit alam ko ang pangalan ng pakakasalan ni Claire gayon ngayon ko lang naman ito nakita.

"Grabe ang bilis kumalat ng pagpapakasal ni Claire No.1 trending siya dito sa buong campus." Ani ni Alice habang nag titingin ng mga post sa social media account niya.

Dahil busy rin naman si Alice kinuha ko ang cellphone ko saka nag tingin-tingin din ng mga post at picture. Pero isang litrato ang biglang lumabas sa wall ng account ko..hindi ko alam kung kailan ito o kung totoong picture ba o hindi. Pinindot ko ang picture maraming larawan po ang lumabas, ako ang nasa ibang pictures habang ang ibang pictures ay may kasama akong lalaki. Hindi lang basta kung sino..kundi mismo ang lalaking papakasalan ni Claire.

"Damien."

"Close ba kayo ng pakakasalan ni Claire?" Napatingin ako kay Alice ng biglang magsalita ito.

"Bakit?"

"Sa pagkakaalam ko kasi walang tumatawag sa kanya ng Damien..ang naririnig ko lagi ay Mr. Hades ang tinatawag sa kanya o di kaya'y Damon Niel."

"Damon Niel Hades ang buong pangalan niya?" Hades?

"Oo, tapos nakatatandang kapatid niya si sir Davien. Isa pa ang alam ko walang tumatawag sa kanya ng Damien kasi nakakatakot na pangalan daw yun. Isang tao lang daw ang naglakas loob na tawagin siya ng ganun maliban sa mommy niya."

Ako..

Hindi ako sumagot. Hinintay ko lang na magpatuloy sa pagsasalita si Alice.

"Sino pa ba? Eh di si Claire.."

Muling bumalik ang tingin ko sa pictures sa cellphone ko. Mali ka Alice..dahil ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganun.

Dark night (byshean)Where stories live. Discover now