"Goodmorning hija." Bati sa akin ni manang Fe ng makita ako nitong bumangon mula sa pagkakahiga ko.
"Goodmorning din manang Fe."Nag stretch pa ako ng mga braso ko ng mapansin ko ang hawak ni manang Fe.
"Manang saan mo po yan dadalhin?" Turo ko pa sa hawak nitong kumot at unan.
"Ilalagay ko sa labahan. Nakita ko dito sa lapag marumi na."
"Kay night na higaan yan manang.."
"Sinong night? May pinatulog ka rito na lalaki?" Gulat na tanong ni mamang.
"Manang yung pusa po..diyan ko siya pinapatulog." Kinuha ko ng maayos kay manang ang kumot at unan ibinigay naman ito sa akin ni manang.
"Hija, ayos ka lang ba?" Kunot noo kung tiningnan si manang Fe.
"Opo naman!" Mabilis na sagot ko.
"Madalas ko kasing mapansin na ma-putla ka, isa pa walang pusa dito sa bahay."
"Manang okay lang po ako. Meron po akong pusa..night nga po ang ipinangalan ko sa kanya." Napakamot naman si manang sa ulo at saka umiling.
"Naku kang bata ka..baka mamaya na matanda ka na. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo, wala talaga akong nakikitang pusa dito sa bahay."
"Imposible naman po yun. Dito pa nga po siya natutulog sa gilid ng kama ko-"
"Hija kung minsan naririnig kitang nagsasalita kapag napapadaan ako dito sa kwarto mo. Nung sinilip naman kita wala naman akong nakita na kasama mo."
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni mamang Fe. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya na wala siyang nakitang kausap ko. Nagpaalam na si manang na maghahanda ng almusal kaya naiwan ako mag isa sa loob ng kwarto ko.
"Meow~"
Nagulat ako sa kinauupuan ko ng makarinig ako ng boses ng pusa. Nakita ko si night sa dulo ng kama, nasa ilalim ito at nakasilip lang ang ng kaunti ang mukha nito na nakatapat sa full body mirror kaya kita ko agad ang mga mata nito na nakatingin sa akin.
"Meow~" Lumabas ito mula sa ilalim ng kama saka tumalon paakyat papunta sa akin.
"Meow~"
"Teka diyan ka-" hindi ito tumigil sa paglapit bagkus ay humiga pa ito sa kandungan ko. Nanigas naman ako sa kinauupuan ko..totoo ba na ako lang ang nakakakita sa kanya?
"Night..ako lang ba talaga ang nakakakita sayo?" Hinaplos ko ang balahibo nito.
"Meow~"
"Karina!!!" Lakad takbo ang ginawa ni Alice kasunod nito si Claire na ganoon pa rin ang itsura..poker face.
"Kamusta? Ayos ka na ba?" Masiglang tanong sa akin ni Alice.
"Oo medyo okay naman na ako. Anung na missed ko na lesson?"
"Don't you worry my friend nag take note si Claire para sayo ang sipag niya diba?" Maloko na ani ni Alice. Inirapan lang siya ni Claire saka kinuha ang notebook niya at inabot sa akin, kinuha ko naman ito at nagpapasalamat.
Bakit ang tagal ng teacher? Kadalasan pagkatunog pa lang ng bell ilang minuto pa lang nandiyan na ang teacher namin pero ngayon wala parin pumapasok na teacher.
"Absent ba si ma'am?" Tanong ko kila Alice at Claire.
"Ay oo nga pala absent ka..hindi papasok ngayon si ma'am nasa ospital kasi yung anak." Sagot ni Alice.
"Kung ganun wala tayong teacher-"
"Goodmorning." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may biglang nagsalita sa harapan ng classroom.
"Goodmorning.." Sabay-sabay na bati ng mga kaklase ko maliban sa amin ni Claire.
"For the mean time ako muna ang substitute teacher niyo for history dahil nasa ospital si ma'am." Paliwanag ng bagong teacher namin.
Kinurot naman ako ni Alice sa tagiliran kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito ng mapang-asar sa akin.
"Girl, teacher natin yung crush mo.."
"Tumigil ka nga Alice..hindi nga sabi."
"Sus! Kunwari ka pa..i know you kaya! Kunwari di tinatablan pero deep inside kinikilig ka." Kinurot ulit ako nito sa tagiiliran kaya mahampas ko ang kamay niya.
"Ms. Alice and Karina.."
"Ah hehe sorry sir." Paghingi ng paumanhin ni Alice habang ako nakatingin lang sa teacher namin sa harapan.
Karina..
Yung boses niya. Hindi kaya siya yun?