#DN11

18 2 2
                                        

"Night?" Napabangon ako ng maramdaman ko na wala na si night sa tabi ko.

"Meow~" Umakyat ito sa kama at tumabi sa akin.

"Saan ka ba galing?" Tanong ko rito.

"Meow~" Hinahaplos ko ang balahibo nito ng biglang kung naalala ang pinag usapan namin kagabi.

"I will wait for you.."

Kadarating lang ni manang Fe ng bumaba ako galing kwarto. Marami itong dala mukhang namili na rin ito ng mga grocery namin.

"Manang ang dami naman po niyan." Pinasadahan ko pa ng tingin ang mga box na pinamili ni manang Fe.

"Pang isang buwan na natin ito hija." Isang buwan? Saan naman kumuha si manang ng pambili ng grocery..ng pang isang buwan?

"Pang isang buwan po? Manang saan po kayo kumuha ng pera? Ang alam ko po wala akong binibigay sa inyong pera. Ni hindi ko nga po alam kung saan nanggagaling yung pera na ginagastos natin." Mahabang paliwanag ko.

"Wag munang intindihin pa iyon hija. Sige na at baka mahuli ka pa sa klase mo." Kahit gusto ko pa magtanong ay hinayaan ko nalang.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko agad ang nakaparadang kotse sa labas ng bahay nila Claire. Ang alam ko ay wala naman silang kotse..ilang segundo pa ay lumabas na si Claire sa gate ng bahay nila hindi ito na ka uniform na ikinataka ko.

"Claire-" Hindi ko na nagawang tawagin pa ng maayos ito dahil nakuha ng taong lumabas sa kotse ang atensyon ko.

"Sir?" Teka bakit naman susunduin ni sir si Claire? May hindi ba ako alam?

Mabilis na umandar ang kotse. Pagkadating ko sa school sumalubong sa akin si Alice na tipid na nakangiti.

Ano naman ang problema ng isang 'to?

"Ayos ka lang ba Alice?"

"Sinabi ba sayo ni Claire?" Ani niya.

"Sinabi ang alin?" Nagtatakang tanong ko.

"Ngayon ang engagement niya.. ikakasal na siya." Ikakasal? Teka ang bilis naman yata.

"Seryoso ka ba? Wala akong alam."

"Wala? As in wala talaga? Sa ating tatlo kayo ang pinaka close sa isa't isa kaya paanong hindi mo alam?" Tanong pa niya.

"Hindi ko talaga alam." Sagot ko pa sa kanya.

Ilang sunod-sunod na subject ang lumipas na tahimik lang kaming dalawa ni Alice. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko kanina..hindi kaya si sir yung pakakasalan ni Claire? Oh my! Hindi kaya napilitan lang si Claire kaya hindi niya sinabi sa amin?

"Oh my gosh Alice!" Napatingin naman sa akin agad si Alice.

"Bakit Karina?"

"What if kaya magpapakasal si Claire eh dahil pinilit lang siya. Paano kung wala talaga siyang magawa kaya napipilitan siyang magpakasal kay sir."

"WHAT??" Napatingin ang mga kaklase namin sa pwesto namin. Wala naman pakialam si Alice sa mga tingin nila.

"Anong kinalaman ni sir sa pagpapakasal ni Claire?"

"Hindi ba't ikaw ang may sabi na magpapakasal si Claire-"

"Gaga! Wala akong sinabi na si sir ang papakasalan niya."

"Pero nakita ko kaninang umaga bago ako pumasok. Sumakay si Claire sa kotse mismo ni sir.. nakita ko rin si sir Davien." Paliwanag ko pa sa kanya.

"Gaga ka talaga! Hindi si sir Davien ang pakakasalan niya."

"Eh sino? Kung ganun bakit siya sinundo ni sir?" Kinuha nito ang cellphone niya sa bag ang nag pipindot doon.

"Ano bang hinahanap mo?" Hindi ako nito sinagot. Ilang minuto ng iharap nito sa akin ang cellphone na May larawan ng isang lalaki.

"Siya.. siya yung papakasalan ni Claire. Grabe nagtatampo ako kay Claire. Kasi isipin mo halos tatlong taon na tayong magkakaibigan tapos hindi manlang niya tapos inimbitahan sa engagement niy-"

"Damien.." Bulalas ko. Hindi ko alam pero parang bilang nagsikip ang dibdib ko. Biglang tumulo nalang ang mga luha sa pisngi ko kasabay ng panginginig ng mga kamay ko.

"Karina..oh my gosh! May masakit ba sayo?"

Ano ba talagang nangyayari???

Dark night (byshean)Where stories live. Discover now