Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglang pagsulpot ni Claire sa gilid ko. Nakita kung nakatingin siya sa labi at leeg ko kaya inayos at tinakpan ko ito.
"Nawalan ng kuryente, ayos ka lang ba?"
"Oo. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang tinatakpan ng buhok ang leeg ko.
"Hindi ka kasi pumasok ng next subject tapos nawalan ng kuryente kaya lahat ng itsudyante pinapunta sa field pero wala ka."
"Nakaramdam kasi ako ng tawag ng kalikasan, you know haha..Tara na!" Yaya ko sa kanya. Sumunod naman ito kahit alam ko na nagtataka pa rin ito sa mga kinikilos ko.
Punong puno ng mga itsudyante ang buong field. May nasira daw na circuit breaker kaya nawalan ng kuryente, narating namin ang pwesto ni Alice na nakikipagkwentuhan sa iba pa namin kaklase.
"Karina! Buti nahanap ka ni Claire, saan ka ba kasi galing?"
"Nag CR lang." Tipid kung sagot.
"Ang tagal mong nag CR ah! Baka iba na yan ah! Haha.." Pagpapatawa pa ni Alice. Ngumiti nalang ako dahil baka kung ano-ano pa ang maikwento ko.
Halos isang oras kaming nasa field ng napagdesisyunan ng head of school na pauwiin nalang ang mga itsudyante.
"Kita kits nalang tayo bukas ah! Bye!" Paalam samin ni Alice. Kumaway lang ako habang si Claire ay tumango lang bilang tugon.
Sabay kaming umuwi ni Claire dahil na rin sa magkakapatid lang ang mga bahay namin. Ilang bahay lang ang layo nila sa bahay namin kaya mabilis lang puntahan kung may kailangan kami sa isa't isa.
Habang naglalakad, naramdaman ko ang biglang pagtigil ni Claire kaya nilingon ko ito. Deretso lang itong nakatingin sa akin ni isang emosyon sa mukha niya ay wala din.
"Claire..ayos ka lang ba?"
"Bakit mo hinayaan na makalapit siya sayo?" Nagtatakang tinignan ko ito. Anu ba ang ibig niyang sabihin?
"Huh? Ano ba ang pinagsasabi mo Claire-"
"Ipinapahamak mo lang ang sarili mo Karina." Magtatanong pa sana ako tungkol sa sinasabi niya ng daanan niya lang ako tuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa marating niya ang bahay nila. Nilingon pa muna niya ako bago pumasok sa loob ng bahay.
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inasta ni Claire. Lumipas ang oras at hapunan na, bumaba ako para tulungan si manang Fe sa paghahanda ng kakainin ngayon hapunan.
"Oh, bakit bumaba ka na agad hija?" Tanong ni manang Fe habang inaayos ang mga plato sa lamesa.
"Wala naman po akong ginagawa kaya tutulungan ko nalang po kayo." Kinuha ko mula sa kanya ang mga plato at ako na ang naglagay at nag ayos nito.
"Hindi naman kailangan, ikaw ka talagang bata ka. Pagkatapos mo diyan maupo ka na at i-paghahanda na kita ng pagkain."
"Manang Fe, nakita ninyo na po ba ang mga magulang ko? Kahit isang beses lang?" Biglaan na tanong ko.
"Bakit bigla mo naman naitanong yan hija?"
"Kasi sa tagal ko na naninirahan dito ni isang beses hindi ko pa sila nakita. Nasaan po ba sila?"
Hindi ko alam kung normal lang ba na feeling ko May kakaiba sa mga ikinikilos ni manang o baka naman nasobrahan na naman ako sa mga ilusyon ko.
"Hindi ko pa sila nakikita..wala rin akong alam kung nasaan sila hija." Hindi ko na sinagot pa si manang at pinagtuunan nalang ng pansin ang pagkain sa harap ko.
"Good night manang.."
"Good night din, sige na at ma'y pasok ka pa bukas. Yung bilin ko wag na wag mong hahayaan na bukas ang bintana ng kwarto mo."
"Sige po."
Pag akyat ko ng kwarto ko ay unang una kung pinuntahan ang bintana sa gilid ng kama ko. Hindi naman ganun kalaki ang bintana actually sliding glass window siya. Matapos kung maisara ay agad kung hinubad ang suot kung damit, wala naman tao kundi ako lang kaya wala akong hiya na maghubad sa loob ng kwarto..kwarto ko naman 'to kaya malakas ang loob ko na walang makakakita sa akin.
Tinungo ko ang CR at saka binuksan ang shower..ilang minuto lang ako nagbabad sa shower at saka lumabas ng CR nang nakatapis ng tuwalya.
Kumuha ako ng underwear at isang sando na siyang susuutin ko. Tinanggal ko ang tuwalya at inihagis sa kama saka isinuot ang underwear at sando, kinuha ko naman ang hair dryer para patuyuin ang buhok ko.
Nakarinig ako ng kaluskos pero hindi ko matukoy kung saan nanggaling. Napatingin ako sa bintana ng makarinig akong muli ng munting kaluskos kaya tinungo ko ang bintana at hinawi ng kaunti ang kurtina para silipin kung may tao ba sa baba.
Madilim ang buong paligid kaya bigo akong makita kung ano man ang lumilikha ng mga kaluskos. Isasara di ko na sana ng bigla nalang ma'y tumalon na kung ako mula sa puno na kaharap ng kwarto ko. Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang gulat, ginapang ko ang papuntang bintana at saka muling sumilip..laking pasasalamat ko dahil isa lang palang pusa ang tumalon mula sa puno.
"Meow..meow."
"Nakakagulat kang pusa ka! Buti nalang pusa lang..akala ko kung ano na."
"Meow~" Binuksan ko ang bintana at inabot ang pusa na nasa dulong sanga ng puno. Halos nasa kalahati na ng katawan ko ang nakalabas sa bintana maabot lang ang pusa. Ipinasok ko ito sa loob ng kwarto ko at saka muling isinara ang bintana.
"Hobby mo ba ang maglambitin sa sanga ng puno? Tapos nanggugulat ka pa.."
"Meow~" Lumapit sa akin ang pusa at idinikit ang mukha niya sa hita ko.
"Ang cute mo..Night ang itatawag ko sayo."
Binuhat ko ito at kumuha ako ng isang kumot sa cabinet at isang unan na nilatag ko sa sahig sa tabi ng kama ko.
"Sweet dreams, night."
Hindi na ito sumagot, natuwa akong panoorin ito na umiikot hanggang sa humiga ito at pumikit. Humiga na rin ako sa kama ko at natulog.