1..2..3..4..5..6? Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ako nandito sa loob ng CR. Sigurado akong nagsisimula na ang next subject namin, pero ito ako nakaupo parin sa toilet bowl kahit hindi naman ako naiihi.
'Karina..'
'Karina..'
'Karina..'
'Karina..'
'Karina..'
'Karina..'
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa pa ulit-ulit sa isip ko ang boses niya. Nababaliw na ba ko? Hindi talaga mawala sa isip ko yung boses niya at yung pagtawag niya sa pangalan ko. Sa ilang buwan na pag sunod-sunod ko sa kanya iyon ang unang boses na marinig ko ang boses niya. Sobrang lalim, nakakatakot..
At kung nagtataka kayo kung bakit ko siya sinusundan kung gayo'y natatakot naman ako sa kanya..yun ay dahil sa pa ulit-ulit na pagligtas niya sa akin. Sino ba naman ang hindi magtataka kung sa ilang ulit kung nadisgrasya ay hindi manlang ako nasugatan o nasaktan. Isa pa bakit sa tuwing napapahamak ako ay bigla-bigla nalang siyang susulpot na parang kabute.
"Wahhh!!!" Napatayo ako sa pagkakaupo ng biglang nawalang ng ilaw sa loob ng CR. Kinapa ko ang lock ng pinto ng cubicle kung nasaan ako at saka lumabas. Sa sobrang dilim ay hindi ko makita ang main door ng CR, wala din akong cellphone dahil naiwan ko sa bag ko.
Nakarinig ako ng mahinang kaluskos..ilang segundo ay nakarinig naman ako ng yapak ng mga paa. Sa takot ko ay napaatras nalang ako at na out of balance ng ma'y na bangga ako na hindi ko alam.
"M-may tao ba diyan?" Wala akong narinig na sumagot, pero may naramdaman akong pumulupot sa bewang ko. Sa sobrang takot ko pinigilan ko ang hininga ko, at hindi gumalaw o nagsalita.
"Κυρία μου." Isang salita na hindi ko maintindihan.
Natatakot ako baka mamaya kung gawin sa akin kung sino man siya..hindi naman ako naniniwala sa mga strange creatures pero girl! Sinong hindi matatakot wala akong makita mamaya patayin ako o kainin ako nito.
Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa bewang ko kaya umatras ako sa pag atras ko lababo na ang narating ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ng maramdaman ko ang presensya niya papalapit sa pwesto ko. Pikit mata akong nakatayo habang pilit na inilalayo ang mukha't katawan ko sa kanya, na pa mulat ako ng mata ng maramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko hanggang sa tuluyan ko nang naramdaman ang pag dampi ng labi niya.
Mahigpit akong napakapit sa lababo habang pigil na hininga akong nakatayo at pinapakiramdaman ang ginagawa niya..
"Κυρία μου.." Napakapit ako sa kanya ng marating ng labi niya ang gilid ng labi ko hanggang sa sakupin na nito ang buong labi ko.
Mahinang ungol ang kumawala sa bibig ko dahil sa pagkagat niya sa ibang bahagi ng bibig ko. Ramdam ko rin ang katawan nito na nakadikit sa akin dahil sa pagyakap niya ng mahigpit sa bewang ko.
Binitiwan niya ang labi ko at muling tinungo ang leeg ko at dinampian ng maliliit na halik.
"Σας λείπεις, την αγάπη μου."
Biglang nagsindi ang ilaw sa loob ng CR..pero wala na ang lalaking kasama ko. Imahinasyon ko lang ba ang lahat ng iyon? Hinarap ko ang lababo para maghilamos para kahit papaano ay nahimasmasan ako. Pero mukhang hindi ako nililinlang ng mga mata ko.
Napahawak ako sa labi ko na may bakas ng dugo pati na rin ang leeg ko na may naiwang marka.
"Karina?"