Buong klase nakatingin lang ako sa teacher namin. Pa ulit-ulit sa isip ko ang mga nangyari sa akin noong mga nakaraang araw. Simula noong maaksidente ako sa kotse, pagtawid ko sa kalsada, pagkahulog ko sa puno, at iba pang nangyari. At sa lahat ng iyon ang lalaking nasa harapan ko ang nagligtas sa akin.
Nagkataon nga lang ba?
"Lutang ka girl.. kanina ka pa tinatawag ni sir." Ani ni Alice.
"Huh?" Wala sa sariling sagot ko.
"Karina, go to my office." Ani ni sir bago lumabas ng classroom namin.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod nalang. Kokomprontahin na niya ba ko? Kasalanan ko ba na curious ako sa pagkatao niya..gusto ko lang naman malaman ang totoo.
*Tok*Tok*
"Come in."
"Take a sit." Umupo ako sa single sofa habang siya naman ay nakaupo sa swivel chair niya.
"Your spacing out to my class Karina." Yung boses niya. Kakaiba ang pakiramdam para sa akin.
"Karina."
"Sino ka ba?" Walang pag alinlangan na tanong ko.
"Im your substitute teacher on his-"
"That's not what I'm asking. You know what I'm pointing out here."
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at saka lumipat upo sa kaharap ko na single sofa.
"Who do you think am i?"
"Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko?"
"Bakit interesado ka?" Tanong niya.
"Gusto ko lang malaman kung sino ka ba talaga. Lagi kitang nakikita kung saan man ako magpunta kapag napapahamak ako ay nandoon ka rin na para bang isang kabute na bigla nalang sumusulpot at nawawala agad na parang isang bula."
"Haha..Karina, masyado mong iniisip ang lahat ng nangyayari sayo. Lahat binibigyan mo ng kahulugan kahit wala naman itong ibig sabihin."
"Anu ba ang ipinupunto mo?"
"Ikaw ano ba ang iniisip mo?"
Ano nga ba ang iniisip ko? Na baka siya yun? Nakakainis para akong baliw dito na kung ano-ano ang iniisip. Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at yumukod para magpaalam saka ko mabilis na tinungo ang pinto ng office pero bago pa man ako makalabas ay may binanggit pa ito na lalong nakapag pa gulo sa mga iniisip ko.
"Masyado kang nililinlang ng mga mata mo. Wag mong tingnan ang gusto mo lang makita, lawakan mo ang isip mo Karina." Tumuloy na ako sa paglabas ng office.
Nililinlang? Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin?
"Karina."
"Claire, ikaw lang? Si Alice nasaan?"
"Nasa classroom, galing akong CR."
"Tara sabay na tayong bumalik ng classroom-" Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para matigil ako sa paglalakad.
"Wag kang papadala sa mga nakikita mo. Hindi lahat totoo Karina.."
"Claire, pansin ko lang nagiging misteryoso ka nang tao. Hindi ka naman dating ganyan..ma'y problema ka ba?" Binitawan nito ang kamay na hawak ko at saka umiling ng pa ulit-ulit.
"Gusto lang kitang iligtas..Karina hindi siya makabubuti sayo. Wag mong hahayaan na makalapit siya sayo pakiusap mahalaga ka sa akin, kaibigan kita ayaw kitang mapahamak."
"Claire..ano ba talaga ang nangyayari? Sinong siya?" Hindi niya ako sinagot niyakap niya lang ako at bumulong.
"Mapapahamak ka lang. Makapangyarihan siya lahat ng gusto niya ay nakukuha niya..kahit ano o kahit ikaw ay pwede niyang makuha. Mag iingat ka sa kanya." Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin saka naunang maglakad pabalik ng classroom.
Isa lang ang naiisip ko..pero imposible naman na ipapahamak niya ako.
"Night." Sino ka ba talaga?