David Nile Hades.. bakit nga ba hindi ko naisip na magkapatid sila?
"Anong pinagsasabi mo Damien?" Tanong ni Claire.
"Stop calling me that. You are not my wife.."
"No! That's not true! Ikaw yun..kasama kita-"
"Davien and I switched. Pumasok ako sa school niyo bilang si Davien para bantayan ang asawa ko at para malaman ang mga ginagawa mo."
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Damien gusto ko man magsalita pero mas pinili ko nalang manahimik at makinig.
"Mga walang hiya kayo! Niloko niyo ang anak ko!" Sigaw ng ina ni Claire habang si Claire ay walang imik na nakatingin lang sa amin ni Damien. Lumapit sa amin ang ina ni Claire at pilit na inaabot ako hinawakan naman siya ng mga pulis habang yakap-yakap naman ako ni Damien.
Nagsimula nang lumapit ang iba pang pulis at palibutan ang mag ina.
"May karapatan kayong manahimik at kumuha ng sariling ninyong abogado at kung wala naman ay mismong gobyerno ang kukuha ng abogado para sa inyo. Lahat ng sasabihin niyo ay pwedeng gamit ebidensya laban sa inyo." Ani ng isang pulis habang pinoposasan ang mag-ina. Nagpupumiglas naman ang ina ni Claire habang si Claire ay walang imik na sumama sa mga pulis.
"Damien.."
"Its okay, you're safe now." Mahigpit ko itong niyakap ganun din ang ginawa nito.
"Dude." napalingon ako sa biglang pagsulpot ni Sir Davien sa gilid namin.
"Wala sa usapan natin ang ginawa mo.." natatawang ani ni Damien sa kakambal niya pabirong sinuntok pa niya ito sa braso natawa din naman si sir Davien sa tinuran ng kapatid.
"Wala nadala eh. Mas naging kapanipaniwala naman diba?" Pabirong sagot ni Sir Davien.
"Kung ganun sino yung nakausap ko sa faculty office? Sino sa inyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Ipinatong naman ni Damien ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ng mahigpit ang bewang ko.
"It's me, my kitten." Dinampian ako ng halik nito sa balikat dahilan para mapatingin ako kay Davien na nakasimangot sa harap namin.
"Tsk. Una na ko, pupunta pa akong presinto." Masungit na bulalas ni Sir Davien.
Bago kami makauwi ay ibat ibang reporters pa ang hinarap namin pati na rin ang statement na kinuha ngmga pulis. Hating gabi na ng makarating kami sa bahay, naabutan namin si manang Fe na nakahiga sa sofa at natutulog. Agad naman itong bumangon ng marinig ang tunog ng pagsara ng pinto.
"Karina..kamusta? Ayos ka lang ba?"
"Opo manang Fe."
"Mabuti naman.." napansin ko ang mga bag na nakalapag sa sahig malapit sa paanan ni manang Fe kaya nagtataka akong napatingin dito.
"Aalis na ako hija. Alam kung malaki din ang kasalanan ko at dapat din na ipakulong mo ako-"
"Manang Fe, hindi ko po kayo sinisisi sa mga nangyari sa akin. Si Claire.. si Claire ang may pakana ng lahat. Kaya wala po kayong dapat na ihingi ng pasensya hindi niyo rin po naman iyon ginusto. Kayo ang nag alaga sa akin sa loob ng ilang taon kaya nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo."
"Maraming salamat hija.."
Tinulungan namin ni Damien si manang Fe na ibalik ang mga gamit niya sa kwarto kung saan siya natutulog.
"Are you tired?" Biglang tanong nito sa akin.
"Not that much.. why?"
"I just want to spend time with you."
"Hmm. Can I ask?" Tanong ko dito habang nakadapa nakaupo naman ito sa gilid ko.
"You can ask anything." Malambing na sagot niya.
"Kelan ka nagsimulang magpanggap na si Sir Davien?"
"Do you really wanna know?"
"Of course.. bakit may itinatago ka ba?" Taas kilay kung tanong.
"Nothing, kitten.."
"Dali na, kailan nga?"
"That time na makita kita sa isang private restaurant. Lalapitan sana kita pero biglang dumating si Claire at lumapit sayo. That day nalaman ko rin na nag aaral ka kung saan pumapasok din si Claire so I convinced Davien to switched persona with me."
"So ikaw din yun?"
"Ako ang alin?"
"Yung ano.. nagliligtas sa akin sa tuwing nasa kapamahakan ako. Yung biglang sumusulpot na parang isang kabute." Natawa naman ito sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kanya dahil sa aliwalas ng mukha niya.
"Yeah it's me.. pero ang akala mo ay si Davien iyon pero hinayaan ko lang na iyon ang paniwalaan mo."
"Ganun ba.." Bigla naman nitong inilapit ang mukha sa akin kaya bigla akong napaatras ng wala sa oras.
"Uy.. ano ba! Lumayo ka nga. Damien!" Itinulak ko pa ito pero ngumiti lang siya kaya nag iwas nalang ako ng tingin.
"Somethings bothering my kitten. What is it?"
"Wala ah." Pag tanggi ko pa.
"You can ask me baby.. i will answer it." Bulong pa nito sa tenga ko kaya bigla nalang ako nanigas sa kinauupuan ko.
"Karina.."
"Ano.. kasi. Ikaw ba yung ano.. yung sa CR?"
"Yes.." Lumapat ang labi nito sa tainga ko kaya ramdam ko ang init ng hininga niya.
"You are?" Tumango naman ito bilang sagot.
"Do you want it again?" Bigla akong napalunok ng laway dahil sa tanong nito.
