Dalawang taon ang nakalipas simula noong nalaman ko ang lahat. Simula sa plano ko Claire at ng mommy niya sa pag angkin ng lahat ng pagmamay-ari ng pamilya namin hanggang sa pagpapalabas nila ng pagkamatay ko at huli ang pagtatago nila ng totoong pagkatao ko. But I'm glady thankful dahil nandiyan pa rin si Manang Fe at Alice para tulungan at damayan ako sa up and downs ko sa buhay and of course my sweet and clingy husband Damon Niel Hades.
Kahit ako hindi makapaniwala kung paano ako nagkaasawa agad at kung paano kami ikinasal ni Damien.
“Manang Fe dali na ikwento mo na kasi sa akin kung paano ba ako nagkaasawa agad. 18 pa lang ako pero kinasal na agad ako?” Paliwanag ko kay Manang Fe.
“Hija, bakit hindi sa asawa mo itanong? Kaunti lang naman kasi ang alam ko lalo na't hindi naman talaga ako sa inyo nagtatrabaho noon kundi kila Claire.” Sagot naman ni manang.
Kanina ko pa ito kinukulit pero hindi naman niya ako pinagbibigyan. Gusto ko lang naman malaman ang sagot pero lagi niya akong tinatalikuran. Ayoko rin naman magtanong kay Damien baka maistorbo ko lang siya sa trabaho niya, isa pa nakakahiya din magtanong sa kanya kung makatingin kasi siya pakiramdam ko malulusaw ako na parang ice cream na nasa apa.
“Manang...dali na kasi!” Pagmamaktol ko pa kay Manang Fe.
“Ay diyos ko ka talagang bata ka! Tumigil ka nga riyan sa pagtakbo mo at baka madapa o madulas ka... baka nalilimutan mo na buntis ka.” Ani ni Manang Fe. Napahawak naman ako sa tiyan ko na may maliit na umbok hindi pa naman siya ganoon kalaki kaya nakakapag suot pa ako ng Sando o tshirts.
“Bakit hindi mo nalang tawagan ang asawa mo. Siya nalang ang kulitin mo, sige na Karina at maglalaba pa ako.” Ani pa ni Manang bago pumunta sa likod bahay.
Wala rin akong nagawa kundi pumanik sa kwarto ko at magmukmok hanggang sa napagdesisyunan ko na tawagan si Damien.
“Hello?”
[Yes, my kitten? Do you need anything?] Bakit ba parang laging husky ang boses niya? Iba tuloy naiisip ko!
“Hmm..gusto kung lumabas. Pwede ka ba—”
“Excuse me Mr. Hades, Naghihintay na po sa inyo si Mr. Chua sa meeting room.” Kung ganun ma'y meeting pala siya.
[Give me minutes..] Rinig ko na ani pa nito sa kabilang linya..na pa nguso na lang ako dahil ang akala ko ako ang kausap niya pero bigla ulit siyang nagsalita sa kabila g linya.
[I will talk first to Mr. Chua and then i fetch you there. It's that okay with you?]
“Wag na..” mahinang sagot ko. Napabuntong hininga pa ito saka muling sumagot.
[Tell to Mr. Chua i have emergency I'll talk to him tomorrow —]
“Uy! Wag na nga kasi!” Sigaw ko.
“Dito na lang ako sa bahay.” Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko.
[But you want to go outside..]
“Oo nga, kaso... alam ko naman na importante yan meeting mo kaya wag na.” Ani ko. I heard his deep sigh.
[Okay, if you want you can go here. Then after the meeting we will go shopping.] Bigla akong napatayo dahil sa sinabi niya.
“Talaga???”
[Be careful..i know you wife. Bigla-bigla kang tatayo o tatalon kapag na i-excite ka.] Hindi ko man kita ang mukha nito pero alam ko agad kung anong itsura niya. Panigurado akong nakakunot na naman ang noo niya na parang matanda haha.
“May cctv ka lang kamo na ikinabit dito sa buong bahay kaya nakikita mo ko.” Angal ko sa kanya na siyang nagpatawa sa kanya.
[Hahaha.. okay fix yourself and i will wait you here at my office. Call or text me if you got here okay?]
![](https://img.wattpad.com/cover/319755966-288-k903166.jpg)