#DN9

16 3 0
                                        

Dahil sa sinabi ni manang natakot akong umakyat sa kwarto ko kaya nandito ako ngayon sa guest room. Dito na muna daw ako matulog sabi ni manang kahit ako rin naman ay natakot sa nakita ni manang pero pwede rin na mis-interpret lang ni manang ang nakita niya wala naman siyang sinabi na literal na nakita niyang naging pusa yung anino na sinasabi niya.

"Bakit parang nagiging horror yung buhay ko?"

"Meow~" nanlaki ang mata ko ng biglang tumalon yung pusa papasok ng kwarto.

Pero paanong nakaakyat yung pusa ganun wala naman kahit na anong hagdan o puno na pwedeng akyatan.

"N-night..anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan na tanong ko. Tumigil naman ito sa paglapit at umupo sa lapag tatlong talampakan ang layo mula sa kama. Naalala ko ang sinabi ni manang tungkol sa nakita niya sa kwarto ko. Diretsong nakatingin sa akin ang mga mata nito kaya sa takot ko ibinato ko ang unan sa tabi ko at nagsisisigaw.

"Manang! Manang Fe!!!"

Narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto. Pumasok si manang Fe na ma'y hawak na walis Tambo at dustpan.

"Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" Hindi ko nasagot si manang dahil nabaling ang tingin ko sa bintana nakaupo roon ng tuwid si night na para bang may iniintay ito.

"Susmaryosep!" Sigaw ni manang saka ibinato ang walis tambo at dustpan na hawak niya sa bintana. Tumalon naman ang pusa pababa kaya kahit takot ako ay nagawa ko pa rin silipin ito.

"Nasaan na?" Tanong ni manang na nasa likuran ko. Wala akong nakitang pusa sa paligid tila bigla itong nawala.

"Hindi ko po alam. Biglang nawala.."

"Iyan na nga bang sinasabi ko! Sabi ko sayo noon wag na wag kang nagpapapasok ng kusang sino o ano dito man sa bahay o kwarto mo lalo na kung hindi mo naman kilala." Na sapo nalang ni Manang Fe ang noo niya saka umupo sa kama tinabihan ko naman ito.

"Hija kung minsan hindi naman masamang sumunod sa mga pamahiin. Sinusunod namin ito para narin iwas disgrasya kaya ikaw makinig ka sa akin."

"Opo.." Bago lumabas si manang Fe ng kwarto ay sinara niya ng mabuti ang bintana kung ano-ano pa ang binilin nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Gabi na ng magising ako nakita ko ang isang tray ng pagkain sa side table na may kasamang note.

'Hija, ipinagluto na kita ng pagkain kung sakali man na magutom ka. Kailangan kung umalis dahil tumawag sa akin ang kapatid ko nasa ospital daw ang asawa ko. Babalik rin ako bukas ng umaga..mag iingat ka riyan huwag kang magbubukas ng pinto't bintana.'

Inilapag ko ang sticky note sa side table at kinuha ang tray ng pagkain. Matapos kung kumain ay bumaba ako papunta nang kusina para doon ilagay ang pinagkainan ko. Matapos kung ayusin ang lahat sa kusina ay umakyat na akong muli sa hagdan pero natigil din ako ng makarinig ako ng ingay galing sa labas ng bahay. Kaya bumaba ako at pinakiramdaman ang buong bahay..dahan-dahan akong pumunta kung saan nakatago ang walis Tambo.

"Praning lang siguro ako..si manang Fe kasi kung ano-ano tuloy ang naiisip ko." Bulong ko pa saka ibinalik ang Tambo sa lagayan at umakyat na papuntang kwarto.

Pag akyat ko ay nakita kung nakaawang ang pinto ng mismong kwarto ko kung saan nakita ni manang yung anino. Nakarinig pa ako ng mga kalabog at kaluskos sa loob ng kwarto.

Dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa nakaawang na pinto. Kita ko ang nakatalikod na katawan nito na nakaharap sa mismong kama ko. Dahil sa taranta ko hindi ko napansin ang ring bell na nakasabit sa itaas ng pinto ng kwarto kaya tumunog ito ng hindi ko sinasadyang mahila ang pinto. Kita ko ang mabilis na pagkilos nito kaya agad akong tumakbo papunta sa guest room at saka inilock ang pinto.

Yakap ko ang sarili habang nakatakip ng kumot ilang beses ko din kinakausap ang sarili ko para kumalma ako pero tila walang epekto ito lalo na ng marinig ko ang tunog na pagbukas ng pinto.

Dark night (byshean)Where stories live. Discover now