Nagdaan ang ilang araw na hindi namin nakikita si Claire ni kahit isang text o tawag ay wala kaming natanggap mula sa kanya.
Nandito ako ngayon sa kwarto at nagmumukmok, bored na rin ako dahil sa ilang araw na hindi rin pagpapakita ni Night. Ewan ko ba sa pusang yun kung saan-saan na naman nagpupunta.
"Mali na ito. Nakukonsensiya na ako.."
Si manang Fe ba iyon? Sinong kausap niya?
Lumapit ako sa bintana kung saan kita ko si manang Fe na may kausap sa cellphone sa mismong tapat ng kwarto ko.
"Hindi ayoko na. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo ayoko nang manloko ng ibang tao para kang diyan sa kahibangan mo."
Manloko? Sino bang kausap ni manang Fe at parang galit na galit siya.
"Hindi! Itigil na natin ito Claire..kaibigan mo si Karina maawa ka naman sa kanya. Walang alam yung tao sa pinag gagawa mo.."
"Claire?" Biglang napalingon si mamang Fe sa pwesto ko. Kita ko sa mukha niya ang gulat ng makita niya akong nakatayo sa mismong harap ng bintana.
"Hija ano ang narinig mo?" Agad na tanong sa akin ni manang ng bumaba ako ng kwarto ko.
"Hindi ko naintindihan lahat, pero narinig ko ang pangalan ni Claire at ang sinasabi niyong panloloko."
"Patawarin mo ako hija, kinailangan ko lang talaga ng pera dahil sa asawa kung matagal nang naka confine sa ospital."
"Anong alam mo manang Fe?" Tila nagdadalawang isip pa ito kung magsasalita ba o hindi..pero sa huli ay inamin din niya ang lahat-lahat.
"Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila Claire ng dahil sa kanila nakapag tapos ng pag aaral ang tatlo kung anak. Pero simula ng magkasakit ang ang asawa ko nag ka baon-baon kami sa utang pero may ini-offer sa akin si Claire na trabaho ang sabi niya ay may kaibigan daw siya na kagagaling lang sa isang aksidente at kailangan ng makakasama sa bahay."
"Binabayaran kayo ni Claire para bantayan ako ganun ba?"
"Hindi lang iyon, ang sabi niya rin ay wag na wag daw akong magpapapasok ng kung sino ng walang pahintulot niya kaya mahigpit kung ipinagbawal sayo noon ang pagdadala ng bisita o kung sino man. Doon ko lang din nalaman na ang gamot pala na ibinibigay niya sakin para ipainom sayo ay gamot para tuluyan ka nang hindi makaalala."
"She really did that?" Hindi makapaniwalang tanong ko, tumango naman si manang Fe.
"Patawarin mo ako hija." Napaupo nalang ako sa sofa hindi makapaniwala sa mga sinabi ni manang Fe..pero bakit? Anong dahilan ni Claire?
"Anong dahilan ni Claire para gawin niya 'to?" Tanong ko kay manang Fe.
"Wala ka ba talagang naalala Karina? Matagal ko nang itinigil ang pag painom ko sayo ng gamot na binibigay ni Claire sa akin."
"Wala ho talaga.. may dapat ba akong malaman manang?" Nag buntong hininga si manang saka ako tiningnan ng may awa sa kanyang mga mata.
"Noong naaksidente ka pinalabas ni Claire at ng kanyang ina na patay ka na. Wala ka nang mga magulang dahil ang mommy mo namatay nung ipinanganak ka habang ang daddy mo naman inatake sa puso ng sinabi nila Claire na patay ka na."
"Ano ho ba talaga ang kinalaman ko kay Claire?"
"Half sister mo si claire."
Half sister?
"Ibig sabihin matagal-" Naputol ang sasabihin ko ng biglang mag ring ang cellphone ko na nasa bulsa ko.
"Sagutin mo at baka importante iyan." Ani ni manang Fe.
"Hello, Alice napatawag ka?"
[Karina, nasaan ka? Anong ginagawa mo?] Sunod-sunod na tanong ni Alice mula sa kabilang linya.
"Teka lang isa-isa lang ang tanong..nasa bahay ako at nag uusap kami ni manang Fe, bakit ba?"
"Buksan mo ang tv dalian mo. Naka live ang engagement party nila Claire..ma'y kakaibang nangyayari."
Binitiwan ko ang cellphone at agad na kinuha ang remote para buksan ang TV sa sala. Bumungad agad sa amin ang kumpulan ng mga pulis na nakapalibot sa labas at loob ng venue. Kitang kita ko rin kung paano magkagulo sa loob ang mga bisita na walang alam sa nangyayari sa loob.
"Hija, anong nangyari?" Tanong sa akin ni manang Fe.
"Hindi ko rin ho alam manang." Agad akong tumayo at kinuha ang cellphone saka umakyat sa hagdan.
"Saan ka pupunta?"
"Sa venue po, kailangan ko malaman ang lahat."
"Delikado Karina..baka kung anong gawin sayo ni Claire-"
"Manang ang sabi mo ay nagsisisi ka na at gusto mong bumawi sa mga nagawa mo. Hayaan niyo po akong pumunta sa venue.. gusto kung magharap kami ni Claire."
Hindi ko na inintay na sumagot pa si manang at agad na umakyat ng kwarto para magbihis.
