#DN5

18 3 0
                                    

Sumapit ang gabi..tahimik na kapaligiran at madilim na kwarto na liwanag mula sa isang lampara ang nagsisilbing liwanag.

Nasa kandungan ko ngayon si night, hindi ko alam kung saan siya nagpunta basta pag akyat ko rito sa kwarto ko kanina ay narito na siya sa kama ko natutulog. Tinanong ko pa nga ito kanina pagkagising na para bang sasagot ito sa tanong ko.

Inilapag ko ito sa inayos kung higaan para kanya. Pumasok ako ng CR at naglinis ng katawan paglabas ko ay agad akong dumaretso sa kama at sinilip si night.

"Night?" Wala ito sa higaan niya.

Nakaramdam ako ng presensya mula sa pinto ng kwarto ko..hindi ito si manang Fe dahil hindi naman nito gawain ang puntahan ako ng ganitong oras.

Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking pumunta dito sa kwarto ko kagabi. Hindi kaya siya yan?

Umayos ako ng pagkakahiga at nag takip ng kumot hindi naman sa dahil na i-excite ako dahil sa nangyari kagabi pero parang ganoon. Mas lamang ang kuryusidad ko kung sino ba siya at ano ba talagang balak niya sa akin. Narinig ko ang hakbang nito papalapit sa kama at ang paglubog ng kama sa gilid ko ng umupo ito.

"Είναι ακόμα εσύ, η κυρία μου." Pilit kung ipinikit ang mga mata ko.

Ramdam ko ang mabagal na pag haplos niya sa mukha ko at paglalagay ng ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko. Hindi ba siya marunong magtagalog? Hindi ko naman naiintindihan ang mga sinasabi niya. Ilang minuto din akong nagkunwaring tulog hanggang sa makaramdam ako ng pag kati ng ilong ko. Hinawakan ko ang ilong ko para pigilan ang pagbahing pero tila hindi epektibo tibo ang ginawa ko dahil isang malakas na pagbahing ang umalingawngaw sa loob ng kwarto ko.

Napapikit ako ng mariin ng dahil sa biglang pagtahimik ng buong kwarto. Kahit ang paghinga niya ay hindi ko marinig..nilingon ko ang pwesto niya. Gulat itong nakatingin sa akin, natatamaan ng liwanag ng lamp shade ang kalahating bahagi ng mukha niya pero hindi ko pa rin ito makilala.

"Sino ka?" Unang tanong na lumabas mula sa bibig ko.

"Paano ka nakapasok? Magnanakaw ka ba huh?"

"Sumagot ka.. nakakapagsalita ka naman narinig kita."

"Night? Ikaw ba yan?" Umayos ito ng upo. Nakita ko ang pagyuko nito at pagtaas baba ng balikat niya. Sinilip ko ang mukha nito pero mabilis siyang lumayo hanggang sa hindi ko na maaninag ang mukha niya.

"Hindi ka ba marunong magtagalog? English?"

Sigh..

"Okay, ganito nalang. Tumango at umiling ka nalang bilang sagot sa mga tanong ko." Tumango ito.

Umabante ako ng kaunti papalapit sa kanya para makita ko ang pagsagot niya.

"First question. Kilala ba kita?" Tumango ito.

"Second. Ikaw ba yung kagabi?" Tango naman ito bilang sagot.

Nagpapasalamat ako dahil madilim kaya hindi niya kita ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit ba tinanong ko pa iyon pero wala nang atrasan naitanong ko na.

Tinaas nito ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko. Pakiramdam ko alam niya kung ano ang iniisip ko kaya lalo akong namula.

"Ehem! Okay third question na..ikaw ba si night? Yung pusa?" Hindi ko alam ang kung ano ang naging reaksyon niya dahil sa dilim..pero hindi siya sumagot bagkus inilapit lang nito ang labi niya at hinalikan ako sa noo.

Iginaya ako nito pahiga at nilagyan ng kumot. Katulad kanina ay hindi pa rin ito nagsasalita pero kahit ganun ay nananatiling pa rin siya sa tabi ko.

"Dito ka muna..night." Kahit nakapikit ay ramdam na ramdam ko parin ang presensya niya hanggang sa hatakin na ako ng dilim.

Dark night (byshean)Where stories live. Discover now