Chapter 3
Jeongyeon's POV
Nandito ako ngayon sa isang resto. Mayroon pa kasing meeting si Ms. Nayeon sa loob kaya hihintayin ko na siya. Sabi niya naman eh maaga raw siyang makakauwi ngayon. Wala na siyang gaanong gagawin.
Ilang oras pa ay nakita kong tumayo na rin sila sa mga upuan nila. Siguro ay tapos na sila sa meeting.
Pagkatapos nilang magkamayan ay nauna nang lumabas ang ka-meeting ni Ms. Nayeon. Ilang sandali ay sumunod na rin siya pagkatapos niyang makuha ang mga gamit niya.
Kasama niya ang Secretary niya, kaya ihahatid na muna namin siya bago umuwi.
-Fast Forward-
Kinabukasan, pagkatapos kong ihatid si Ms. Nayeon sa trabaho niya, bumalik ulit ako sa Mansyon dahil lalabas naman si Sana. Mamamasyal daw kasi siya dahil bored sa bahay.
Wala ba siyang trabaho?
Napansin ko lang kasi, silang tatlong magkakambal, walang ibang ginagawa sa bahay.
Habang nasa biyahe, ang daldal niya masyado. Hindi siya talaga maubusan ng topic.
"Mr. Yoo?" Tawag niya sa akin.
"Jeongyeon na lang po, Ma'am. Napaka-pormal kasi ng Mr. Yoo." Sagot ko.
"Oh sige, Jeongyeon. Pero magmumukha naman akong walang respeto. Ayaw mo ng pormal at hindi naman gaanong magkalayo ang mga edad natin. We're both in 20's but matanda ka pa rin sa akin. Maybe I can call you Oppa na lang, pwede?" Tugon niya.
"Kahit ano pong gusto niyong tawagin saakin, Ma'am."
"Matagal ka na ba dito?" Tanong niya.
"Uhm... 2 years pa lang po ako dito, Ma'am. Dahil dito rin po ako pinanganak nun bago kami lumipat ng pamilya ko sa Pilipinas, madali na lang din ang pagtira ko dito." Kwento ko.
"Pure Korean ka?"
"No, Ma'am. I'm half Filipino. My mother is a Filipino at naroon sila ngayon sa Pinas ng kapatid ko."
"Wala ba silang balak na manirahan din dito? Para.... May kasama ka na at.... Para kapag gusto mo silang makita, madali na lang."
"Ayaw na ni Mama na bumalik pa rito. Maaalala niya lang si Papa."
"왜요? (Waeyo?/Why?) Ano bang nangyari sa Papa mo?" Isa niya.
"Ayoko na pong alalahanin siya, Ma'am." Sagot ko na lang.
Ayoko talaga na pinag-uusapan ang tungkol sa walanghiya kong Ama. Iniwan niya kami. Dapat lang na kalimutan ko na rin siya tulad ng ginawa niya saamin, di ba?
"Okay. Siguro patay na siya. Tama ba ako?" Tanong niya ulit at sumang-ayon na lang ako.
Tama siya. Mula nang iniwan niya kami, para na rin siyang namatay. Ni walang contact sa kanya. Maging siya, hindi man lang nagme-message o tawagan man lag kami. Ni hindi ko nga rin alam kong patay na ba siya eh. Sana ganun na nga lang. Para wala na rin akong iisipin pa.
Napansin kong natahimik siya. Nilingon ko naman siya sa rear view mirror at nakita kong malungkot siya.
"Okay lang po kayo?" Tanong ko.
"Oo. Iniisip ko lang, pareho tayo ng kambal ko ng sitwasyon. Ang pagkakaiba lang, ulilang lubos na talaga kami kung hindi lang kami inampon ni Daddy. Ikaw? Nawala lang ang Papa mo pero nariyan pa rin ang Mama mo at kapatid mo. Nakita mo at nakasama mo sila habang kami ng mga kapatid ko, mula nung mamatay si Mama, hindi namin nakita ang Papa namin. Bata pa kami nun. Ni hindi ko na nga maalala ang mukha ni Mama eh."
YOU ARE READING
Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed
FanfictionOnly a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]