Chapter 25
"Mr. Park, nakabalik na po si Mr. Kang." Balita ng kasambahay ni JinYoung sa kanya. Kasama niya pa rin si Linda na nakaupo sa kabilang sofa. Ang mga anak naman nila ay pinagpahinga na nila kasi masyado nang late.
Nilingon naman nila ang pintuan at nakita ang hinihintay na lalaki. Nagtaka naman sila sa dalawang taong kasama nito.
Agad na napatayo si JinYoung at lumapit sa babae. Ang babae naman ay bumitaw sa pagkakahawak ng katabi niyang lalaki sa kamay niya at niyakap ang Ama nang makalapit ito sa kanya.
"Sweetie, okay ka lang. Nag-alala ako nang sobra." Aniya ng matandang lalaki sa Anak.
"Okay na po ako, Dad. Thanks to Jeongyeon. Hindi ko alam kong anong sinabi niya sa taong yun kung matatawag pa ba yung tao? Pero atleast ay nakauwi kami ng ligtas." Tugon naman ni Nayeon sa Ama.
"Kahit na. Sorry. Sorry dahil nadamay pa kayo sa problema ko." Parang naiiyak na saad ng lalaki habang nakayakap pa rin sa anak. Ilang sandali pa ay bumitaw na rin siya at ang lalaki namang katabi nito ang siya namang binalingan niya.
Nakaramdam naman ng kakaiba si Jeongyeon dahil sa paraan ng pagtitig sa kanya ng lalaki.
"Uhm.... Sir. Pasensya na po, hindi ko po nagawa ng maayos ang trabaho ko." Kinakabahan namang saad ng binata at yumuko't lumuhod pa sa harap nito.
Inalalayan naman siya ng lalaki na tumayo ulit.
"Hindi mo kasalanan kung bakit yun nangyari. Kung tutuusin, mangyayari pa rin naman yun kung yun talaga ang balak ni Dennis, ng Ama mo." Saad ng lalaki.
"Tungkol po sa kanya, gusto ko po kayong makausap." Ani Jeongyeon.
Tinapik naman siya ng lalaki sa balikat bago tumalikod at nagsalita.
"Ipagpabukas na natin ang tungkol sa bagay na yan. Magpahinga na muna tayo. Ikaw na bahala sa kanila, Nayeon." Saad nito saka nagbilin sa dalaga.
"Siguro nga." Nasabi na lang ni Jeongyeon nang makalayo na ang lalaki.
Sinamahan naman sila ni Nayeon sa kwartong tutulugan nila sa gabing yun.
"Ahm.... Ms. Nayeon, uuwi na lang po ako sa apartment ko. Wag na po kayong mag-alala sa akin." Paalam naman ni Daniel.
"Sigurado ka?"
"Opo, Miss."
"Sige. Mag-ingat ka sa pagmamaneho."
"Sige po." Saad ng lalaki saka yumuko at nagpaalam sa kaibigan saka umalis.
Inihatid na muna nila ang Ina ni Jeongyeon sa kwarto nito bago sila pumunta sa kwarto rin nila. As usual, dun ulit sa quarters ng mga empleyado ng bahay na yun matutulog si Jeongyeon. Naroon ang mga gamit niya at yun naman talaga ang kwarto niya doon. Inihatid niya na muna ang dalaga bago pumunta sa silid niya.
"Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari." Aniya ng dalaga.
Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa pasilyo papunta sa kwarto ng babae.
"Kalimutan mo muna ang mga yun, Nayeonie. Marami ngang nangyari pero masusulusyunan rin naman natin ang lahat ng iyon. Bukas, kakausapin ko ang Dad mo para matapos na ang lahat."
"Tungkol ba yan sa pinag-usapan niyo ng Papa mo? Ano ba yun at parang ang dali niya tayong pinakawalan?"
"Ipapaliwanag ko sayo kapag nasulusyunan ko na. Wag mo nag isipin pa ang bagay na yun. Let me handle this."
"Sige pero tawagin mo muna ako sa nickname ko." Aniya ni Nayeon habang nagpapa-cute pa.
"Nabong?"
"Hindi yun. Ano ba? Nakalimutan mo agad?"
YOU ARE READING
Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed
أدب الهواةOnly a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]