Chapter 24
"Pakawalan niyo na siya!" Utos ng isa sa mga tauhan ng Matandang Yoo sa mga bantay ni Nayeon sa isang silid.
Agad naman siyang sinunod ng mga ito at inilapit sa kanya ang babae.
"Isuot mo ito at umalis na kayo ng kasama mo."
Iniabot nito kay Nayeon ang isang paper bag na naglalaman ng mga pampalit niyang damit.
Hindi na nagtanong pa ang babae kung bakit at kung ano ang nangyayari at kinuha ang paper bag. Gustong-gusto niya nang makalabas sa lugar na yun at umuwi na.
May isang pinto sa loob ng kwartong yun at doon siya pumasok para magbihis. Pagkatapos ay lumabas na siya at bumungad sa kanya si Jeongyeon na nakaupo sa isang upuan sa loob. Nakatalikod ito sa kanya. Napansin niyang wala na ang iba pang lalaki doon at tanging ang binata lang ang naroon.
"Jeongyeon!"
"Tapos ka na?" Tanong naman ng lalaki sa kanya nang harapin na siya nito.
"Anong nangyayari?"
"Uuwi na tayo. Halika na?" Kalmadong sagot ni Jeongyeon sa kanya.
"Ganun lang yun kadali? Sabihin mo nga sakin, may pinag-usapan ba kayo ng Papa mo na di ko alam? Nakipagkasundo ka ba sa kanya?" Sunod-sunod namang tanong sa kanya ng babae.
"Wala, Nayeon. Pina-realize ko lang sa kanya ang magiging resulta kapag pinagpatuloy niya pa ito. Kung anong magiging reaksyon nina Mama at Ryu, maging ng triplets."
"May konsensya pa rin naman pala siya."
"Oo, kaya umalis na tayo. Siguradong nag-aalala na sila sa atin."
Nang makalabas na sila sa kwartong yun, bumungad sa kanila ang ilang tauhan at maging ang Matandang Yoo. Inihatid sila ng mga ito palabas sa lugar na yun na parang walang nangyari.
"Mag-ingat kayo palabas, Young Master." Saad ng mga tauhan habang nakayuko sa kanya.
At si Jeongyeon naman na hindi sanay sa mga ganung pormalidad ay yumuko rin. Pagkatapos ay tiningnan niya ang Ama. Naalala niya ang pinag-usapan nila.
Hindi niya alam ngayon ang dapat na isipin tungkol sa Ama. Sa mga ginawa nito ay pakiramdam niya'y mawawalan na siya ng respeto dito. Pero nang dahil sa pinag-usapan nila, may parte sa kanya na nagsasabing may pag-asa pa itong magbago.
Kahit papaano ay iniisip pa rin naman nito ang tungkol sa kanila. Mas lalo na ang iba pa niyang kapatid na walang kaalam-alam sa totoong nangyayari sa buhay nila. Mula pa sa simula ay wala silang alam.
~~
Jeongyeon's POV
Palabas na kami ngayon nitong lugar na pinagdalhan saamin ni Papa. Hinatid pa kami sa labasan at yumuko pa saakin bilang galang. Dagdag pa na tinawag nila akong "Young Master". Ibig sabihin nito ay "Master" ang tawag nila sa lalaking yun. Ano naman kaya ang tinuro sa kanila ni Papa. Napaka-loyal din nila dito.
Tiningnan ko pa si Papa bago kami magpatuloy na umalis sa lugar na yun. Tinanguan niya ako at sinenyasan na magpatuloy na. Para bang sinasabi niya na "Sige na umalis na kayo bago pa magbago ang isip ko." Dahil sa hitsura niya ngayon, naalala ko rin ang pinag-usapan namin. Seryoso ba siya dun?
Ang totoo niyan, gulong-gulo na ang utak ko ngayon. Hindi ko pa din alam kung sino ang totoo kong paniniwalaan. Pero lahat ng patunay si Papa lahat ang tinutukoy. Si Papa ang tunay na dahilan ng lahat. Pero magulo pa rin. Bakit naman nila ibibigay kay Mr. Park ang mana ni Dad? Wala na bang ibang kapatid si Papa? O dahil sa triplets?
"Tajo-ah!"
Napalingon naman ako kay Nayeon nang tawagin niya ako sa pangalang yun. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang babaeng kalaro ko nung bata pa ako. At siyang pinangakuan ko na babalikan ko kapag maayos na ang lahat.
"Tajo-ah!"
"Huh?"
"Parang hindi ka nakikinig. Kanina pa kita tinatawag."
"Sorry, hindi pa kasi ma-process ng utak ko ang mga nangyayari. At hindi rin ako makapaniwala na makikita kita ulit. Akalain mo, naghiwalay tayo noon bilang magkaibigan, at ngayon nagkita tayo bilang mag-amo. Hindi mo talaga alam ang takbo ng tadhana hindi ba?" Ani ko.
"Pero magkaibigan na ulit tao ngayon di ba? Sandali, paano mo nga pala nalaman na ako yung kaibigan mo noon?"
"Napanaginipan ko yung kabataan natin bago kami umalis dito sa SoKor at lumipat ng Pinas. Ang totoo niyan, noon pa man alam ko nang may kakaiba sa iyo. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano pero yun na nga. Nang makita ko yung mukha ng batang babae sa panaginip ko, ikaw agad ang naisip ko. Yung ngipin mo na parang sa kuneho at yung mga ginagawa mong pagpapa-cute. Hanggang ngayon ginagawa mo pa rin."
"Ako? Wala talaga akong ideya na ikaw yun. Iba naman kasi ang hitsura mo noon kaysa ngayon at mga bata pa tayo. Pero masaya ako na nakita na kita ulit."
"Ako rin."
Makalipas ang ilang minuto naming paglalakad, narating na rin namin ang kalsada. Kasama namin ang ilang tauhan ni Papa at pagkatapos nila kaming maihatid dito ay umalis na rin sila.
May nakita kaming sasakyan na palapit. Pamilyar sa akin ang sasakyan at kung hindi ako nagkakamali....
"Daniel!" Pagtawag ko sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan nang tumigil ito sa harapan namin.
Dali-dali naman itong bumaba ng sasakyan niya at lumapit saamin.
"Buti nakatakas kayo? Ayos lang ba kayo?" Usisa niya saaming dalawa habang sinisipat kami mula ulo hanggang paa.
"Wag kang mag-alala. Ayos lang kaming dalawa. Umuwi na tayo bago pa sila mag-report at magkaroon oa ng misunderstanding." Saad ko naman.
"Misunderstanding? Yun ba ang tawag mo dun? Kinuha nila kayo nang walang nakakaalam at dinala dito sa liblib na lugar. Misunderstanding ang tawag mo dun? Tinawagan niya pa si Mr. Park at binantaan. Pero ikaw parang hindi apektado sa nangyari."
"Woah! Calm down, Bro. Ayos lang kami."
Kita ko sa mukha niya na hindi ito makapaniwala. Nilingon ko rin si Nayeon at ganun din siya.
"Ms. Nayeon, ano bang nangyari sa loob at nagkakaganito toh?"
"Hindi ko rin alam, Sir." Sagot naman ni Nayeon dahilan para matigil si Daniel sa pagsasalita.
"I'm sorry. Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Daniel. Kang Daniel." Sabay abot ng kamay niya kay Nayeon para sa handshake na tinanggap naman nitong katabi ko.
"Kababata ko rin siya, Tokki-yah. And guess what? Matagal na siyang may gusto sa pinsan mong si Jihyo." Pagpapakilala ko sa kaibigan ko at yung huling pangungusap ay ibinulong ko na lang sa kanya.
"A-anong sinabi mo sa kanya ah? Sinisiraan mo ba ako?" Angal naman ni Daniel.
"Wala. Halika na. Umalis na tayo." Sagot ko saka inalalayan na makapasok sa passenger seat si Nayeon. Siya naman ay walang nagawa kundi pumasok na rin sa sasakyan.
"Sigurado ka wala kang ibang sinabi?" Tanong niya ulit nang makapasok na kami.
"Oo nga. Sige na paandarin mo na itong sasakyan."
YOU ARE READING
Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed
FanfictionOnly a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]