Chapter 8

70 5 0
                                    

Chapter 8

Maayos na natapos ang shooting nila nung araw ding yun. Madilim na ang kalangitan nang matapos sila.

Dahil sa pagod, dumiretso na sila sa mga kwarto nila at nagpahinga.

Nakatulog na ang lahat maliban kay Jeongyeon. Kahit pagod rin dahil tumulong rin siya sa shooting, hindi pa rin mawala sa isip niya ang tungkol sa kung sino ang nagpadala nung kanina.

Hindi pa rin niya maisip na sa Papa niya nga yun galing.

Naisipan niya na munang magpahangin sa labas at magpaantok na rin. 

Sa kabilang banda, si Mina naman ay lumabas muna sandali ng kwarto nilang kambal dahil sa tawag ng assistant niya.

Nang matapos ang tawagan nila ng assistant, bumalik na siya ng kwarto nila.

Nang biglang isang lalaki ang humila sa kanya.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako. Sino ka ah?" Saad niya habang nagpupumiglas.

Dahil sa pagod ay nakatulog na ng malalim ang mga kasama niya at hindi na siya napansin.

Dinala siya ng lalaki sa medyo likurang bahagi ng resort na yun.

Jeongyeon's POV

Nandito ako sa may pool area at nagpapahangin sandali.

Tahimik ang paligid dahil tulog na nga ang lahat.

Nang bigla na lang nakarinig ako ng sumisigaw.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako. Sino ka ah?"

"Sandali, boses yun ni Ms. Mina." Saad ko saka hinanap ang lugar kung saan ko yun narinig.

Pakiramdam ko ay may masamang nangyayari sa kanya kaya naman ay niradyo ko na rin ito sa mga kasama ko.

Nakarating ako sa likurang bahagi ng Resort. Nakita ko si Ms. Mina na hawak ng isang lalaki na naka-itim na hoodie at nakatalikod sila sa gawi ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at binatukan ang lalaki.

Hinawakan niya ang batok niya dahil sa sakit kaya nagkaroon ng pagkakataon si Mina na makaalis sa pagkakahawak niya at hinila ko na rin siya palayo sa lalaking ito.

"Pakialamero ka!" Sambit nang lalaki nang lingunin ako.

Itinago ko naman si Mina sa likod ko habang naghahanda sa anumang gagawin ng lalaking ito.

"Jeong?" Saad nitong lalaki sa harapan ko.

"Bakit mo ako kilala? Sino ka? Anong pakay mo kay Ms. Mina?" Sunod-sunod kong tanong dito.

Pero sa halip na sagutin niya ako ay tumakbo na siya palayo.

Anong problema nun?

Nang makalayo na siya saamin, nilingon ko naman si Ms. Mina at tinanong kong maayos lang siya.

"Ayos na ako, Mr. Yoo. Salamat." Sagot niya naman.

"Tara na po. Bumalik na tayo at baka nag-aalala na sila." Aya ko at tumango naman siya saka naglakad na.

~~

"Anong nangyari? Mina, ayos ka lang? Jeongyeon, anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ni Ms. Nayeon sa akin.

"Nagpapahangin po ako sa pool area nang marinig ko po ang sigaw ni Ms. Mina." Sagot ko.

"Nakilala mo ba ang taong nagtangkang kumuha sa kapatid ko?"

"Hindi po." Sagot ko.

"Pero kilala ka niya. Malamang sa kilala mo rin yun. Sabihin mo nga, Mr. Yoo. May kinalaman ka dito noh?" Saad naman ni Mina at napatingin naman sa akin si Ms. Nayeon at iba pa.

"Ah... Hindi ko siya kilala. At wala akong natatandaan na tumatawag sa akin ng pangalang yun, maliban sa Papa ko."

"Oh, yung Papa mo?" Ani Mina.

"Opo. Pero matagal na siyang wala sa buhay namin. At saka.... kung magpapakita siya saamin o saakin, magpapakita siya. At bakit naman siya mag-aabalang kunin ka? At sa anong dahilan?"

"Sinasabi mo bang nambibintang ako?" Inis na tanong ni Mina sa kanya.

"Hindi po. Ang punto ko lang po, ano naman ang dahilan niya para kunin ka? Kahit pa matagal nang hindi namin siya nakikita, hindi masama si Papa. At isa pa, hindi pa naman tayo sigurado kung siya nga yun eh. Sinabi ko lang naman kung sino ang tanging taong tumatawag sa akin sa ganung pangalan maliban kay Mama." Depensa ko.

Napapansin ko lang, May inis ba saakin itong si Ms. Mina? Bakit parang pinag-iinitan niya ako ngayon? Siya na nga ang iniligtas, siya pa itong galit?

Ganito ba sya magpasalamat?

"Mina, Tama na. Hindi naman tayo sigurado kung kilala nga niya yun. Magpasalamat na lang tayo na hindi ka niya nakuha. Besides, si Mr. Yoo parin ang dahilan kaya ka nandito at hindi ka hawak nang kung sinuman yun?" Pag-awat ni Nayeon sa nag-iinit na diskusyon ng dalawa.

Bumalik na sila sa kanilang pagtulog. At dahil sa nangyari, matapos nang naging deal nina Nayeon at ni Mr. Suarez ay bumalik na sila sa SoKor. Natatakot silang baka balikan sila ulit ng taong yun.

~~

"Ma, pasensya na ah. Napaaga ang uwi namin. Hindi na ako nakapagpaalam sainyo ng maayos. Nagkaroon kasi ng problema. Muntik nang matangay si Ms. Mina nang kung sino. Hanggang ngayon, hindi pa namin siya nakikilala pero.... kilala niya ako, Ma. Tinawag niya ako sa nickname ko. Ikaw at si Papa lang naman ang alam kong tumatawag sa akin nang ganun di ba? Isa pa, nang makilala niya ako, bigla na lang siyang tumakbo. Para bang ayaw niyang makilala ko siya." Kwento ko kay Mama habang katawagan ko sa telepono.

Nakabalik na kami ngayon sa SoKor. Gabi na at ngayon ay nasa kwarto ako ngayon.

Pero puro paghinga lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Ma, okay lang po kayo? Bakit hindi po kayo sumasagot?" Tanong ko.

"Uhm... Anak? Ang Papa mo, pumunta siya dito sa bahay." Sagot ni Mama.

Napatayo pa ako matapos ko yung marinig.

"Kung ganun, may posibilidad nga na siya lahat ng mga yun? Yung regalo para kay Ryujin na nakapangalan sa akin, sa kanya nga yun. Pero paano niya nalaman na nandun tayo sa Hotel na yun?"

"Hindi ko rin alam, Anak. Hindi niya sinabi kung bakit. Pero sinabi niya na babalik na raw siya sa atin. Gusto niyang makasama niya tayo ulit. Dadalhin niya raw kami diyan sa SoKor. Magiging pamilya ulit tayo."

"Naniwala naman po kayo sa kanya? Minsan niya na tayong iniwan. Baka masaktan lang po ulit kayo. Hindi ako papayag." Giit ko.

"Anak, kahit ayaw ko, gusto ko ring maging kompleto ulit ang pamilya natin. Tulad ng dati. At isa pa, magkakasama na tayo diyan."

~~

Third Person's POV

"Sir, nalaman na po namin ang dahilan kung bakit napaaga ang pagbabalik ng mga anak niyo mula sa bakasyon nila." Balita ng isang tauhan ni Mr. Park.

"Ano yun?" Tanong naman ni Mr. Park dito.

"May lalaki daw pong nagtangka na kumuha kay Ms. Mina. Buti na lang po at nakita sila nitong bodyguard nilang si Mr. Yoo."

"Kung ganun, nagpapasalamat ako na naroon siya. Hindi ako nagkamali sa pag-appoint sa kanya bilaang bodyguard ng mga anak ko."

"Pero, Sir. May isa pa kaming nalaman. Kumuha kami ng copy ng CCTV sa resort na yun. Nakilala namin ang lalaki. Siya lang naman ang kanang kamay ng karibal niyo sa negosyo."

"Sino? Si Dennis?"

"Yes, Sir. At nalaman naming, posibleng may koneksyon rin siya kay Jeongyeon. Dahil sa last name niya."

"Oo, tama ka. Yoo rin pala ang apelyido niya. Pero sana ay mali ang iniisip natin. Pinagkakatiwalaan ko nang lubos si Jeongyeon. At sa tatlong buwan niya sa akin ay hindi niya ako binigo."

"Well, hindi po natin yan nasisiguro."

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now