Chapter 17

61 4 0
                                    

Chapter 17

Jeongyeon's POV

Habang kausap ko ang triplets sa sala, bigla namang dumating si Mr. Park mula sa labas.

"Mr. Park!" Saad ko habang nakayuko. Saka ay hinarap siya pagkatapos.

"Mabuti at nandito ka. Gusto kitang kausapin tungkol sa pinapatrabaho ko sayo?"

"Ahm.... Mr. Park."

"Sumunod ka sa opisina ko. Dun mo sabihin ang gusto mong sabihin." Saad niya saka naunang umalis.

"Oppa, about saan yun?" Tanong ni Sana.

"Hindi ko pwedeng sabihin, Sana. Pasensya na. Baka naghihintay na ang Dad niyo sa akin. Mauna na ako sainyo."

~~

"Upo ka." Utos niya sa akin pagkarating ko sa opisina niya.

Sinunod ko naman yun at kahit kinakabahan ay pinilit kong itago yun.

"So, ano na ang balita?" Panimula niya.

"Sir.... Ang totoo niyan, wala pa akong nasisimulan. Hindi po kasi ako nagkakaroon ng oras dahil palagi akong hinahanap ng panganay niyo. At kung nagkakaroon naman ng pagkakataon...."

"Naiintindihan ko. Hindi naman kasi kita imbestigador para gawin mo ito. Bodyguard at driver ka ng mga anak ko."

"Maliban po sa ginawa ng lalaking yun nung nakaraan kay Mina at sa kompetisyon niyo sa negosyo, May Iba pa po ba kayong dahilan?" Lakas-loob kong tanong.

"Bakit parang naging interesado ka sa nakaraan namin ng lalaking yun? May itinatago ka ba sa akin, Jeongyeon?" Tanong niya naman habang seryosong nakatingin sa akin.

"W-wala, Sir. G-gusto ko lang malaman para.... Alam ko. Hindi ko rin po alam, Sir. Pero mukhang nagiging interesado na nga ako sa kanya." Sagot ko.

"Okay... Isa lang naman ang dahilan. Siya ang dahilan kaya namatay ang Ina ng triplets. Alam mo naman sigurong ampon ko sila, di ba?"

"Opo, Sir."

"Naging mabait sa kanya ang pinsan ko, pero ano ang ginawa niya? Pinatay niya ang pinsan ko. Buti na lang at nung panahon na yun ay naipanganak na niya ang tatlo."

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Mr. Park sa akin ngayon. Ganun ba ka-misteryoso si Papa para di namin malaman ang ganito niyang pagkatao?

Kung totoo man ito, napakawalang-hiya niyang tao. Kailangan kong ilayo sa kanya sina Mama at Ryujin.

Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko ngayon dahil sa kwento ni Mr. Park. Pakiramdam ko ay pareho nilang nililinis ang pangalan ng bawat isa sa akin. Pakiramdam ko ay isa akong hurado sa korte. At nakasalalay saakin ang magiging takbo ng buhay nilang lahat.

"P-paano.... paano niya po pinatay ang pinsan niyo?" Tanong ko.

Imbes na sagutin sagutin niya ako ay nanahimik lang siya habang seryosong nakatingin sa akin. Sana naman ay hindi niya ako mahalata.

"Masyado ka nang maraming nalalaman sa pamilya ko. Mapagkakatiwalaan ba talaga kita?" Bigla niyang tanong.

"Sir?" Tanong ko.

Ang totoo niyan, kinakabahan na talaga ako ngayon.

"Alam kong alam mo na ang lahat. At hindi ako magtataka kung nalaman mo ito mula sa kanya."

"Sir, hindi ko po kayo maintindihan." Saad ko.

"Alam kong alam mo nang mga anak sila ng lalaking yun."

"Sir~" Yun lang ang nasabi ko.

"Wag mo nang ikaila. Paano mo nasabing wala ka pang nalalaman, gayong alam mo nang Ama nila ang mamamatay na iyon?"

Hindi ko masabi kung galit ba siya sa akin ngayon. Hindi ko rin alam ang gagawin ko.

"T-tama po kayo. Alam ko na nga po ang tungkol dun. Pero.... may isa pa po akong nalaman." Sagot ko habang nakayuko. Kinakabahan na talaga ako sa maaaring maging reaksyon niya.

"Ano yun?"

"Mga kapatid ko po sila sa Ama." Pinilit kong sabihin ang pangungusap na iyon na hindi niya nahahalatang kinakabahan ako.

Muli ay naging tahimik lang ang paligid. Hindi ko pa siya nililingon.

Narinig kong tumayo siya sa upuan niya. Muli ay kinabahan ako sa maaaring gawin niya.

"Kung ganun, tama ako ng hinala. At hindi rin ako magtataka kung anak ka niya kay Merlinda." Saad niya.

Dahil dun ay nagtaas ng ako ng tingin at nakita ko siyang nakatayo sa bintana ng kwartong ito. Nakatingin sa kawalan.

Naalala ko ang sinabi ni Papa sa akin tungkol sa kanila ni Mama noon.

"Totoo po bang..... minsan niyong minahal si Mama noon? Paano niyo po ba siya nakilala?" Lakas-loob kong tanong.

At dahil sa tanong ko ay nilingon niya na ako.

"Oo, minahal ko nga ang Mama mo. Naging kami rin pero naghiwalay dahil sa lalaking yun. Hanggang sa nalaman kong ipakakasal siya sa pinsan ko. Nung una, masaya ako dahil.... magkakaroon ako ng pagkakataon na mabawi ulit si Merlinda sa kanya. Pero tinanan niya ang Mama mo." Kwento niya.

"Nakita ko namang nagmahalan silang dalawa. At hanggang sa lumipat na nga kayo ng bansa. Kinalimutan ko na rin ang Mama mo mula nun. Pero dahil sa kasunduan, kinailangan na matuloy ang kasal nila ng pinsan ko. Oo, nagkaanak sila, pero kahit atensyon para sa asawa niya hindi niya maibigay. Naiintindihan ko kung talagang mahal niya si Merlinda at hindi niya makalimutan. Pero sapat na dahilan ba yun, para patayin niya ang pinsan ko? Kaya.... nararapat lang sa kanya na ipagtabuyan ng pamilya niya. Isa siyang malaking kahihiyan."

Naiintindihan ko na. Pero naguguluhan pa rin ako.

Sino ba talaga ang totong nagsasabi ng katotohanan?

Sino ba ang paniniwalaan ko?

"Hindi po ba kayo galit sa akin?" Tanong ko.

Muli niya akong tiningnan.

"Hindi. Wala ka namang kasalanan. At nakikita ko rin kasi sayo ang Mama mo. Masaya ako na nakilala kita."

"H-hindi niyo po ba.... Sasabihin sa.... kanila ang totoo? Sa totoo nilang Ama? Sa akin? Na kapatid ko sila?"

"Hindi mo na sa ngayon. Ayokong malaman nilang mamamatay tao ang Ama nila. Alam kong hindi rin yun magugustuhan ng kapatid mo, o kahit ng Mama mo kapag nalaman nila. Mas lalo na at magkasama pa sila sa iisang bahay. At baka rin kasi.... kung ano pa ang gawin niya sa mga anak ko." Sagot niya. Tumango na lang ako bilang sagot.

Pagkatapos ay nagpaalam na ako. Pupuntahan ko na lang si Nayeon sa opisina niya. Para may magawa naman ako. O di kaya mamasyal na muna ako bago ako tawagin ni Nayeon para iuwi siya sa bahay?

Tiningnan ko ang orasan ko, maaga pa naman. Mamamasyal na muna ako. Kailangan kong mag-isip-isip matapos ng mga nalaman ko.

Pakiramdam ko, na-drained yung utak ko sa dalawang rebelasyon na narinig ko.

Hindi pa ako sigurado sa ilang impormasyon na pinagtapat nila. Sa tingin ko, isa sa kanila ang nagsasabi ng totoo, at puro kasinungalingan naman ang isa.

Pero ang sigurado akong totoo, kapatid ko ang triplets.   Gagawin ko ang lahat para malaman ang totoo.

Alin ba talaga ang totoo?

Sino ang nagsasabi ng katotohanan sa kanilang dalawa?

Sino ba talaga ang paniniwalaan ko ngayon?

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now