Chapter 7
Pagkatapos nilang magsimba, bumalik ulit sila sa bahay nina Jeongyeon dahil nandoon ang mga sasakyan nila.
Dumiretso sila sa Hotel kung nasaan sila tumutuloy.
"Ma'am, bakit po.... dito? Hindi po ba nakakahiya?" Tanong ni Jeongyeon kay Nayeon.
"Hindi ito nakakahiya kung hindi ka naman gagawa ng nakakahiya. Sumunod na lang kayo sa akin." Sagot ni Nayeon sa lalaki at nagpatiuna na sa paglalakad.
"Kuya, ang gara naman ng hotel na ito. Bakit naman kaya kami isinama ni Nayeon-noona dito?"
"Hindi ko rin alam, Ryu. Kahit isipin ko na.... tinutulungan niya lang ako para sa birthday mo ngayon araw, parang sobra naman na ata di ba? Empleyado lang naman nila ako noh. At.... halos magtatatlong buwan pa nga lang ako sa kanila para gumawa siya ng bagay na ganito?"
"Kung anuman ang dahilan niya, magpasalamat na lang tayo, Hyung. Pasalamat ka nga at may mabait kang Amo."
"Oum, tama ka. Yun na lang ang iisipin ko."
~~
"Eonni, para saan ang mga ito?" Tanong ni Mina.
"Lunch natin." Sagot naman ni Nayeon sa kapatid.
"Seryoso? Ang dami nito, Eonni. Natatakam na ako sa dami. Pwede na bang kumain?" Tanong naman ni Momo.
"Oo na. Umupo na kayong lahat. Mag-enjoy tayong lahat." Ani Nayeon.
~~
"Maraming Salamat din po pala Noona dahil inimbitahan niyo po kami dito." Sambit naman ni Ryujin habang kumakain.
"Oo nga, Hija. Salamat dito ah." Segunda naman ng Ina ni Jeongyeon.
"Para po sa anak niyo." Pabulong na saad ni Nayeon.
"Ano yun, Hija?"
"Wala po. Ang sabi ko, mag-enjoy po kayong lahat. Ang totoo po niyan, hinanda ko rin po ito para dito sa kapatid ni Jeongyeon. Nabanggit nitong si Mr. Yoo na birthday niya ngayon. At dahil diyan..." Sagot naman ni Nayeon saka ay sinenyasan ang isang tauhan.
Sandaling umalis ang lalaking inutusan niya at nang bumalik ay may dala itong isang kahon. Inilapag nito ang kahon sa mesa at binuksan na rin.
"Syempre, hindi kompleto ang birthday kung walang cake, di ba?"
Tahimik namang nanonood ang iba pa sa ginagawa niya.
Ang mga kapatid niya naman ay hindi makapaniwala sa kinikilos ng kanilang nakatatandang kapatid.
Nilagyan nito ng kandila ang cake at sinindihan na rin.
"Ako na po, Ma'am." Presinta naman ni Jeongyeon sa babae saka kinuha ang lighter at sinindihan ang kandila.
-Time Skipped-
Natapos ang kanilang tanghalian na busog silang lahat at masaya.
Todo naman ang pasasalamat ng pamilya ni Jeongyeon maging na rin ang lalaki kay Nayeon dahil sa ginawa niya.
Ilang oras na muna silang hinayaan na mag-bonding na pamilya doon habang ang kambal ay nakahiwalay rin ng pwesto.
Si Nayeon naman ay kausap sa telepono.
Tatayo na sana si Sana sa upuan niya para lumapit sa mga ito nang pigilan siya ni Mina.
"Saan ka na naman pupunta ah?" Ani Mina.
"Pupuntahan ko lang si Jeongyeon-oppa, Mina." Sagot naman ni Sana.
"Ikaw ah. Sinasabi ko sayo, Sana. Ingatan mo ang puso mo. Masyado ka nang malapit sa kanya. Know your limits. Amo ka pa rin niya."
YOU ARE READING
Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed
FanfictionOnly a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]