Chapter 13
Mina's POV
"Im done. Punta na muna ako sa kwarto." Paalam ko sa mga kapatid ko.
"Inumin niyo muna itong gamot, Ma'am." Saad naman ni Manang na ginawa ko naman.
Pagkatapos ay dali-daling na akong umakyat sa kwarto ko. Nang makapasok ay agad ko itong ni-lock.
"Bwisit! Palagi na lang." Nasabi ko nang dahil sa inis.
Baka kung ano pa ang nasabi ko sa kanya na hindi ko matandaan ngayon.
Kailangan ko siyang makausap.
"About sa.... Uhm.... Nevermind. Masaya ako na tinanggap mo ang regalo ko slash peace offering ko sayo kagabi. Nagtaka pa nga ako dahil ang bait mo sa akin. Akala ko hindi mo tatanggapin."
Bumalik sa akin ang sinabi niya kanina bago siya magpaalam. Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin na hindi niya na itinuloy? May iba pa ba akong ginawa?
Aishhh BWISIT!! Hindi na talaga ako iinom kahit kailaaann!!!!
~~
Sana's POV
Matapos makaalis ni Mina, naiwan naman kami na may kanya-kanyang iniisip.
Hindi ko talaga alam ang mararamdaman ko sa nakita namin kagabi. Kung hindi pa naikwento ni Jeongyeon-oppa, hindi pa namin maaalala.
Pero ang iniisip ko, ano pa kaya ang ginawa nila dun nang wala pa kami?
Iniisip ko pa lang na baka dahil sa kalasingan ni Mina ay may kung anong nangyari sa kanila na hindi dapat, parang akong maiinis.
Kahit pa sabihin na talagang kakaiba si Mina kapag lasing, may tiwala pa rin ako sa kanya. Kapatid ko siya at kakambal.
~~
Nayeon's POV
Siguro naman mali ang narinig ko di ba? Si Mina at Jeongyeon? Hindi sa ayaw ko na magkasundo na silang dalawa. Pero ang ibig sabihin lang nun, may madadagdag na naman sa mga kaibigan niyang babae. Na siyang pinakaayaw kong mangyari mula nung maging kaibigan ko na siya.
Mabait si Jeongyeon, gentleman at caring. I'm scared na baka, marami akong maging kaagaw sa kanya, sa atensyon niya.
Pero sana lang ay hindi mangyari yun. Kapatid ko si Mina at Sana o kahit si Momo na unti-unti niya na ring nagiging close sa kanya. Ayaw kong dumating ang panahon na magkalamat ang relasyon namin dahil lang sa isang lalaki.
~~
Momo's POV
Gutom na ako at masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover. Pero itong mga kasama ko eh nababaliw na kakaisip sa isang pangyayari kagabi na hindi naman big deal.
Hays... Simple lang naman ang nangyari. Lasing si Mina, naging mabait siya kay Jeongyeon for sure na hindi niya alam. Maybe yun naman talaga ang gusto niyang ipakita sa lalaking yun, nauunahan lang siya ng minsang pagiging negative niya.
Dahil rin sa kalasingan, naging clingy siya ng hindi niya naman ginagawa kahit kanino. Ayaw na nga niyang paalisin si Jeongyeon sa tabi niya kagabi eh.
Pero hindi na rin importante kung sasabihin ko pa ang nalalaman ko. Bahala silang mag-isip. Basta kakain lang ako dito.
~~
Third Person's POV
Nang makarating na si Jeongyeon sa Airport, naghintay lang siya doon nang ilang minuto hanggang sa makita niyang papalapit sa pwesto niya ang dalawang bulto ng tao na hinihintay niya.
"Hyung!!" Bati sa kanya ni Ryujin nang makalapit.
Niyakap rin siya nito na malugod niya ring tinanggap at ginantihan. Sunod naman ay niyakap niya ang Ina.
"Welcome Back, Ma. May nami-miss ka bang gawin dito, Ma? Nakapagpaalam ako ngayon sa Boss ko at pwede ko kayong samahan na maglibot. Mas lalo na itong si Ryu. Napakabata pa niya nung umalis tayo dito. Malamang sa hindi niya na iyon naaalala." Aniya ni Jeongyeon.
"Gusto ko yan, Hyung. Ma, pasyal tayong tatlo." Aniya ni Ryujin.
"Sandali, Ryu. Ang tungkol sa pag-aaral mo?"
"Dito na raw ako mag-aaral, Hyung. Don't worry. Hindi naman ako titigil."
"Hindi yun ang iniisip ko." Ani Jeongyeon.
"Tama na yan. Halika na. Habang maaga pa at marami tayong mapuntahan." Saway naman ng kanilang Ina.
"Merlinda!" Tawag ng isang lalaki sa Ina ni Jeongyeon.
(Let's say Merlinda ang pangalan ng Mama ni Jeongyeon.)
Nilingon naman nila ito at mula sa kaninang masayang mukha ni Jeongyeon ay napalitan nang inis.
"Anong ginagawa niya dito, Ma? Wag niyong sabihin na tinanggap niyo pa rin siya?" Tanong niya sa Ina. Tango naman ang sinagot ng Ina.
"Pasensya na, Anak. Hayaan mo na muna ako dito." Saad pa nito.
Nang makalapit na ang lalaki, nagmano naman dito si Ryujin na hinayaan naman ng Koryanong lalaki. Pagkatapos ay hinila niya ang bunso para yakapin.
"Bogosip-eo, adeul. (I miss you, Son.)" Saad ng lalaki sa bunso habang yakap ito.
Pero ang mata niya ay nakatingin sa kanyang panganay na si Jeongyeon.
"Na-miss ko rin po kayo, Appa. Kahit minsan naiinis ako kung bakit niyo kami iniwan." Sagot naman ni Ryujin sa kanilang Ama.
Dahil sa naging sagot niya ay mas lalo pang hinigpitan ng lalaki ang pagkakayakap sa anak.
"Sorry sa ginawa ko. Pangako, hindi ko na ulit kayo iiwan. Kaya ko nang ibigay ang lahat sainyo ngayon." Saad ng Ama nang matapos ang yakap at hinarap ang anak.
"Wag niyong sabihin. Gawin niyo." Saad ni Jeongyeon sa malamig na tono.
"Ahm... Tayo na?" Singit naman ng kanilang Ina.
"Mabuti pa nga. Narinig ko na gusto niyong mamasyal. Gusto niyo bang samahan ko kayo?" Tanong ng lalaki.
"Sige." Pagsang-ayon naman ng Ina.
"Okay. Nareul Ttarawa! (Follow Me)" Saad ng lalaki.
Tinulungan na rin nitong dalhin ang mga bagahe ng asawa. Tumigil sila sa isang Van na nakaparada. Binuksan ito ng lalaki at pinapasok sila roon.
Parang walang ganang sumunod na lang si Jeongyeon sa nangyayari. Ayaw niyang pag-isipin pa ang Ina na siya namang nangyayari.
"Pasensya ka na, Anak." Biglang saad ng Ina niya sa kanya.
Narito sila ngayon sa isang lumang syudad sa bansa at naglilibot. Nasa unahan nila naglalakad ang Ama at kapatid niya at mukhang masaya ang kapatid niya na kasama ang kanilang Ama na siya namang kinaiinisan niya.
"Ayos lang, Ma. Naiintindihan naman kita. Okay lang." Sagot niya naman sa Ina na ngayon ay nakasandal pa ang ulo sa balikat niya habang marahan lang silang naglalakad.
"Pero nasasaktan ka naman. Okay lang ba talaga sayo?"
"Opo, Ma. Okay lang ako. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka. Kung ang makasama siya ulit ang magpapasaya sayo, bakit ko naman yun tututulan? Ang kinagagalit ko lang naman ay ang ginawa niyang pag-iwan sa atin noon. Iniwan niya tayong walang-wala tapos ngayon, malalaman nating nagpakayaman lang pala siya? Pwede niya namang gawin yun na hindi siya nang-iiwan, di ba? Hindi ko lang talaga siya maintindihan." Litanya naman ng binata sa Ina.
"Pero kung sincere naman siya sa ginagawa niya ngayon, hahayaan ko siya na pumasok ulit sa buhay natin. Gusto ko rin namang mabuo ang pamilya natin at maging masaya ulit tulad ng dati. Sana lang ay totoo siya sa pinapakita niya." Dugtong pa niya.
YOU ARE READING
Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed
FanficOnly a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]