Chapter 14
Jeongyeon's POV
Pagkatapos nang maghapon naming pamamasyal, dinala na kami ni Papa sa tutuluyan nila Mama. Yeah, siya ang naghanap ng bahay para sa kanila.
Pero.... Pagdating sa lugar, nagtaka ako dahil kasing-laki na ng mansyon ang bahay na yun. Mas malaki pa siguro sa mansyon ni Mr. Park.
Pagpasok namin, dinala niya kami sa sala. May tinawag siyang matandang babae na lumabas sa kung saang parte ng bahay na yun at lumapit kay Papa. Baka kasambahay ito dito.
"May kailangan po ba kayo, Sir?" Tanong nung babae.
"Manang, pakiasikaso sila. Tawagin mo ang mga kasama mo. Dalhin niyo ang mga gamit nila sa kwarto nila sa taas. Yung pinahanda ko nung isang araw." Utos niya.
"Sila na po ba ang pamilya niyo?" Tanong naman ng kasambahay.
"Opo, Manang. Pakiasikaso na lang." Sagot naman niya sa babae.
"Oh sige, Sir. Kami na po bahala sa kanila."
~~
"Ahm.... Ma, kailangan ko na rin pong umalis. May trabaho pa po ako bukas." Paalam ko naman.
"Sige, Anak. Mag-ingat ka sa biyahe mo pabalik." Aniya naman ni Mama.
"Opo."
"Anak, ihatid na kita." Biglang presinta naman ni Papa saakin.
"Wag na po. Kilala niyo naman ang Amo ko, di ba?" Pagtanggi ko.
"Oo."
"Kung ganun, alam niyo na ayaw niya sainyo. Ayokong magbago ang pagtingin ng Amo ko saakin. Mas lalo na ngayon na.... mga kaibigan ko na ang mga anak niya. Masaya ako sa trabaho ko at ayokong mawala yun nang dahil sayo." Sagot ko.
Nang mga oras na ito ay nakaakyat na sina Mama at Ryujin sa kwarto nila kasama si Manang.
"I insist. Kahit.... kahit ilang metro lang sa kanto papunta sa bahay nila. May gusto lang akong sabihin sandali. Naisip kong.... kailangan mo itong malaman nang maintindihan mo rin ang side ko."
"Para saan? Para sabihin mo na tama na iniwan mo kami noon? At ngayon, nakuha mo na ang gusto mo. Kaysa nung magkakasama tayo, hindi mo magawa ang lahat ng ito." Inis kong tanong sa kanya.
"Hindi yun.... hindi yun totoo, Anak. Sorry kung iniwan ko kayo pero.... kinailangan kong gawin." Paliwanag niya naman.
"Hindi na kailangan, Pa. Hahayaan kitang makasama sina Mama. Pero.... kapag sinaktan mo ulit siya, hindi na kita hahayaan pang makita man lang siya ulit." Banta ko.
Pagkatapos kong sabihin yun, natahimik lang siya. Paalis na sana ako nang may isang lalaki ang dumating at agad na yumuko sa harap namin.
"Yoojangnim! (Mr. Yoo!)" Saad nito saka yumuko at hinarap si Papa.
Sandali, ang boses niya.
Nang magtaas na siya ng tingin ay dumako naman ang tingin niya sa akin at nabigla rin siya.
"Jeong?" Tanong niya.
"Ikaw! Pamilyar ang boses mo. I-ikaw yun!" Saad ko.
Tinutukoy ko ay siya yung lalaking nagtangkang kumuha kay Mina nung nasa Pilipinas pa kami.
"Pasensya na. Trabaho lang." Sagot niya naman.
"By the way, this is Daniel. Hindi mo ba siya naaalala? Kababata mo siya rito. Naging kaklase mo pa siya dati bago tayo lumipat sa Pilipinas." Pagpapakilala naman ni Papa sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Hindi na ako magtataka kung alam niya ang nickname ko. Pero ngayon, ano nga ba ang pakay niyo nung araw na yun? Sagutin niyo ako, Pa. Ano ba ang balak niyo sa mga Park?"
~~
Third Person's POV
Samantala sa Mansyon ng mga Park. Maghapon na hindi pumasok sa trabaho ang magkapatid na si Nayeon at Dahyun. Sinamahan nila ang triplets sa bahay at gumawa ng kung ano-ano para lang hindi ma-bored sa maghapon.
Si Mina naman ay lumabas ng kwarto nila sa maghapon. Well, minabuti niya na lang gawin ang mga paperworks niya sa trabaho kaysa sumama sa mga kapatid niyang nag-eenjoy sa baba.
Isa pa, gusto niya munang kalimutan sandali ang katangahan kung isipin niya, na ginawa niya kagabi. Hindi niya pa alam kung ano ang eksaktong ginawa niya kaya gusto niyang makausap ang lalaki kapag dumating na ito.
"Mina, lumabas ka na diyan. Its now dinner!" Sigaw ni Dahyun sa labas ng kwarto nila.
"Jansiman-yo, Oppa. (Sandali lang, Oppa.) Tatapusin ko lang itong mga paperworks ko." Sagot naman ni Mina sa lalaki habang hindi pa rin inaalis ang atensyon sa kayang laptop.
"Mamaya na yan, Mina. Kumain ka muna." Dagdag pa nito.
"Opo! Susunod na lang ako sa baba!" Sagot niya naman.
~~
Ilang minuto pagkatapos ng kanilang hapunan, nakarating na rin si Jeongyeon at dumiretso na sa kanyang kwarto.
Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. Dagdag pa ang rebelasyon na nalaman niya mula sa kayang Ama.
Ngayon, nadagdagan ang bago niyang isipin.
"Kailangan kong sabihin kay Mr. Park ang totoo. Pero paano? Baka magalit lang siya."
Para siyang baliw na kinakausap ang sarili. Nang bigla namang may kumatok sa pinto.
"Mina?" Pagtawag niya rito.
Ang babae naman ay nakayuko lang at parang nahihiya.
"Gusto ko sanang kausapin ka about sa ginawa ko kagabi." Saad nito.
Naalala naman ng binata ang sinabi ng Ama sa kanya kanina sa Mansyon nito. Napangiti naman siya nang dahil dun.
Nang magtaas ng tingin ang babae ay ang ngiti niya ang bumungad dito.
"Ba-bakit ka nakangiti diyan? May iba pa ba akong ginawa kagabi?"
"Wala. Masaya lang ako. Kung hindi ko pa nakita yung baso na ginamit mo, hindi ko malalaman na umiinom ka pala mag-isa. Ang dali mo ring makatulog."
"Yun lang? Wala ba akong ginawang.... Alam mo na, katangahan na pwede kong pagsisihan?"
"Wala. At wag mo na ring isipin yun. Wala namang dapat na ipangampanya sa ginawa. Wa-lang-nang-ya-ri." Binigyan diin niya pa ang huli niyang pangungusap.
"Alam mo, mas mabuti pang magpahinga ka na lang. Don't stress yourself sa isang bagay na hindi naman big deal." Dugtong pa niya.
"At masaya na ako na maayos na tayo. Nasabi mo na kagabi ang dahilan kung bakit ganun na lang ang pakikitungo mo sa akin. Naiintindihan kita. Ganun rin naman ako minsan."
"Sigurado ka?" Takang tanong ni Mina sa kanya na nginitian niya lang.
Ipinagtaka naman ito ng babae. Mas lalo pa ang sunod na naging kilos ng binata sa kanya.
Tinapik lang naman nito ang kanyang ulo na katulad ng mga ginagawa ng mga nakatatandang lalaki aa kapatid nilang nakababata sa kanila.
"Okay. Jaljayo, Yoojangnim (Good Night, Mr. Yoo)."
"Good night din sayo." Sagot ni Jeongyeon sa kanya.
Umalis na siya sa lugar na nagtataka pa rin.
YOU ARE READING
Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed
FanfictionOnly a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]