Chapter 10

76 7 0
                                    

Chapter 10

Jeongyeon's POV

Sa sumunod na araw pagkatapos na kausapin ako ni Mr. Park, hindi na ako mapakali.

Iniisip ko kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na Ama ako ng walanghiyang lalaking yun. Kahit pa itanggi ko siya, hindi pa rin maalis na Ama ko siya sa papel man o dugo.

Mabait si Mr. Park, at ayokong mawalan siya ng tiwala sa akin.

Ngayon ay nagmamaneho ako at as usual, ihahatid ko ulit si Nayeon sa trabaho niya.

Dumiretso kami sa opisina niya, pero hindi pa kami nakakapasok ng elevator nang magsalita siya.

"Oh shit! I forgot the papers." Sambit niya.

"Anong papel? Ako na ang kukuha." Presinta ko.

"Yung inihanda kong kontrata para kay Mr. Shin. Naiwan ko sa bahay, hinanda ko na yun sa ibabaw ng desk ko bago umalis." Sagot niya naman.

"Sige, mauna ka na. Ako na ang babalik sa bahay. Naroon naman si Sana, magpapasama na lang ako." Saad ko naman.

"Kay Sana talaga? Wag na, ako na lang."

"Bakit? Wala ka bang tiwala kay Sana? Kina Manang na lang?"

"Sige."

"Ang bilis kapag kay Manang ah."

"Ano ba? Umalis ka na nga."

"Tatawagan ko si Manang na tulungan ka. Baka kapag nakita mo si Sana, siya ang isama mo."

"Bakit ba? Ano naman kung siya nga ang isama ko? Anong problema dun?"

"Basta. Sige na. Umalis ka na."

"Oo na. Bye~" Paalam ko habang tumatawa pa.

~~

Nang makauwi ay hinanap ko agad si Manang. Inistorbo ko muna sandali, pero siya na ang sumalubong sa akin at ibinigay ang sadya ko.

"Salamat dito, Manang. Mauna na po ako." Paalam ko.

"Sige. Ingat ka sa pagmamaneho."

"Opo."

~~

Nang mai-park ko na ang sasakyan, dali-dali na akong sumakay ng elevator para puntahan si Nayeon sa opisina niya.

Nang magbukas ang pinto ng elevator, papasok na ako nang bigla namang lumabas ang isang babae. Mukhang nagmamadali pa.

Pareho kaming nabigla at nag-sorry sa bawat isa.

"Pasensya na, Oppa. Nagmamadali lang kasi ako." Paumanhin niya.

"Okay lang. Sige." Sagot ko at pumasok na ng elevator.

Siya naman ay umalis na.

~~

Nang marating ko na ang opisinang sadya ko, nadatnan ko pa siyang may kausap.

"Salamat dito, Manager Doh. Sana inutos mo na lang ito sa mga kasama mo." Nakangiti niyang saad sa lalaking kausap niya.

Ang lalaki naman ay hindi maalis ang tingin kay Nayeon at nakangiti rin.

"Pasensya na sa istorbo." Saad ko nang makapasok.

"Jeongie! Yan na ba yun?!" Pagbaling saakin ni Nayeon.

"Oo." Sagot ko saka inabot sa kanya ang folder na naglalaman ng kailangan niya.

Nilingon ko naman ang lalaking kausap niya. Hindi pa rin maalis ang tingin niya kay Ma'am.

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now