Chapter 12

68 4 0
                                    

Chapter 12

Jeongyeon's POV

Nagsimula na ang tugtugan pero hindi ko naman nae-enjoy ang vibes dito sa venue. Puro kasi kakilala nila ang naroon.

Hindi ko naman mahagilap si Sana dahil malamang sa ini-entertain niya ang mga bisita nila.

Si Momo naman, kahit hindi ko gaanong nakakausap yun, friendly naman pero wala rin siya dito. Malamang sa nasa kusina sila ngayon ni Jihyo.

Si Nayeon? Ayun! Kasama si Dahyun, nagsisimula nang maglasing.

Naalala ko, sinabi ni Nayeon na nasa kwarto si Mina. Baka naroon pa yun.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na pumasok sa mansyon, at nagtungo sa kwarto nilang kambal.

Kumatok ako roon. At pinagbuksan niya naman ako.

"Oh! Mr. Yoo?! Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

Ahm.... Anong sasabihin ko?

"Uhm.... Nabo-bored kasi ako doon. Hindi pa naman nila sinisimulan ang party pero parang ganun na rin. Naglalasing na nga sina Ms. Nayeon at Sir Dahyun doon eh."

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Mukhang hindi siya naniniwala.

"Sige, pasok ka muna."

Nagtaka ako sa naging sagot niya. Parang iba ang pakikitungo niya ngayon.

"Ahh... Kahit hindi na. Gusto ko lang.... iabot itong regalo ko para sayo." Sagot ko naman.

"Pero.... pwede namang bukas ko na lang siguro ibigay." Dagdag ko pa.

"Hindi!"

"Bakit?" Tanong ko.

"Ngayon ko na tatanggapin. Kapag bukas mo binigay, hindi ko na yan kukunin. Ngayon ang birthday ko pero bukas mo ibibigay?" Parang galit niyang saad sa akin.

"Okay. Heto, sana magustuhan mo."

Kinuha niya naman ang regalo. Binuksan at mukhang nabigla siya.

"Seryoso?" Tanong niya na hindi ko alam o kung nagustuhan niya ba o hindi yung bigay ko.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ko.

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay niyakap niya ako.

And I who is being shocked to her sudden action, I became frozen.

"Mi-Mina?" Tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin at agad na humingi ng paumanhin.

"Sorry. Masaya lang ako." Nakangiti niyang saad.

"Na-nagustuhan mo?" Tanong ko.

"Oo naman. Bakit hindi? Matagal ko nang hinahanap ang librong ito. Limited lang daw kasi ang stocks nito eh." Paliwanag niya naman.

"Salamat naman at nagustuhan mo. Nahirapan pa ako na mag-isip ng ireregalo sayo noh. Naalala ko na mahilig ka magbasa kaya yan na ang binili ko. Ang sabi rin ng sales lady na limited stocks talaga yan kaya binili ko na rin kasi maganda naman talaga yung story. At bilang.... peace offering na rin.... siguro?"

"Peace Offering?"

"Oo, eh kasi naman, nagkaroon tayo ng misunderstanding di ba? Hindi ko rin alam kung bakit ka naiinis sa akin. Gusto ko lang naman magkaroon ng magandang relasyon sa mga Amo ko."

"Sorry for that. I now accepting your peace offering now. Na dapat ako ang gumagawa dahil ako ang may galit sayo. I just don't know why? Pero kapag nakikita ko ang mukha mo, naiinis ako na di malaman."

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now