Chapter 18

62 5 0
                                    

Chapter 18

A woman is passing by a street with uneasy feeling. Pakiramdam niya ay may nakasunod sa kanya.

Dahil sa kakaibang nasi-sense niya ay agad siyang nagmadali na makapunta sa destinasyon niya kung saan ay matao. Nang marating ang lugar, agad siyang naghanap ng lugar na mapagtataguan.

Paliko na siya sa isang kanto nang may mabunggo siyang kung ano.

"Ay poste!!" Saad niya dahil sa pagkabigla.

"Ganun ba ako katangkad para tawagin mo akong poste?" Aniya naman ng lalaki.

Nilingon niya ito at laking-gulat niya nang makilala ang lalaki.

"J-jeongyeon...." Tangi niyang nasambit.

"Bakit parang nagmamadali ka? May problema ba?" Tanong sa kanya ng lalaki. Tiningnan pa nito ang daan kung saan ang galing ang babae pero wala siyang nakita.

"Pakiramdam ko kasi may sumusunod sa akin eh." Sagot naman ng babae na walang iba kundi si Jihyo.

Ang lalaki naman ay may ideya sa posibleng nangyayari kaya muli niyang tiningnan ang dinaanan ng kaibigan. Doon niya nakumpirma ang hinala niya nang makilala niya ang isang lalaki na nagtatago sa isang kanto. Hindi gaanong malayo pero sapat na para makilala niya ang hilatsa ng mukha nito.

"Ano naman kaya ang balak nila ngayon?" Tanong niya sa sarili.

"Ahm saan ka galing?" Tanong naman ng babae.

"Namasyal lang ako saglit. Babalikan ko na sana ngayon ang sasakyan nang makita kita kaya sinundan na kita. Nakita kita dun pa lang sa pasyalan." Sagot naman ni Jeongyeon dito.

"Ahhh...." Tanging nasabi ni lang ng babae kasabay ng pagtango.

"Siguro alam mo naman siguro ang nangyari kay Mina nung nasa Pilipinas kami. Iniisip ko na baka ang sumusunod sayo ay padala lang din nung taong nag-utos rin na kunin si Mina nang mga oras na yun."

"Sa tingin mo?"

"Sa ngayon yun lang ang naiisip ko. At saka.... hindi malabong mangyari yun dahil malapit ka rin kay Mr. Park."

"Tama ka."

"Sumama ka na muna sa akin. Babalik na ako sa Company ni Nayeon ngayon. Sumabay ka na lang sa amin pag-uwi. Ihahatid ka na lang namin." Suhestiyon niya naman sa babae.

"Magandang ideya nga iyan. Sige, halika na."

Iginiya naman ni Jeongyeon ang babae papunta sa sasakyan saka na sila umalis sa lugar.

Pagkarating sa kompanya, dumiretso na sila sa opisina at nadatnan ang sadya nilang babae doon na naghuhulog ng sentido.

Naunang pumasok sa Jihyo sa kwarto at sumunod naman ang lalaki at siya na rin ang nag-locked nito.

"Good Afternoon, Nabong. Mukhang stress ka ngayon ah?" Bati niya rito.

"Oo, pero okay pa naman ako. At saka.... hindi naman ito tungkol sa trabaho ko. Just something and someone na palaging omu-okupa ng utak ko." Sagot naman ng babae na hindi na napansin na may iba pa silang kasama doon.

Narinig naman yun ni Jeongyeon at agad na nakisali sa usapan. Nabigla naman si Nayeon sa kanya dahil hindi niya ito napansin kanina.

"Dapat pala ay magpahinga ka muna."

"Oh! Nandiyan ka na pala." Ani Nayeon.

"Magkasabay kaming dumating. Sinabay niya na ako papunta rito." Sagot naman ni Jihyo sa kanya.

"Bakit? May kailangan ka ba sa akin?" Tanong naman ni Nayeon sa pinsan.

"Nakita ko siya na parang may pinagtataguan. Naisip ko baka pareho ito nung nangyari kay Mina. Kaya.... isinama ko na lang siya dito at ihatid na lang natin siya mamaya." Paliwanag naman ni Jeongyeon sa kanya.

"Siguro ay kailangan mo na rin ng security para sa safety mo, Thomas. Hindi natin alam ang takbo ng utak ng mastermind ng lahat ng ito."  Payo naman ni Nayeon sa pinsan.

"Yeah. Iniisip ko na rin yan. Baka soon, maghahanap na ako."

Habang nagtatrabaho si Nayeon ay inaaaliw naman siya ni Jihyo sa mga kwento nito sa kanya.

Si Jeongyeon naman ay lumabas sandali nung mga oras na yun at naglibot sa building, dun lang mismo sa palapag kung nasaan ng kanyang Amo.

~~

"J-jeong? Napatawag ka." Bungad sa kanya ng lalaki sa kabilang linya.

"Nakita kita kanina. Wag mong sabihing, bagong trabaho na naman ito na inutos ni Papa sayo?" Pang-aakusa naman ni Jeongyeon sa kausap.

"H-hindi."

"Wag mo nga akong lokohin, Niel. Alam kong tapat ka kay Papa. Pero kailangan ba talagang idamay niyo pa ang mga inosente? Wala naman silang kinalaman sa nangyari sa nakaraan."

"Hindi, Jeong. Hindi yun.... parte ng trabaho ko kay Tito." Paliwanag naman ng kausap niya.

"Hindi ako naniniwala. Kapag nalaman ko talaga--

"Matagal na akong may gusto kay Jihyo, Jeong. Pero hindi ko kayang magpakita sa kanya at magpakilala dahil alam kong kilala ako ng Uncle niya." Pambabara ng lalaki sa dapat sana'y sasabihin ni Jeongyeon.

"O-oh~~ Totoo ba yan? Wag mo akong lolokohin, Niel ah. Kahit kababata kita, hindi talaga kita kakampihan kapag may dinamay na naman kayo ni Papa."

"Totoo ang sinasabi ko. At tutal.... Alam mo na rin naman.... Pwede mo ba akong tulungan?"

Kahit sa telepono ay halata pa rin ang hiya sa boses ng lalaki dahil sa pabor na hinihingi niya sa kaibigan.

Kahit papaano ay napanatag naman si Jeongyeon dahil sa narinig.

"Sige."

~~

Matapos maihatid Nina Jeongyeon si Jihyo, ngayon ay pauwi na rin sila.

Sa buong biyahe, tahimik lang ang dalawa. Hindi alam kung sino ba ang dapat na maunang magsalita.

Napansin ni Jeongyeon na talaga ngang may gumugulo sa kasama kaya siya na ang unang nagtanong.

"Okay ka lang? Wala bang masakit sa yo? Baka kung ano na ang nararamdaman mo, hindi ka nagsasabi ah."

Tinitigan lang siya ng babae. Sa mga oras na yun ay nakatigil naman ang sasakyan.

Ilang sandali ay nag-iwas na lang ng tingin si Nayeon dahil pakiramdam niya'y kakainin siya lupa kapag nakatingin sa lalaking kasama niya ngayon. Hindi niya lang pinapahalata pero habang tumatagal, parang hindi niya na kayang itago.

"Alam ko na yan eh. May problema ka talaga. Ano ba, Nayeonie? Kaibigan mo ako dito. Handa akong makinig."

Nilingon naman siya ng babae.

"May nagugustuhan ka na ba?"

"Anong klaseng tanong yan?" Natatawang tanong sa kanya ng lalaki.

"Hindi ako nagbibiro, Jeongie." Seryosong saad ng babae sa kanya dahilan para maging seryoso na rin ang mukha niya.

"Nagugustuhan lang ba? Hindi mo ba tatanungin kong may girlfriend na ako?"

"Sagutin mo na lang pwede." Inis namang sagot sa kanya ng dalaga.

"Bakit parang ang seryoso mo ngayon?"

"Jeongie, sagutin mo na lang."

"Wala...."

"Wala pa? Kahit isa?"

"Wala pa akong girlfriend. Pero..... May babae ako ngayong nagugustuhan. Balang araw siguro maipakilala ko na siya sayo."

"Mukhang wala na akong pag-asa." Saad ni Nayeon sa sarili niya.

"Pero.... hindi niya pa naman girlfriend, may oras pa." Pagpapalakas niya naman sa loob niya.

Babalik na sana sa pagmamaneho ang lalaki pero napatigil ito nang magsalita siya.

"Jeongyeon, gusto na kita."

"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki sa kanya.

Sa dami ng mga plinano niya, ang pag-amin pa rin ang pinili niya. Dahil na rin sa sinabi ng lalaki kanina ay nagkalakas na siya ng loob na magsabi rito. Ayaw niyang mahuli ang lahat.

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now