Chapter 20
"Aalis na ba talaga kayo? Hindi na ba kayo babalik?" Tanong ng isang batang babae sa kaibigan niyang lalaki.
"Yun lang ang sabi ni Papa sa akin. Lilipat kami ng kabilang bansa. Pero.... Pangako, hindi kita kakalimutan. Babalik ako dito at hahanapin kita. Maglalaro ulit tayong dalawa." Sagot naman ng batang babae.
"Pangako yan ah. Hihintayin kita. Maglalaro tayo ulit." Masayang sagot naman ng batang babae. Pinakita pa nito ang hinliliit na daliri sa harap ng kaibigan.
"Nak, halika na. Naghihintay na ang Papa mo sa sasakyan." Saad naman ng isang babae sa batang lalaki. Ibang lenggwahe ang gamit nito dahilan para hindi maintindihan ng batang koreana.
"Waeyo, Tajo-ah (Ostrich)?" Tanong ng batang babae.
"Mianhaeyo, Tokki-ya (Bunny). Kailangan na naming umalis."
Nalungkot naman ang babae dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Tandaan mo lang palagi ang pangako ko. Hindi ko kailanman kakalimutan yun." Saad ng lalaki at nginitian ang babae.
Sa huling pagkakataon, nagyakapan sila.
~~
Isang malamig na tubig ang gumising kay Nayeon. Paunti-unti ay iminulat niya ang mga mata at nilibot ng tingin ang buong paligid.
Tatlong lalaki ang bumungad sa harapan niya. Nakaramdam naman siya ng inis sa mga ito dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Sinubukan niyang magpumiglas pero nakatali siya sa haligi kung saan siya nakasandal ngayon.
Isang lalaki naman na sa tantiya niya ay kaedaran ng kanyang Ama ang nakaupo sa isang sulok at prenteng nakaupo sa upuan niya.
"If I we're you, Ms. Park. Magbe-behave lang ako sa pwesto ko bago pa may nangyaring masama sa akin." Saad nito.
"Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?" Tanong niya rito.
Tumayo naman ang lalaki at nilapitan siya.
"Simple lang naman. Ang Dad mo kasi ang tigas ng ulo. Gusto niya muna sigurong may mangyaring masama bago niya gawin ang gusto ko." Sagot sa kanya ng lalaki.
"Sir, yung kasama niyang lalaki, nilagay namin sa kabilang kwarto. Kilala niya raw po kayo. Gusto kayong makausap." Balita ng isang tauhan.
"Dalhin niyo dito nang makita ko."
Ilang sandali pa ay dinala na nila sa kwartong yun ang lalaki na walang iba kundi si Jeongyeon.
"Sabi ko na nga ba. Ikaw nga!" Sigaw ni Jeongyeon sa lalaki nang marating ang kwarto.
"Anak~" Sambit naman ng lalaki nang lingunin siya.
Sinenyasan nito ang mga tauhan na bitawan siya. Nang makalaya na si Jeongyeon sa pagkakahawak ng mga lalaking yun sa kanya, galit niyang sinugod ang kaninang kausap at kwinelyuhan. Naalarma naman ang mga tauhan ng lalaki at muli siyang hinawakan.
"Ano na naman toh, Pa?!"
"Anak, para sa atin ang ginagawa ko. Binabawi ko lang ang dapat saakin."
"Sa ganitong paraan? Ano ba kasi ang tunay na dahilan nitong awayan ninyo ni Mr. Park?! Kailangan pa ba talagang idamay ang mga anak niya?!"
"Jeongyeon??" Mahinang sambit naman ni Nayeon na nakatali pa rin sa isang sulok.
"Nayeon..." Ang kaninang galit na ekspresyon ay napalitan ng awa nang makita niya ang babae.
"Anong nangyayari, Jeongie?" Tanong naman ni Nayeon sa kanya.
Ang alam niya lang ay may galit sa Ama niya ang taong puno't dulo nito.
YOU ARE READING
Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed
FanfictionOnly a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]