Chapter 29
Jeongyeon's POV
Nandito kami ngayon sa garden ni Nayeon. Naisip niyang magpaiwan at dinamay pa ako. Pero okay naman sa akin yun kasi magkakaroon kami ng oras na kami lang. At gusto ko rin siyang kausapin tungkol sa pinagsasabi niya kay may kanina.
But seeing their expressions mas lalo na si Mama. Baka sakyan ko na lang din. Plano ko rin naman kasing gawin yun eh, hindi lang ngayon. Pero okay na rin sigurong sinabi yun ni Nayeon sa kanila. Siguro naman magiging okay na ang lahat ngayon.
"Jeongie~~" Malumanay niyang tawag sa akin. Nilingon ko naman siya at nakatingin lang siya sa alapaap.
"Hmm?" Sagot ko saka tumingin sa kung saan rin siya nakatingin.
"Napakapayapa nang gabi ngayon." Saad niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa taas.
"Oum! Tama ka. Sana.... ganun rin ang mga nangyayari ngayon." Sagot ko naman.
"Siguro naman mangyayari na yun, hindi ba? Mukhang hindi na rin naman tayo guguluhin ng Papa mo eh."
"Talagang hindi na. Nakakulong na siya ngayon eh. Tama lang sigurong nangyari yun sa kanya. Sana lang magbago na siya habang nasa loob."
"Jjinja? Kailan pa?"
"Kanina lang. Nung umalis kami ni Mr. Park, pinuntahan namin yung presinto kung nasaan siya ngayon."
"Ahh~~"
"Di ba may pinuntahan ka rin kaninang umaga? Anong nangyari?"
"I just found out a new secret of Dad. Si Mr. Kim, na isa sa mga stockholders ni Dad at kumpare niya rin, told me something."
"Ano naman yun?"
"Anak niya pala si Dahyun. So it turns out na only child lang ako ni Dad."
Sa oras na yun, napatingin na ako sa kanya.
"Nalulungkot ka ba?"
"Oo, malamang. Akalain mo? Almost 20 years naitago yun ni Dad saakin. Pero kahit papaano, naranasan ko naman na magkaroon ng kapatid dahil sa kanila. Sila ng triplets. Well, parang kapatid ko na rin naman yung tatlo dahil kadugo ko pa rin naman sila."
"Na kadugo ko rin." Dugtong ko.
Tango lang ang sinagot niya. Naalala ko naman yung ginawa niya kanina.
"Yung tungkol sa sinabi mo kanina kina Mama, seryoso ka ba dun?" Tanong ko.
"Pwede naman. Nakita ko kasi kung gaano kasaya si Tita habang pinagmamasdan niya tayo." Sagot niya.
"Pati ba naman reaksyon ni Mama pinapansin mo? Ganun lang talaga yun. Masaya lang yun palagi mas lalo na kung tungkol saamin ang usapan."
"Kaya nga ginagawa ko yun. Para makita ko rin siyang masaya. I just found feeling comfortable with her. Mula nang magkaisip ako, hindi ko naranasan na magkaroon ng Ina. Si Dad lang ang palaging nandiyan, na pinagpapasalamat ko rin naman dahil kahit papaano nandiyan siya. Pati na rin ang mga kapatid ko."
"Kung ganun, okay lang naman saakin kung magsi-share tayo sa kanya. Gusto ka rin naman niya at pansin ko rin yun."
"Kahit hindi mo sabihin gagawin ko naman yun noh."
"Alam ko. Binibigyan lang kita ng pormal na permiso. Atleast hindi yun matatawag na pang-aagaw, di ba? At isa pa, nililigawan na rin naman kita. Soon to be girlfriend at magiging asawa balang araw. So, magiging Mama mo na rin naman siya." Medyo may confidence na saad ko sa kanya habang tinitingnan siya at pinagmamasdan ang magiging reaksyon sa mga sinabi ko.
YOU ARE READING
Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed
FanfictionOnly a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]