Chapter 2:
Things to remember in order to get out of the "bestfriend zone":
1.) Always look your best.
2.) Know his interests and try to seem interested in them.
3.) NEVER talk about some other girls when you're alone together.
4.) Befriend your bestfriends' barkada.
5.) Always be his shoulder to cry on.
6.) Support every decision he makes.
7.) DON'T sermon him about anything.
8.) As much as possible, never talk about your problems when you're with him.
9.) Act to be dependent on him. (Not too much though.)
10.) Laugh at his jokes.
Magsusulat pa sana ako ng pang-number 11 nang biglang nag-ring ang phone ko.
"Ay, kalabaw!" sabi ko sabay tapon ng diary.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Carly lang pala.. Sinagot ko ito agad.
"O, madame? Anong kailangan nila?" tanong ko.
"Hoy babae, nandito ako sa labas ng bahay ninyo. Papasukin mo nga ako,."
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Swerte mo lang at wala sina mama rito." Nagtungo na ako sa pinto.
"Well? 'Di mo ba ako papapasukin?"
Napa-iling nalang ako. "Pasok po kayo."
Napansin kong may dala-dala siyang supot. "Ano 'yan?"
Binigay niya ito saakin. "Chocolates. Umuwi na kasi si dad galing Canada. Gift ko na lang sa'yo."
Tinanggap ko ito sabay ngiti. "Wow. Salamat ha? Nag-abala ka pa."
"Ikaw naman. Para namang 'di tayo magkaibigan."
Nagpanggap akong nag-iisip. "Magkaibigan nga ba?"
Hinampas niya ako sa balikat. "Walanghiya ka talaga. Akin na nga lang 'yan." Sabi niya sabay abot ng supot.
Inilayo ko ito sa kanya sabay tawa. "Ano ka? Akin na kaya 'to."
Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV. "Siya nga pala, nag text na ba si Lance sa'yo?"
Itinabi ko na muna ang mga chocolates na bigay niya., sabay napa-isip kung nasaan nga ba ngayon ang superman slash prince charming slash knight and shining armor ng buhay ko. "Ba't naman siya mag te-text?"
"Shunga ka talaga. Mag bestfriends din kayo di'ba?"
"Oo, pero 'di naman kami parati magkasama. May girlfriend kaya 'yon."
"Alin? 'Yung girlfriend niyang parang mangkukulam ang ugali?"
Napatawa na lang ako.
"Ui, ano 'to?" sambit niya habang may kinukuha sa sahig.
Halos mapatalon ako nang makita kong ang diary ko pala ang hawak hawak niya. "Bitiwan mo 'yan."
Napangiti siya sabay tingin saakin. "Ano 'to? Diary?"
"Carly, binabalaan kita. Bitiwan mo 'yan."
Sa halip na bitawan ay binuksan niya ito. Halos umuusok na ang ilong ko sa galit. Sinunggaban ko siya. "Carly!"
"Kunin mo muna." Tukso niya.
Sinubukan kong kunin sa kanya ngunit hindi ko maabot. Palibhasa, napaka-layo nga naman ng agwat naming sa height.
Pinilit ko parin itong abutin. "Akin na sabi, eh."
Binuksan niya ang unang pahina at binasa ito. "Things to remember in order to get out of the bestfriend zone......" Nanlaki ang mga mata niya at nakatawa siya habang nakatingin sa'kin.
"Bruha ka talaga." Sabi ko nalang sabay upo.
"Sinasabi ko na nga ba eh." Tumatawa parin siya. "Bakit ba dine-deny mo? Obvious naman talaga na gusto mo si Lance eh."
"O, ano ngayon? Masaya ka na?"
"Hindi. Kasi kung 'di ko 'yan nabasa, 'di ko parin malalaman." Natahimik siya sandali. "So?"
"Anong 'So'?"
She shrugged her shoulders. "What's the plan?"
Tumayo ako. "Walang plan. May Star na nga siya di'ba? Ano bang laban ko 'dun?"
"Haler. Mas maganda ka kaya ron. Bruha kaya 'yon inside and out.."
Kumuha ako ng maiinom. "Sinasabi mo lang 'yon kasi bestfriend kita."
"Excuse me?" tanong niya sabay nakapameywang. "Sinasabi ko 'yon kasi 'yon ang totoo."
Sandali pa niyang binasa ang diary ko. "Alam ko na!"
Tiningnan ko lang siya. "Ano?"
"Things to remember number 1: Always look your best. A total makeover! 'Yun ang sagot!"
Napatingin lang ako sa kanya na may malaking question mark sa mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/38955886-288-k704149.jpg)
BINABASA MO ANG
How to Get Out of the "Bestfriend Zone"
Teen FictionHave you ever been in the friendzone? Hindi ba't walang mas sasakit pa pag alam mo sa puso mo na mahal mo yung tao pero alam mo rin naman na hanggang mag "bestfriends" lang kayo? Si Mia Therese Tuazon ay isang tipikal na estudyante ng Immaculate Con...