Chapter 14

77 5 0
                                    

Kasama ko si Carly habang patungo ako sa school. We stopped by a bakery muna para bumili ng ice cream.

          I took her money out of my bag and handed it back to her.

          "O, hindi pa bayad tuition mo? Ba't binabalik mo 'to sa'kin?" pagtatakang tanong niya.

          "Bayad na no?" I winked at her. "I got it all covered."

          "Talaga lang ha? Eh, sa'n ka ba kumuha ng pambayad?"

          "That's for me to know and for you to find out."

          Pinanliitan niya ako ng mata.

          "What?" nagtataka kong tanong. "Don't worry. 'Di galing sa masama 'yun no? 'Di naman siguro ako dapat mang-holdap ng bangko o di kaya'y manlako ng drugs sa divisoria para mabayaran lang 'yun."

          Tumawa lang siya sabay iling. At bigla siyang may naalala. "Mia, siya nga pala. May kailangan kang malaman." Sabi niya habang kinukuha ang ice cream.

          "Ano 'yon?" curious na tanong ko.

          Ngumiti siya.

          Napatawa ako. "Loka ka. Ano nga 'yon?"

          "May crush na ako." Masaya niyang tugon.

          I grinned. "Siya nga? Sino?"

          "Si................"

          "Si?"

          "Si................ Joshua."

          At para akong nabagsakan ng UFO sa ulo.

          Napalunok ako. "Si Joshua Ortega?"

          "The one and only."

          Diyos Mio, Marimar.

          Napansin niya siguro na napabilis ang kain ko ng ice cream.

          "O, ayos ka lang?"

          Halos hindi na ako makapagsalita ng maayos. "Oo. Gutom lang ako."

          "Para kang bata kumain." At kumuha siya ng tissue sa bag at ibingay ito sa'kin.

          Mabilis ko itong kinuha at pinunasan ang mukha ko. "Eh, ba't mo ba siya nagustuhan?"

          Halatang napamuni-muni siya sa sinabi ko. "Kahapon kasi, habang papunta ako sa locker area, dala ko ang mga libro ko. Marami 'yun. Mga anim yata. Habang pababa ako ng stairs, aksidenteng nahulog ang mga libro ko at himalang may tumulong sa'kin. Nabigla ako nang makita kong si Joshua pala 'yon. Kukunin ko na sana ang mga books when he insisted na ihahatid na niya ako para hindi na raw ako mahirapan pa."

          Tumango-tango lang ako while biting my nails habang nakikinig sa kanya.

          "Nakatitig lang ako sa kanya the whole time habang nag di-discuss si Mr. Tolentino in front. Himala nga'ng nakikinig siya kahapon, eh. Alam mo, tingin ko, nagbago na siya. Tingin ko rin, may nag-uudyok sa kanya."

          Sino naman?

          I gave out a fake laugh. "Don't you think it's too late for that? I mean, ga-graduate na tayo. Saka pa lang siya magbabago? At saka ka palang magkakagusto sa kanya?"

          She shrugged. "Eh sa kahapon ko palang napansin na mabait pala talaga siya. At tsaka, noon ko pa naman alam na napaka-cute niya eh, kaya nga lang, akala ko bad boy. Kaya hindi ko- bla..... bla..... bla..."

          Aywan ko. Hindi ko na siya marinig. Diyos ko naman Carly. Ba't ba sa kanya ka pa nagkagusto? You have no idea kung ano ang pinagkasunduan namin. For all I know, you're gonna despise me for this!

          "Ui Mia! Nakikinig ka ba?" She said, while waving her hand in front of me.

          "Ha? Ah, eh.. Oo naman."

          She rolled her eyes. "Tinatanong kita kung ba't kayo lumabas noong Saturday."

          Diyos ko, Lord help!! Kailangan mo pa bang tanungin 'to?

          "Ah eh, kwan kasi............ Nagpatulong lang siya sa assignment sa Algebra. Hindi raw kasi niya maintindihan, eh."

          "See? Kahit towards Algebra magkapareho kami ng nararamdaman.. Haaaay nakuuuu. Feeling ko talaga siya na ang soul mate ko."

          Ang OA mo mag-isip bestfriend ha? Haaaaaaaaay nakung babae ka. Ba't ba siya pa? Out of all the fishes in the sea, out of all the living human beings, bakit ba si JOSHUA DIEGO ORTEGA pa? Mas okay sana kahit babae ang magustuhan mo. Wait.—- No. Mali. Mas okay palang si Joshua kaysa maging tomboy ka. Pero argggggggh! Hindi pwede!!!!

          Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa school.

          "Sige, bibili muna ako ng bond paper para sa Filipino sa cafeteria ha?" pagpapaalam niya.

          I nodded. "Okay."

          At tumungo na ako sa locker area. Ay napansin akong tila mga patatas na may binabasa sa may locker ko. Tumatawa pa ang mga babaeng 'yun. I rushed para tingnan kung ano ba ang pinagtitinginan nilang lahat. Nang mapansin ako ng mga patatas na 'yun na papalapit sa kanila, nagmadali silang umalis.

          I gasped nang makita ko na may malaking LOSER na word na ipininta sa locker ko. Pinagtinginan pa ako ng lahat. Walanghiya. Alam na alam ko kung sino ang may gawa nito.

          I looked around. And I was right. Isang black-colored bitch na bituin nga ang may gawa nu'n. Nakatawa pa sa may gilid ang bruha.

          Sa galit ko, sinunggaban ko siya. Pinagsasampal, sinabunutan, at pinagsisipa ko. Dumugo tuloy ang ilong ng walrus na 'yon.

          Pero siyempre, joke lang 'yun. Pag ginawa ko 'yun, alam kong hindi ako ga-graduate. Kaya, kinalma ko ang sarili at nilapitan ko siya.

          "Ikaw ba ang may gawa 'nyan?" I asked, pointing at my locker.

          "Ako? Ba't naman kita pag-aaksayahan ng oras? Eh isa ka lang naman uod na masarap tapakan." Insultong sabi niya. Tumawa pa ang ibang mga pesteng nakikinig sa'min.

          "Oo. Siguro nga, uod siya. Uod na halatang mas maganda sa'yo."

          Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. OGM. Si Joshua pala.

          Halatang napahiya ang gaga sa sinabi ni Joshua. Pinagtawanan siya ng iba.

          She stomped her way out of the locker area, nakabuntot pa ang mga SUPER loyal servants niya.

          Manghang tiningnan ko si Joshua.

          "Ganu'n ba talaga ugali nu'n sayo?"

          I nodded. "Oo, eh. Sanay na'ko 'dun. 'Wag mo na nga lang pansinin."

          "Hindi ako papayag na gaganunin ka ng babaeng 'yun no?"

          I was flattered sa sinabi niya.

          "Halika na nga. Baka ma-late pa tayo sa klase." Dagdag pa niya.

          Habang naglalakad kami, napansin ko si Mr. Prince Charming. Nakatingin lang siya sa'min. At parang pissed off siya. Teka, ba't naman magiging ganu'n ang reaction niya? Ang weird..

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon