Chapter 12

83 5 0
                                    

Paalis na sana ako nang bigla akong hinarangan ni Carly.

          "Hoy babae, sa'n ka pupunta?"

          "Magkikita lang kami ni Joshua."

          "Joshua?" tanong niya.

          I glared at her. "Si Joshua. 'Yung kaklase natin?"

          She nodded. "Ah. Eh, ba't kayo magkikita?"

          Tumingin ako sa orasan. "Basta. I'll just explain it to you some other time. Nagmamadali ako." At diretso kong tinungo ang pinto.

          A thousand things were going into my mind while I was on my way. Hindi pa rin ako makapaniwalang ginawa ni Lance 'yun sa'kin. Tinalikuran ako ng knight and shining armor ko, ng prince charming ko, at ng dream boy ko. Question mark lang talaga ang nasa utak ko as to why it happened kasi sa pagkakaalam ko, hindi ako kailanman tatalikuran ng bestfriend ko. Not for anything, not for anyone. Ngunit mali pala ako. Love changes everyone. Lahat tayo ginagawang tanga at manhid sa nararamdaman ng iba.

          Pinara ko ang jeep nang nakarating na kami sa school. Nakita ko si Joshua na nakatayo lang malapit sa gate.

          He looked at me while I was approaching him.

          "Wow. You look......." sabi pa niya. ".....Good."

          Mafa-flatter na sana ako kung hindi lang talaga ako na bad trip sa Lance na 'yon at sa girlfriend niyang mukhang chanak.

          "Kanina ka pa?" Tanong ko.

          He shook his head. "Kararating ko pa lang din."

          "Ah ok."

          "Shall we?" At tinungo niya ang sasakyan niya upang pagbuksan ako ng pinto.

          Tahimik lang ako while we were on the way. Feeling ko nauubusan ako ng laway. Nakaka emotionally-draining ang nangyari kanina.

          Tiningnan ako ni Joshua. "Ayos ka lang?"

          I just nodded.

          "Mia, hindi mo naman kailangan gawin to kung ayaw mo."

          Umiling ako. "Alam ko naman na kasama to sa consequences nang ipakilala ko ang sarili kong girlfriend mo 'ko."  Tumigil ako sandali. "Pasensya ka na. Masama lang talaga ang pakiramdam ko."

          He put the back of his hand on my forehead to check if mainit ako. Himalang hindi ako nagsuplada sa asungot na 'to.  Sabagay, parang mabait din naman kahit konti.

          "Wala ka namang lagnat, ah."

          Napatawa ako. "Shunga. Masama lang ang pakiramdam ko. Hindi ko sinabing may lagnat ako."

          Tumawa na rin siya.

          May bigla akong naalala. "Siya nga pala, ba't mo ba kailangang gawin 'to?'

          "Ang alin?"

          "Na ipakilala mo ako bilang girlfriend sa family mo."

          He sighed. "It''s complicated. Alam mo kasi, sinasabi nila na nagbago na raw ako mula nang iwan ako ni Steph. Na masyado raw ako akong nagpapaapekto hanggang ngayon. Na hindi na raw ako 'yung perfect son and brother na meron sila noon. And I want to prove all of them wrong.. I would want to convince them na naka move on na talaga ako."

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon