Chapter 3

145 7 0
                                    

This chapter is dedicated to Lyn_Twone dahil sa sobrang daming votes niya sa librong ito. Maraming salamat, Lynn!! ;)
-PreppySuperA♥

-------
Tae. Ano ba ang nangyayari? Kanina ko pa napapansin ah. Ba't panay ang titig nila? May dumi ba ako sa mukha? Wala naman akong napansing ibong napadaan at iniputan ako.

Binuksan ko na lang ang locker ko at kinuha ang libro ko nang biglang sinipulan ako ng kung sinumang manyak sa may likuran. Walanghiya. Ang kapal ng mukha. Akala mo naman kung sinong gwapo eh hugis acorn naman ang mukha.

"Hi, miss."

"Hi miss mong mukha mo!" Pagtataray ko, saka mabilis na isinara ang locker at naglakad paalis.

Malas ko nga naman, 'di ko napansing may halaman palang nakaharang sa daanan ko. Sa sobrang pagtataray ko, I tripped over it at natapon ang mga librong dala ko pati na ang mga testpapers ko.

Dali-dali kong kinuha isa-isa ang mga gamit ko sa sahig. Nakakahiya. Ang dami pang nakatingin. Pero mas nakakahiya sa part nila no? Para silang walang mga kamay. 'Di man lang magawang tumulong.

Salamat naman at may isang mabuting loob na tinulungan ako. Isa lang ha? Akalain mo 'yon. Out of millions (Okay. Nag-eexagerate na ako) na naroon, isa lang pala sa kanila ang biniyayaan ng kamay ng Panginoon upang makatulong sa iba.

"Wow naman Mia, 98 percent? Grabe ha? Ang genius mo naman." Sabi pa niya matapos tingnan ang testpaper ko.

"Hindi naman. Nag-aral lang." Sabi ko nang nakangiti. Nang tingnan ko kung sino 'yung tumulong saakin, I was caught off guard. Si prince charming pala!

Kinuha niya ang mga kamay ko at tinulungan akong tumayo.

"Aray!" Sigaw ko nang biglang sumakit ang may tuhod ko.

"Ui, may masakit ba? Halika nga. Maupo ka muna."

Tiningnan niya sandali ang tuhod ko. Abot kabilang building naman ang haba ng hair ko't ganitong klaseng lalake pa ang tumutulong saakin.. Jusko. Bakit ba kailangan ang perfect-perfect niya? Gwapo, matangkad, sweet, mabait, higit sa lahat, napaka-gentleman pa..

"Naku Mia, may sugat ka. Dalhin na kita sa clinic ha?"

Umiling ako sabay ngiti. "Wag na Lance, salamat na lang. Okay lang ako." At sinubukan kong tumayo.

"Sure ka?"

Nang sinubukan kong maglakad, kumirot uli ang sugat.

"O, tingnan mo nga 'yan.. Hindi ka OK eh. Akayin na kita. Dalhin kita sa clinic."

"Lance, seryoso. Hindi mo naman kailangan--."

Sinenyasan niya akong tumahimik. "Wag matigas ang ulo. Sige na. Tumayo ka na jan at umangkas ka sa likuran ko."

Siyempre pa, ayaw ko nang umarte no? Ang swerte swerte ko nga't ang gwapong lalakeng ito pa ang nag-offer na akayin ako. Napansin kong napakatalim ng mga titig saamin sa hallway. Para bang anytime may tatakbo nalang bigla patungo saamin at tutusukin ako ng kutsilyo sa likod..

'Yon na yata ang pinakamatagal kong trip patungong clinic.

Hindi pa rin siya umaalis habang ginagamot ang sugat ko. Pasulyap-sulyap naman ang peg ko pag di sha nakatingin. Grabe. Ang gwapo niya talaga. Parang Xian Lim lang ang dating. No wonder maraming nagkakandarapa dito.

Na-disturbo ang pag-iisip ko nang biglang may tumawag sa telepono niya.

Tiningnan niya ako. "I'll take this call lang ha? Will you be OK?"

I nodded and he went right outside.

Tiningnan ko ang clinic. No wonder maraming nagpapa-check up na students dito. Ang sarap nga naman higaan ng beds. Napaka-accommodating ng nurses at de-aircon pa. O, ano pang hahanapin mo?

Sandali pang nilagyan ng nurse ng gauze ang tuhod ko. "O, ayan iha, maayos na 'yan. Mag-iingat ka sa susunod, ha?"

Thanks, nurse, I get that a lot.

Napatitig siya saakin sandali. "Teka lang. Ikaw ba si Mia Tuazon?"

Tumango lang ako.

"Wow naman. Halos 'di kita nakilala ah. Ang ganda mo palang bata. Ayos lang naman pala ang kulang sa'yo."

Ouch naman. So kung 'di ako nilibre ng makeover ni Carly, pangit na pangit kayo sa akin? Ganoon ba?

Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok uli ang Saviour ko. "O, OK na?"

Ngumiti ako. "Yup."

He laughed and he put both of his hands on my shoulders. "Sabi ko kasi sa'yo priestess di'ba? Mag-iingat ka."

Sana 'princess' na lang at 'di 'priestess' ang tawag niya saakin. Napatawa pa ako nang maalala kong minsan ko na nga pala siyang sinabihang gusto kong maging first lady Jesuit.

Tiningnan niya lang ako for about three seconds. "Wait.. Parang may iba sa'yo."

OMG, Ito na ba 'yon? Napansin nga ni prince charming ang transformation ni Mia Therese Tuazon! Ano? Na-realize mo na bang mas maganda ako dun sa ogre na girlfriend mo?

"Ah alam ko na. Nagpagupit ka no? Tsaka 'di mo na rin suot ang salamin mo."

Wow, ha? 'Di mo ba pwedeng sabihing maganda ako gaya ng na-realize ngayon lang ng ibang tao?

I nodded. "Yup. Contacts nalang susuotin ko from now on."

"Ayos 'yan. Nang mas makita ng mga tao ang cute face mo.." sabi niya sabay ngiti.

Aaaaaaaah! Tinawag niya akong cute! Cute daw ako sabi ng love of my life ko! Wooooh! 'Di ko carry to!

"Sige na. Hatid na kita sa labas." Ngumiti siya sa nurse. "Salamat po. Mauna na kami."

At naglakad na nga ako palabas ng clinic kasama ang dream guy ng bawat babae sa campus na ito.

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon