Chapter 8:
Nang sumunod na araw, Friday na. Haaaaay salamat naman Lord at makakapagpahinga na rin 'tong brain ko after another week of torture.
Pagkatapos ng klase, around mga dapit-hapon na, I received a text from Mr. Prince Charming.
Mr. PC: Hey Mia. Kamusta?
Nanindig naman lahat ng balahibo ko sa leeg sa kilig. Ba't kaya ako biglang naalala neto?
Mia: Ok naman. Heto. Katatapos lang ng class. J Ikaw?
Mr. PC: Ayos lang din. Pauwi ka na?
Mia: Oo.
Mr. PC: Nasa'n ka? Puntahan kita.
Ayun! Parang nagka-fireworks ang buong school sa kilig na nararamdaman ko. Para akong kinuryente from head to toe nang mabasa ko ang text ng knight and shining armor ko. Ano kaya'ng nakain nito at ginustong puntahan ako? Simula kasi nang maging sila ng witch na 'yon, bihira nalang siyang mag text kaya bihira na lang din kaming magkasama.
Napasayaw ako sa sobrang kilig. Some girls stared at me na para bang nababaliw na ako. That's when I came back to my senses at syempre pa, nag-reply ako.
Mia: O sige. Antayin kita sa may kiosks.
Habang hinihintay ko si Lance, biglang may napansin akong isang lalakeng pinapagalitan ng tila isang nakakatanda sa niya. After a few seconds of staring, na-realize kong si Joshua pala 'yon. I went a little closer para marinig ang convo nila.
"Hindi ka pinapag-aral ni Mama para mag bulakbol lang." Sermon nito sa kanya..
Tahimik lang na nakikinig si Joshua with one hand in his pocket.
"Ano? Magsalita ka!" pagalit niyang sambat..
Nang hindi pa rin nagsalita si Joshua, medyo tinulak na siya ng kausap niya. "Magsalita ka sabi eh! Akala ko ba astig ka? Wala kang utang na loob. Palibhasa kasi, bastado ka! "
Joshua clenched his fist, his jaw tight. Alam kong any moment now, masusuntok niya na tong kuya niya. Ang pangit naman kung titingala lang ako. I needed to do something. Baka ang mangyari eh ma-kick out na talaga sa school 'tong kaklase ko dahil lang pinagtanggol niya ang sarili niya. Hindi na ako nakatiis at pumagitna na ako sa kanilang dalawa.
"Mawalang galang na po. Pero sa halip na sumbatan po ninyo at pagsalitaan ng ganyan si Joshua, dapat po i–influence niyo po siya to do better."
Nagtatakang tiningnan lang ako ni Joshua.
"Alam ko po hindi po siya ang ideal student. Pero sikreto lang po ang pagiging mabait nitong kapatid ninyo. At first nga po I judged him wrong. Pero to my surprise, isa po siya sa may mga pinakamalalaking puso sa mga taong kilala ko."
Halatang na- caught off guard ang kausap niya. Pero sandali pa siyang nagsalita. "At sino ka naman?"
Sandali pa akong napa-isip but the words came out of my mouth. "Girlfriend po niya."
Hatang nagulat ang kapatid niya. Maging si Joshua man ay nagulat. Nanlaki ang mata ng dalawa.
"Girlfriend?" Pagka-klarong tanong ng kapatid niya.
I nodded, sabay kuha sa kamay ni Joshua. "Two months na rin po kami."
To my surprise, napangiti siya. "Wow. Hindi ko ini-expect to, ah." He paused for a while, still processing the things he heard. "I just wish this will make him want to be better. To make us proud, for a change."
Tiningnan ko si Joshua. May malaking question mark pa rin sa mukha niya. Halos matawa na ako.
"Well," nagsalita na uli ang kapatid niya. "It was nice meeting you. Mabuti pala pinagalitan ko 'to. Kung hindi, marahil hindi kita makikilala. I'm Andy, by the way. Kapatid niya."
I nodded with a slight smile. "I'm Mia po."
He looked at his watch. "Well, I should get going." He looked at Joshua, then he sighed. "Pasensya na sa mga nasabi ko. Pero sana nga mag-change ka na. Do it for mom, bro. Please."
Joshua just slightly nodded.
Andy looked at me again. "Sige Mia, mauna na ako."
"Okay po."
Tiningnan ko lang siya while he was looking away. Ang weird. Bipolar ba ang mga tao sa pamilya ng Joshuang 'to? Kani-kanina lang, sobrang galit. Tas pabigla-bigla siyang maga-act as if nothing happened.
"Ano 'yon?" manghang tanong ni Joshua.
I shrugged. "You needed me to do a favor for you." I whispered. "I just did."
May biglang tumapik sa shoulder ko. "Mia?" tanong niya.
I turned to look at him. Anak ng saging. Si Lance pala!
"Kanina ka pa?" tanong ko.
He shook his head. "Kararating pa lang."
Diyos ko, Lord. Salamat naman at hindi niya nasaksihan ang mga nangyari kanina. Tiningnan niya si Joshua.
"Umm..... Lance, si Joshua Ortega pala. Kaklase ko."
He nodded. "I know him. How are you, pare?" he asked.
"Ayos naman. " He responded.
Lance looked at me. "Ano, shall we?"
I nodded, at tsaka sumama na ako sa kanya, leaving Joshua behind na gulong-gulo pa rin sa mga nangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/38955886-288-k704149.jpg)
BINABASA MO ANG
How to Get Out of the "Bestfriend Zone"
Teen FictionHave you ever been in the friendzone? Hindi ba't walang mas sasakit pa pag alam mo sa puso mo na mahal mo yung tao pero alam mo rin naman na hanggang mag "bestfriends" lang kayo? Si Mia Therese Tuazon ay isang tipikal na estudyante ng Immaculate Con...