Chapter 17

78 5 0
                                    

Chapter 17:

          The review went well, I think. Kahit naman nadi-disturb parin ako sa tuwing naiiisip ko si Lance, I decided to set aside my feelings muna. Kahit one week lang, considering na last weekend na 'yon before the final exams.

          Mabuti na lang talaga at walang ginawang kalokohan the whole time si Joshua habang nag re-review kami. Lahat ng bilin ko tungkol kay Carly, sinunod niya. Matalino naman pala talaga siya eh, parati nga lang uma-absent.

          Finals na. Gotta give it my best shot. Last na last na last na talaga 'to tapos mag go-goodbye na 'ko sa high school.. May nagsalita bigla sa likuran ko while I was walking sa hallway.

          "Hi Mia."

          At tumabi na si Lance sa'kin.

          Tumango lang ako.

          "I didn't go sa Cebu by the way. 'Di talaga ako pinayagan ni lolo, eh."

          "Sayang." Emotionless kong sabi.

          "Mia?" tawag niya. Feel ko na se-sense na niyang iba ang pakikitungo ko.

          I raised my brows, still not looking at him.

          "May problema ba tayo?"

          "Nope." Medyo binilisan ko na ang lakad ko. Humarang na naman siya.

          "Ano ba'ng plano mo? Gusto mo bang ma-late na naman ako?  At this time, during exams pa?" galit na tanong ko.

          Halatang nagtaka siya. "Mia, ba't ganyan ka? Was there something I did para ikagalit mo?"

          Inis ko lang siyang tiningnan. Naglakad ako ulit.

          "Is it about Star?" tanong pa niya.

          I stopped walking. I turned to face him. He walked towards me.

          "Galit ka ba kasi I asked for your help para makasama ko siya?"

          'Hindi." Bitin na sagot ko.

          Napakamot-ulo siya. He tried to stay calm though. "Mia naman, eh. Alam ko hindi kayo okay. Pero namatayan siya. She needed me to be there. I'm sorry kung in-expect ko na maiintindihan mo."

          This time, ang sarap na talaga niyang suntukin sa mukha. I started to clench my fist. Ngunit, tumalikod na lang ako.

          "Mia!" tawag niya ulit.

          Mabilis ko siyang nilingon at lumapit ako uli sa kanya. "Galit ako dahil binabago mo ang sarili mo nang dahil sa kanya!" I saw that his brows started to meet. "Do you seriously think na hindi ko maiintindihan yung fact na you wanted to be there for her when she needed you? I understand. I did! Pero ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan mo pang magsinungaling sa parents mo? Lance, they're good people. They don't deserve to be lied to. And you, most especially, are a great person. Hindi mo kailangang magsinungaling. Not for anything, not for anyone. Dahil 'yung Lance na minahal ko dahil bestfriend ko, hindi ganu'n."

          I saw na parang na-konsensiya siya sa sinabi ko. He looked down on the ground. Tumalikod na ako. I turned to face him again. "And for the record?," he looked at me again with an apologetic look on his face. "I, wouldn't change anything about you."

          I tried my hardest to concentrate sa exams despite what happened. My fingers are crossed na I still got high scores sa exams namin today.

          Sinamahan ako sa cafeteria ni Josh matapos ang exams.

          "Is something bothering you?" napansin siguro niyang I've been silent the whole time.

          Although I've heard in the past na boys don't really care if you tell them about your problems, I guess I trust Joshua enough to tell him what happened.

          Matapos kong mag share, napatahimik siya. I forced a smile. "Well? Wala ka bang sasabihin?"

          He shook his head while smiling. "Wala na akong dapat pang sabihin." Ginulo niya medyo ang buhok ko na para bang little sister niya ako. "Basta, I'll always be here for you. Alam mo 'yan."

          "Thanks."

          He wrapped his arm on my shoulders. "Halika na nga. Uwi na tayo. Ang alam ko, mag-aaral ka pa, eh."

          At tumawa ako.

          While we were walking sa may parking lot, I saw a familiar face na nakangiti habang nakatingin saamin ni Joshua.

          Tumingin ako kay Josh. He just nodded. Si Tita Laura pala.

          "Hello po, tita." Bati ko.

          "Well hello, my soon-to-be daughter in law." Bumeso siya sa'kin.

          "Ma naman, eh." Kamot-ulong sabi ni Josh.

          "O, ano'ng masama 'dun? Girlfriend mo naman siya, eh. Masama ba'ng gustuhin kong ang kagaya niya ang maging daughter in law ko?" nakangiting tanong niya.

          Napatawa lang ako sa kanilang dalawa..

          "Uuwi ka na ba, iha?"

          "Opo tita. May exams pa kami bukas eh."

          "Hatid ka na namin." Offer niya.

          Ayoko nang umarte pa no? Alam ko naman na magi –insist talaga si tita Laura kaya......

          "Okay lang po?"

          Napangiti siya sa sinabi ko. "Oo naman. 'Di ka na kaya iba sa'min."

          At pumasok na 'ko sa sasakyan nila without knowing na may chismosa palang mga tenga na nakikinig sa amin the whole time.

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon