"Aaaaaaaaaaaaaah!" Sigaw ni Carly habang kinakagat ang telang hawak-hawak niya.
Napatakip ako sa tenga ko. "Aray ko naman! Ang ingay-ingay mo. Manahimik ka nga! Baka magising si nanay."
"Hindi ka maririnig 'nun no? Sosyal kayang matulog ang nanay mo. De-earphones pa.."
Tsaka namin siya tiningnan. Napa-iling nlang ako nang mapansin kong nagso-snore pa siya habang natutulog sa sala.
"So? Ano'ng sumunod na nangyari?" Excited na tanong ni Carly.
I shrugged. "Ayon. He asked me kung may gagawin nga ba ako ngayong mga 4 ng hapon. And he asked me to go to the movies with him."
Napatili ang loka habang tumatalon-talon sa saya.
Tumawa na lang ako. "Para atang mas kinikilig ka sa'kin, ah."
"Naman no? Dream guy kaya 'yun ng every girl sa campus." Sandali pa siyang nag-isip. "Teka. May susuotin ka na ba?"
"Speaking of which, KULANGOT!" sigaw ko nang bigla akong may naalala. "Tulungan mo nga akong maghanap ng maisusuot ko."
Her jaw dropped open. "Ano?! Hindi ka pa nakakapili ng maisusuot mo?!" She looked at her watch. "May 3 hours ka nalang para mag ready! Jusko naman Mia....."
Napakamot-ulo nalang ako. "Eh ano ba'ng magagawa ko? Hindi ko alam kung anong perfect outfit na dapat suotin, eh."
"Ako na nga lang maghahanap." At kumaripas na siya ng takbo patungo sa cabinet ko
"Uy babae! Hintay!" Sigaw ko while running after her.
Imagine-in nyo nalang na may background music habang namimili kami ng susuotin. Ang dami niyang kinuha pero each time naman na susukatin ko, napapa-iling siya.
Sinubukan na rin namin 'yung yellow dress na polka dots, 'yung cowgirl attire ko, pati na ang Juliet gown na sinuot ko nang nasa 1st year pa ako.
"Kalokohan naman 'to eh. Hindi ko to dapat sinusukat. Haler? Movies 'yon. Hindi pa grad ball." Himutok ko.
Patuloy pa siya sa paghahanap. And then may nakita siyang peach-colored crop top and sexy high waist pants. She lifted it while smiling. "How come never mo 'to nasuot? Ang ganda kaya..."
Napatingin ako sa hawak niya. Saging Ang PERFECT attire nga.
She threw it at me. "Isukat mo na. Dali!!!!!"
Nang lumabas na ako upang ipakita sa kanya ang hitsura ko, napa-applause ang gaga.
"Bravo. Perfect. Wala na akong ibang masabi.. Magnifico!"
I looked in the mirror. I didn't look bad at all. In fact, if anything, tama nga siya. Ayos nga tingnan sa'kin.
"Kaya lang, hindi ba parang too much?" nag-aalalang tanong ko.
"Too much?? Ang OA mo ha? Ang ganda kaya!"
Tumingin ako ulit sa mirror. This time, tiningnan ko ang reflection niya. "Pero hindi kaya ako sipunin nito? Ang lamig kaya sa sinehan."
She gently put her hand on my shoulder. "Eh di, that will give him a reason to lend his jacket to you." She said, with a wink.
Napatawa na lang ako.
Biglang nag-beep ang phone ko.
"Kunin mo. Dali! Baka si Lance na 'yan."
Dali-dali ko itong kinuha. Si prince charming nga!
Mr. PC: Getting ready. See you later, Mia. J
"O, siya nga?" tanong ni Carly.
I nodded while smiling. Binasa ko ang message sa kanya. For the millionth time, napa-tili na naman siya.
"Ang haba ng hair mo, ha? Hala sige, maghahanap tayo ng accessories na mag ma-match sa attire mo. Hintayin mo 'ko." She said, while heading towards the door.
Nag-beep na naman ang phone ko. Thinking it was Lance na naman, dali-dali ko itong tiningnan.
Unknown number: Hi Mia. I wasn't given chance to talk to you kahapon. Pero salamat nga pala sa ginawa mo.
Napa-isip ako kung kanino galing ang message, at naalala ko si Joshua.
Napatawa ako ng konti. "Ayos ha? Marunong din naman palang magpasalamat ang lalakeng 'yun."
Tinago ko na ang phone ko nang makita ko si Carly na nakangiting papunta sa'kin dala ang mga accessories niya.

BINABASA MO ANG
How to Get Out of the "Bestfriend Zone"
Teen FictionHave you ever been in the friendzone? Hindi ba't walang mas sasakit pa pag alam mo sa puso mo na mahal mo yung tao pero alam mo rin naman na hanggang mag "bestfriends" lang kayo? Si Mia Therese Tuazon ay isang tipikal na estudyante ng Immaculate Con...