Chapter 6

90 5 1
                                    

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakikita kong nakatayo sa likuran ko. "Ikaw?"

            Joshua nodded with a smirk. Ang yabang talaga ng dating ng lalakeng 'to. May pasandal-sandal pang nalalaman sa pinto.

            Tiningnan ko ulit si Ms. Castil. Inilagay ko ang isang kamay ko sa table sabay sabi, almost in a whisper: "Maam, sure na sure na sure po ba talaga kayo'ng siya ang nagbayad sa'kin?"

            Sasagot na sana siya nang biglang nagsalita ang asungot. Narinig niya pala ang sinabi ko. "Yep. I have the receipt right here." And then he showed me what seemed like a blue-colored sheet of paper.

            Naguguluhan pa rin ako. Pero tiningnan ko uli si Ma'am. "Sige po. Mauna na ako Salamat po."

            She smiled. "My pleasure, iha."

            Tiningnan ko pa rin si Joshua habang papalabas ako ng pinto. Sumunod naman siya saakin. Magkasama kaming naglakad sa hallway.

            Tumigil ako sa paglalakad and I turned to face him. "Ba't mo ba ginawa 'yon?" Tanong ko sa kanya.

            "Alam mo, bago mo ako tinanong ng ganyan, dapat pinasalamatan mo muna ako."

            Inayos ko ang pagkakalagay ng bag ko sa shouders ko. "Thank you."

            He stepped closer to me. "Ano?"

            Hindi ko na siya tiningnan. "I said, thank you."

            "Isa pa. Hindi ko marininig." This time, pinalapit na niya ang tenga niya sa'kin.

            Sinigawan ko siya. "Salamat sabi, eh!"

            Tinakpan niya ang tenga niya. "Aray ko naman. Magpapasalamat ka na nga lang, pasigaw pa."

            I rolled my eyes at him "Ang kulit mo kasi.."

            Tumawa sha. "Did you really think I did that nang walang hinihinging kapalit?"

            I crossed my arms. "Sinasabi ko na nga ba. O, anong gusto mo'ng mangyari?"

            He stepped even closer to me. Sa sobrang lapit na niya sa'kin, napasandal na ako sa wall. "I want you—-" This time, inilagay na niya ang arm niya sa may ibabaw ng ulo ko. I pursed my lips. "To pretend to be my girlfriend."

            Itinulak ko siya palayo. "Ayoko nga."

            "Bakit? Madali lang naman ang pinapagawa ko sa'yo."

            Naiinis na ako sa pesteng lalakeng 'to. "Ayoko sabi. Kung akala mo, bayaran akong babae, nagkakamali ka. Hindi ako mabubulag ng pera mo. Para lang malaman mo, mababayaran ko ang tuition ko ng buo. I don't need your help. Kung gusto mo, kunin mo na ang pera mo sa Finance. Salamat nalang." I said with a hint of sarcasm.

            Tumalikod na ako. Nakaka-highblood ang lalakeng 'to. Akala niya lahat nabibili ng pera. Ang yabang.

            Bigla siyang um-appear sa harapan ko. Halatang hinabol talaga ako ng monster na 'to.

            "Pumayag ka na, Mia. Please."

            "Ayoko sabi. Ba't ba ang kulit-kulit mo?"

            "Hindi talaga kita lulubayan hangga't 'di ka pumapayag. Hindi naman tayo magkukunwari na mag-on kung nandito sa school eh. Ipapakilala lang naman kita sa family ko bilang girlfriend ko. 'Yun lang."

            "Eh ba't ba kasi ako, out of all the girls sa campus?" pagtataka kong tanong.

            "Kasi alam ko na 'di ako kailanman magkakagusto sa'yo."

            Nakapameywang na ako. "Ah ganun? Nakakainsulto ka ah. Bakit? Tingin mo ba magkakagusto ako sa isang arogante, feeling gwapo, at mayabang na lalakeng kagaya mo?"

            "Kaya nga. Please lang, pumayag ka na." He paused for a while. "Mia, hindi naman sa iniinsulto kita. "Maganda ka naman, matalino. Kaya lang......"

            "Kaya lang, ano?" I said, my voice rising.

            "Kaya lang, you hate my guts. And that's enough reason para 'di ako magkagusto sa'yo."

            Napa-iling ako. "Kahit na. Ayoko. Kunin mo na lang ang pera mo sa office. I'll do you a favour if you really deserve it nang libre pa. Pero sa nakikita ko ngayon, you don't deserve my help. Kasi sarili mo lang ang iniisip mo. Ang selfish-selfish mo!" Tumalikod na naman ako.

            "Mia!" Tawag pa niya.

            Nilingon ko siya. "What?" matigas kong tanong.

            "Para lang malaman mo," I saw in his eyes na parang nasaktan siya sa sinabi ko. "Pag may binigay ako, 'di ko na kukunin ulit. Dahil hindi ako ganyan kasamang tao. I approached you dahil umaasa akong pagbibigyan mo 'ko. That amount I payed sa finance? I meant that as a way to help you. Pero it turns out mali ang desisyon kong lapitan ka. Nanghuhusga ka na, 'di mo pa nga ako kilala." 'yun lang at umalis na siya.

            I paused there for a while. Pino-process ng brain ko kung paano nangyaring siya pa ang galit. Pero at the same time, inisip ko ang sinabi niya. And I couldn't get it out of my head.

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon