Chapter 13

69 4 1
                                    

Chapter 13:

          Habang naglalakad ako patungong school, naaalala ko ang mga nagyari last Saturday. Tandang-tanda ko pa ang shocked na reaction nila nang ipakilala ako ni Joshua sa kanila. Tandang-tanda ko, most especially, kung gaano sila naging accommodating. Mababait naman pala talaga ang mga Ortega eh.

          Napatawa pa ako nang maalala kong umandar na naman ang pagiging clumsy ko nu'ng time na 'yon. I accidentally poured juice all over my top. Sa bait ni Tita Laura na siyang mama ni Joshua, ipinahiram niya ako ng blouse niya.

          Na-shock pa ako nang malaman kong musically-gifted pala 'yong asungot na 'yon. Aside sa fact na maganda ang boses niya, marunong pa siyang mag piano at mag-gitara. Hinarana pa niya ako sa harap ng family niya. Kung 'di lang talaga ako inlove sa isang Lance Castillo, malamang nahulog na ako sa lagkit ng tingin at charming na mga ngiti ng lalakeng 'yun.

          Nalaman ko din na ang Steph palang sinasabi ni Joshua ay ang childhood sweetheart niya. First love at first girlfriend niya ito. Unfortunately, namatay daw siya a year ago in a car accident. Ever since then, ani tita Laura, nagbago na si Joshua. Never din niyang narining na nagsalita ito about any other girl. Minsan pa nga raw, nakikita nila itong malungkot lang na nagpi-play ng piano nila. At ang kantang ipini-play niya lagi ay ang theme song nila ni Steph noong nabubuhay pa ito. Mabuti na nga raw at nakilala ako ni Joshua. Binigyan ko raw siya ng chance na maging masaya ulit. Na-konsensiya naman ako sa pinagagawa naming dalawa.

          Grabe. I swear. Hindi ko in-expect at all na ganu'n pala ang love story niya ah? Kung sa'kin siguro nangyari 'yun, mahihirapan talaga akong mag move on. Naiiyak talaga ako habang nakikinig sa story ng dalawa. Ala-pelikula. Sana, darating ang araw na iiyakan din ako ni Lance.

          Speaking of the devil, may biglang utot na sumulpot sa harapan ko.

          "Ay kalabaw na naging kabayo!" gulat na sigaw ko.

          Si "prince charming" pala. "Mia, nakaka-ilang tawag na ako sa phone mo simula Saturday ah. Ba't di mo sinasagot?"

          Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Wala akong time makipag-usap."

          "Mia naman eh." And he grabbed my arm which made me look at him. "Galit ka ba?"

          "Hindi." I lied.

          "Sinungaling. Hindi eh. Galit ka. Mia naman, sorry na."

          I shrugged. "Okay."  At tumalikod na ako ulit.

          Hinarangan niya ang daanan ko.

          Naiirita na talaga ako for real. "Ano ba? May klase pa'ko."

          "Hindi talaga ako aalis dito hangga't di mo 'ko kinakausap ng maayos." I crossed my arms. "Mia, please. Let me make it up to you. This Friday nalang tayo manood ng movies. O 'di kaya, this afternoon, kung free ka."

          "No." Pagtataray ko.

          He sighed. "Look, alam ko hindi ko tinupad ang pangako ko. I'm really, really sorry kung hindi ako dumating. It's just that tinawagan ako ni Star and—-"

          I cut him off. "Look, Lance, you don't have to explain anything to me. Naiintindihan ko naman eh. Girlfriend first bago ang bestfriend, di'ba?"  I said, with a tone of sarcasm.

          He shook his head. "No. Hindi ganu'n 'yun."

          At nag-ring bigla ang bell.

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon