Chapter 9

90 6 0
                                    

As we were on the way at habang minamasdan ko si Lance, I can't help but think kung paano na-miss ko ang kakulitan nitong bestfriend ko, kung paano ko na-miss ang mga times na ganito- na magkasama kami na kaming dalawa lang. Walang istorbo, walang pilingerang bituing nakabantay sa may gilid, at higit sa lahat, kung paano ko siya na-miss.

            He broke the silence. "So, how have you been?"

            "As if naman 'di mo pa ako kilala? Siyempre, okay ako. Always naman, eh." Pangiti kong sagot. "Eh, ikaw jan? Kumusta na?"

            "Okay lang din. Kaya lang, I've been having a difficult time with accounting, eh."

            I looked at him, disbelieving. "Ha? Bakit? Bumagsak ka?"

            He laughed. "Hindi naman. Kaya lang, 80 lang talaga grado ko last quarter eh, nakakainis naman kasi. Konting mistake mo lang, ang dami nang nababawas na puntos."

            I nodded. "I know the feeling."

            He snarled. "As if. Ang talino mo kaya. Eh, ano bang grade mo last quarter sa subject?"

            "94."

            He glared at me. "At nahihirapan ka na talaga sa lagay na 'yan ha?"

            I nodded. "Mahirap naman talaga lahat ng subjects, eh. Pinagsisikapan ko lang aralin."

            I was about to cross the street nang bigla siyang sumigaw. "Mia!" He shouted while grabbing my hand.

            Sa sobrang lakas ng pagkuha niya sa kamay ko, napasandal ako sa chest niya. Saka ko napansin na malapit na pala akong masagasaan. I looked at him again. Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko at nakasandal parin ako sa kanya. Napatitig lang ako sa kagwapuhan niya. God. My creature ba talagang ganito ka perfect? To my surprise, hindi parin siya lumulook-away. Nakatitig lang din siya sa'kin.

            Sa wakas, nagsalita na rin siya, still not letting go of me. "Ganyan ka ba talaga?"

            I laughed a little. "Ano? Clumsy?"

            "No." He responded, habang nakatitig pa rin. "Just...... Exciting."

            Bumalik na ako sa katinuan ko nang maalala ko ang mukha ng bakulaw na girlfriend niya. Bumitaw na ako. At tila na-awkward kami ng konti. "Exciting." I echoed.

            Napangiti siya.

            I noticed a red Montero sport parked malapit sa'min. He took out 'yung parang isang maliit na remote sa car and he pressed a button. Umilaw naman ang sasakyan.

            "Sayo?" I asked.

            He nodded. "Yup."

            "Bago na naman? Anong nangyari 'dun sa black na sasakyan mo?"

            Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Nasa bahay lang. Dad gave me this as a gift on my birthday."

            "Yaman." Tukso ko.

            He laughed at tsaka sinara ang pinto.

            Pumasok na rin siya sa sasakyan at tsaka ko isinuot ang seatbelt.

            Tahimik lang kami hanggang halfway through sa trip. Gusto ko man sha'ng titigan, 'di ko magawa. Obvious naman kasi. Magkatabi lang kami.

            Nagsalita na rin siya. "So, sino'ng bago ngayon?"

            "Ha?"

            "Si Fr. Francis pa rin ba'ng crush mo?"

            Tumawa ako. "Hindi na no? Pari kaya 'yun."

            "Wow ha? Naka move on agad? Eh crush na crush mo kaya 'yun."

            Umiling ako. "Correction: crush na crush ng lahat ng babae sa batch natin."

            Tiningnan niya lang ako na tila inaakusahan niya akong may gusto pa rin kay Fr. "Uuuy.."

            Tumang-tango lang ako. "Sige lang, Superman. Tuksuhin mo lang ako. As if naman wala ka ring iyo."

            Napatingin siya sa'kin. "Superman?"

            I nodded. "Oo. Ikaw  kaya superhero ko. 'Di mo ba napansin? Everytime inaatake na naman ako ng kamalasan, andyan ka para sagipin ako."

            "Superman." He smiled. "I like it."

            Nagkwentuhan pa kami at 'di ko napansing nakarating na pala kami sa bahay ko. He stepped on the brakes at tsaka lumabas na siya para pagbuksan ako ng pinto. Haaaaaay naku. Ang gentleman talaga ng superhero ko.

            Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ngunit napansin niyang nahihirapan ako.

            "What's wrong?"

            I laughed a little. "I think it's stuck."

            "Tingnan ko nga."

            Siyempre pa, pumasok siya ulit to check kung bakit ayaw itong matanggal. Habang sinusubukan niyang tanggalin, naaamoy ko siya. Grabe. Ang bango niya. Parang amoy sabon. At hindi lang 'yong sabon na nabibili sa ay kanto ha? Parang sabong imported. Kaya nga ang sarap yakapin ng lalakeng 'to eh.

            Nang matanggal na ang seatbelt, aksidenteng (o hindi kaya?) nag-meet ang mga mata namin.  Tahimik lang kami dalawang nakatitig sa isa't-isa. Napansin ko ang mala-rosas niyang mga labi at ang mapupungay niyang mga mata. At parang mas lalo akong nai-inlove.

            Ngumiti siya. "Ayan. Okay na."

            And then, he helped me to get out of the car.

            "Thanks again sa paghatid."

            He nodded while smiling.

            Tumalikod na ako.

            "Mia?"

            Tiningnan ko siya. "Yup?"

            Humakbang siya papalapit saakin habang pinaglalaruan sa kamay ang car keys niya.

            "Free ka ba tomorrow?"

            "I guess." Sabi ko. "Bakit?"

            "I was thinking maybe we could, you know, watch Divergent together? Just you and me?"

            Tae. Totoo na ba to? Aaaaaaaaaaaah! Gusto ko nang sumigaw! Parang inaakyatan ako ng milyon-milyong langgam sa katawan!

            I tried to calm myself. "Sure."

            Ngumiti siya. "Great! I'll pick you up at around 4 PM?"

            I nodded. "Okay."

            At pumasok na ako sa loob ng bahay.

          Tumingin ako sa may bintana. Nang masiguro kong nakaalis na siya, tinakpan ko ang mukha ko ng unan saka sumigaw na parang baliw. Tumakbo na rin ako patungo sa kwarto upang mamili ng perfect attire na masusuot para sa perfect day ko bukas.

How to Get Out of the "Bestfriend Zone"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon