Chapter 9
Nang makapasok ako sa clinic ng school bumungad sa'kin ang iyak ni Willow. She's a mess. Gulong-gulo ang buhok at pulang-pula ang kanan niyang pisngi.
Niyakap ko siya kaagad nang makalapit ako. Despite the towel that is covering her, I can feel that her shirt wet.
“Willow! May masakit ba sa'yo?” nag-aaalala kong sambit habang sinusuri ko ang mukha niya.
Si Willow pala ang pinag-uusapan ng mga babae kanina. I should have known! Hindi naman siya nagtext na dumating na siya sa school!
I hugged her and she cried in my arms. Naiiyak ako sa sinapit ng kaibigan ko. Sana, hinintay ko nalang siya sa gate kahit hindi siya nagtext sa'kin, edi sana hindi 'to nangyari.
“Nang makita namin siya sa hallway, pinagtutulungan na siya ng mga estudyante...” sumbong sa'kin ni Adam.
Tumulo ang luha ko sa narinig ko pero dali-dali ko itong pinahid. My poor Willow experience it again, being hurt by those, those species who have cheap mindsets!
Pinahid ko ang luha sa'king pisngi, “Willow, may masakit ba sa'yo? Gusto mo pumunta tayong hospital, hmm?” I asked as I scrub her back.
“G-gusto kong umuwi, Lav,” she said amidst her sobs.
“Uuwi tayo, Willow. Tahan na,” sabi ko habang inaayos ang buhok niya.
I smiled at her to comfort her, that she have me and she's not alone.
“Sama ako, Lav,” sabi ni Atticus sa likod ko.
“Ako rin,” dagdag ni Adam.
Inilingan ko sila, “'Wag na, Atticus. Hatid niyo nalang kami sa sasakyan nila Willow.”
Hindi na sila umangal pa. I know that Willow only needs someone to comfort her and I know that she won't be comfortable with the boys. Kinuha ni Adam ang gamit ni Willow at siya na ang nagdala.
Inayos ko ang tuwalyang nakapatong sa balikat ni Willow at inaya na siyang tumayo. Nagpaalam kami sa school nurse bago umalis. Nang dumaan kami sa corridor, wala ng tao dito dahil oras na ng klase.
Atticus hand me Willow's bag at tinanggap ko ito bago pumasok sa sasakyan.
“Inform mo ako Atti pag may assignment or project, huh?”
Tinanguan niya ako at ngumiti ng maliit.
“Ingat kayo, Lav,” he bidded.
Tumango ako at marahang ngumiti.
Sinarado ni Atticus ang pinto ng kotse.
“Sa bahay po, Kuya Robert.” mahinang sabi ni Willow sa kanilang driver.
“Sorry, Willow,” mahinang bulong ko habang hinawakan ko ang kanang kamay niya.
Nilingon niya ako at bahagya siyang umiling. Namumula ang mata niya gawa ng pag-iyak niya kanina.
I deeply sigh.
“Hindi, Lav. Wala kang kasalanan,” mahinang sabi niya.
“Sabi ko 'di ba na I'll protect you pero ano ang nangyari? Nasaktan ka pa rin nila,” naiiyak kong sambit.
“No, Lav. Nabangga ko si Shell at hindi ko naman sinasadya. Natapunan ang uniform niya ng dala kong juice at... at sinampal niya ako, Lav. Tapos kinampihan siya ng mga estudyante. Tinatapunan nila ako ng kahit ano... at sinasabihan nila ako ng masasakit na salita, Lav,” humihikbi niyang sumbong sa'kin.
“Hindi mo kasalanan na gan'to ang hitsura ko, Lav. Siguro kung maganda ako, hindi nila gagawin 'yon sa'kin. Maybe if I look great, they wont hurt me. But I'm not, Lav, kaya ang bilis nilang gawin sa'kin 'yon,” she cried out.
BINABASA MO ANG
That Feeling [COMPLETED]
Teen FictionBettina Lavinia Santos is the type of person who treats everyone with kindness but she was taken for granted. That feeling that she could rely on someone through difficult times, yet, she was betrayed by them. Nevertheless, the person she least exp...