Chapter Six
"Write a report about it and send it to me." Ani Agatha. "Oh wait hindi sa akin, kay Aliana nalang."
Sinilip nya din ang tungkol sa mga gamit sa bagong renovation doon. She saw Aliana there.
"Any idea?"
"Wala naman. Dagdagan lang ng mga ganitong style." Sagot nito sa kanya.
Tumango sya sa babae at pinakinggan ito. Bahagya syang humanga kasi may alam talaga sa business ang babae. Pumalakpak pa sya pagkatapos nitong ilahad ang mga idea.
"Okay naman sa akin." Aniya.
"Hindi okay sa kuya mo."
"Oh, he's just being kill joy. Palibhasa hindi nya alam ang paghawak ko dito." Anito. "And by looking at you, mukhang sanay ka."
Hindi sumagot si Aliana.
"I also like the style on your Craft Shop. Not bad."
Aliana gave her a sideway smile. "Thank you,"
"Ikaw na bahala dito ha. I'll just roam around."
Since wala naman syang masyadong gagawin dito dahil alam naman lahat ni Aliana ang pasikot sikot. Magliliwaliw nalang muna sya, bahala na ang kuya nya sa Ong Expertise at Bernales Groups.
Isang black bikini ang sinuot nya na may cross sa likod. Lumabas sya at pinuntahan si Ava sa Craft Shop.
"Anong oras out mo?"
"Half day ako ngayon. Swimming tayo?"
"Please! I really missed you."
May nasipat syang lalaki sa gilid, singkit, matangkad at maraming tattoo. She narrowed her eyes.
"Well?"
"Si Shinubo, kaibigan ni Ma'am Aliana."
Agatha automatically smiled. Ngumisi naman si Shinubo at nilahad ang kamay sa kanya.
"Nice to meet you, Shinubo."
"You too, Miss Ong."
"You know me?"
"Kapatid ka ni Allen."
"Halika na." Ani Ava. "Shinubo, half day ako ngayon ha. Pakisabi nalang kay Ma'am Aliana."
"Alright. Enjoy."
Sumulyap pa sya sa loob bago sya tuluyang nahila ni Ava palabas. Kaya naman pala hindi mapakali ang kuya nya, may gwapong singkit sa tabi ni Aliana.
Kinamusta ni Agatha ang mga kapatid ni Ava sa house inn. Nangako pa syang magsleep over dito tulad ng dati.
"Akala ko magtatrabaho ka dito?"
"Binilinan ko lang si Aliana. Gusto ko naman magliwaliw."
"Ikakasal ka na ba? Sabi ni Rei isang Romares daw. Jackpot ka naman."
"Jackpot ba?"
Nagswimming na silang dalawa habang nagkakamustahan. Madami silang napag usapan na dalawa, na kahit matagalan silang hindi magkita. Marami pa ding chika sa pagitan nila.
"Ava, dinner tayo?"
"Mabuti pa at gutom na ako."
They walked side by side towards the sea food restaurant. Nagvideo call pa sila sa dalawang kaibigan na nasa manila.
"Grabe! Nangiinggit!" Si Rei na inaayusan pa.
"Ako ba o si Agatha?"
"Both! Hmp."
BINABASA MO ANG
Island Series: Agatha Christie Ong
RomanceTraditional na sa pamilya ng mga Ong ang arrange marriage, marriage for convenience. Hindi exempted na bunso sya at ang Kuya naman ang sasalo ng lahat. Agatha's father made sure that she will taste this stupid idea also. Being a good daughter, Agath...