Chapter Twenty Two
Agatha's been panting as she run for her life.
"Agatha.."
Nakita nya ang isang security guard, sinalubong sya ng security doon at tinanong kung anong problema.
"Manong, may humahabol po sa akin."
"Ma'am Agatha, dito po."
Dali dali syang nagtago sa tinuro ng security guard. Hinabol nya ang hininga nya. She was about to peak but she heard a gun shot.
Napasinghap sya sa gulat.
"Ma'am Agatha! Takbo na!"
Sumilip pa sya at nakita kung paanong binaon ng lalaki ang kutsilyo sa gilid nung security guard. She run again, pababa naman uli sa ground floor ng parking. Nagulat pa sya nang makita ang mga security guard na wala nang malay.
"Miss Ong."
She went inside the security room and locked the door. Yumuko sya at pinunasan ang luha sa mata nya.
Narinig nya ang pagkasa ng baril.
"Lalabas ka, o pahihirapan pa kita?"
Tinakpan ni Agatha ang bibig nya at nag isip ng pwede nyang gawin. Ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Halos mapasigaw sya sa gulat nang may bumaril.
"Isa isahin ko ba mga sasakyan dito para lumabas ka?"
Pinisil nya ang mga daliri at nanginig na sa takot. Narinig nyang dumating na isang lalaki pa.
"Oh god..."
Siniksik na ni Agatha ang sarili doon para hindi na sya makita. Natatakot syang sa oras na makita sya ng mga ito, papatayin sya ng walang hinga hinga.
"Kuya Allen..."
"Lalabas yun. Barilin mo lahat ng pwedeng taguan nya."
She kept quiet and think.
"Agatha!"
Napamulat sya nang marinig si Ezekiel.
"Agatha!"
Sumilip sya sa labas, natatakot sya sa pwede nyang makita na baka namamali lang sya ng rinig. Pero nakatayo si Ezekiel sa harapan ng dalawang nakaitim na lalaki.
"Kung sino man nagpadala sainyo, magpaalam na kayo." Ani Ezekiel. "Where the fuck is Agatha?!"
Sinugod ng dalawa si Ezekiel, napatayo na sya at bubuksan na sana ang pinto nang umiling si Ezekiel sa kanya. Ginawa nya pa din at lumabas.
"Ezekiel!"
"Agatha, fucking run!"
Binalingan sya noong isang lalaki kaya napatakbo sya. Hilam na hilam na ang luha nya sa mata. Dahil sa pagkataranta nya, nadapa sya sa isang walang malay na security guard doon.
"Pinahihirapan mo pa kami."
Hinila sya sa paa noong lalaki at kinasa na ang baril. Napalunok sya pero bago pa nya maramdaman ang bala ng baril, nakahandusay na iyong lalaki sa sahig at naliligo na sa sarili nitong dugo.
"Ah. Wala man lang warm up."
She looked up and saw Allen. Sinilid nito ang baril sa coat at mabilis syang nilapitan. Napaiyak na sya dala ng kaba at takot.
"Kuya..."
"Damn it, Agatha. Damn it."
"Who sent them?"
"I need to find out."
Sinenyasan na nito ang mga tauhan sa likod. Inalalayan syang tumayo ni Allen nang maalala si Ezekiel bigla.
BINABASA MO ANG
Island Series: Agatha Christie Ong
RomanceTraditional na sa pamilya ng mga Ong ang arrange marriage, marriage for convenience. Hindi exempted na bunso sya at ang Kuya naman ang sasalo ng lahat. Agatha's father made sure that she will taste this stupid idea also. Being a good daughter, Agath...