Chapter Four

410 16 17
                                    

Chapter Four

Kakarating lang ni Agatha sa hotel kung saan sila magchecheck in para sa kasal ng Kuya nya. She immediately saw Aliana walking around, tumaas ang kilay nya at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng dalaga.

Strong personality. Hindi naman ito papasa sa kanya, after what she did to her brother? Si Aliana pa ang nagbigay ng problema sa kanila ngayon.

"Trying to escape again?" Marahan nyang sabi.

Nagulat si Aliana nang makita sya sa gilid nito.

"Eh ano ngayon?"

Agatha wrinkled her nose. "Don't try, it will just drain your energy."

Nilagay nya ang suot na sunnies sa may ulo at humalukiphip.

"As of the moment, I don't have a choice now."

"Gwapo naman iyong Kuya ko ah?" Aniya. "Yep, you got it wrong. I'm Allen's sister not his lover."

"So?"

"Just explaining, kasi nung nakita mo kami parang nagselos ka. Got attached to him already?"

Aliana scoffed. "As if? Ginagawa ko lang ito para matapos na agad."

"Alright, goodluck then. Best wishes!" Nagflying kiss pa si Agatha bago tumalikod.

Umiling iling sya. Base on her judgement, mataray, maarte ang babae. May desisyong kanya.

After fixing herself for the wedding, lumabas na sya ng kwarto nya. Nakita nya agad si Ezekiel doon na naka-three piece suit. This wedding will be private, konti lang sila. Both of them headed straight to the church. Malalapit na tao lang sa kanila ang nandoon. She saw her brother standing near the aisle.

Her father is looking proud as always. Nakasimangot si Aliana, not surprised.

The wedding were fast, wala masyadong ganap. Dumiretso sila sa hotel para sa reception. Aliana being a kj, pinapakitang hindi masaya sa nangyari. Natawa nalang si Agatha, goodluck sa Kuya nya. Mukhang mahirap pa naman ata pasunurin ang babae.

"Smile guys!" Panunuya nya sa dalawa.

Sinakto nya talagang tatayo si Aliana nang lumapit sya para kunan ng litrato yung dalawa.

"San ka na? Hindi pa nangangalahati yung reception nyo."

"I'm not feeling well."

Sinundan nya ng tingin si Aliana na umalis na bago ngumisi sa Kuya nya.

"Pwede ka naman magrequest kay Papa na ibahin ang fiancé mo ah. Why push?"

"Did you forget that I made a fucking deal?"

Umupo sya sa tabi ng kapatid. "Or baka na-love at first sight ka?"

He smirked. "Impossible."

Niyakap nya ang braso nito.

"What's your plan?"

"Nothing change." Sagot nito at sinandal ang ulo sa ulo nya. "You sure you can handle the business here?"

"Minamaliit mo ba ako?"

"How's going on with you and Ezekiel?"

"Okay naman. Ayoko na gumaya sa inyo ni Aliana. Ayoko ng complications, Kuya."

"As long as your okay with the decision, I'm fine with it."

May after party pa yung kasalan pero wala yung bride. Inulan tuloy ng tukso si Allen pero hindi na pinansin. Agatha did try to cheer up her brother.

Island Series: Agatha Christie OngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon